AXFEL'S POV
"Mukhang mahihirapan ang SPONGE BOB nayon."
"Ax, ano bang sasabihin mo kanina yung tungkol sa Spongebob nayon?" Si Gio.Oo nga pala hindi kona naituloy yung sasabihin ko.
"Bro' hindi kayo maniniwala.yung sinasabi sakin ni mommy na apo ni nanny Tess na pagaaralin nya si Sponge Bob pala yung tinutukoy nya."
(⊙o⊙)
Ang itsura nung dalawa nung sinabi ko yon.
"Talaga ibig sabihin kasama mo sya sa bahay?" tanong ni Gio.
"Oo, at take note katulong pala namin sya.ha.ha.ha.ha."
"Bro' mukhang sumasang ayon sayo ang tadhana hindi kana mahihirapang makaganti sa kanya, ngayong pwede mo syang utos utusan dahil sa laki ng utang na loob nya sayo." Tumpak.na tumpak si Gio sa mga sinabi nya kaya ikaw SPONGE BOB maghanda kana.
"Hindi paba Sapat Axfel na pinapahirapan na sya ng iba?hindi paba sapat sayo yon?" tanong ni Nate
"Hindi!,Hindi pako kuntento sa kung Anong mga gagawin sa kanya ng mga masugid kong tagahanga ang gusto ko ako mismo ang gaganti.ha.ha.ha" Tama kulang payon sa kanya aba ngayon lang ako napahiya ng ganon sa harap ng maraming estudyante.
"Ha.ha.ha. pano bayan mukhang kawawa sayo ang isang yon." Dagdag pa ni Gio.
"Pero Ax' hindi moba naiisip na kung may gagawin kang masama kay Cass ay maaring madamay si manang Tess magaalala yun sa kanya.Gusto mo bang mangyari yon?" Aba at nakiki cass nadin ang loko.Close? .Pero may punto si Nate Mahalaga din Sakin si Nanny Tess dahil nung panahong naghiwalay ang mga magulang ko sya na ang nag alaga sakin.
"May punto kanga doon Nate." sabi ko.
"Meron namang ibang paraan eh" sabat ni Gio na aktong parang nagbabrain glass.
"Ano?" Sabay naming sabi ni Nate.
"Asawahin mo!"

BINABASA MO ANG
Say You Love Me (On Going)
Teen FictionMatagal nang hinihintay ni Axfel ang isang taong minsan ng naging bahagi ng kanyang puso. Isang taong kahit hindi sigurado ay nagbabakasakali paring balang araw ay makikita at bumuo sa kanyang buhay ,buhay na matagal nang may espasyong nakalaan para...