CASSANDRA'S POV
Hindi ko namalayan nasa tapat na pala kami ng bahay nina Axfel. Dahil sa mga pag-uusap namin hindi ko na iyon namalayan.
"Maraming salamat ulit sa pagpapahiram mo Nate. At salamat sa Oras. Naabala pa kita"nahihiyqng saad ko.
"Sa susunod ulit ha paal-"
*boogsh
Naputol ang saran hin ni Nate ng nangibabaw ang malakas na ingay na parang may nabasag. Ang nakita lang namin ay ang likuran ni Axfel na papasok sa may gate naka porma syang pang basket ball at may earphone pang nakakabit sa tenga. Sya ba ang may gawa.ng ingay?Ibig sabihin kapapasok nya lang at hindi manlang namin sya napansin? Napalingon muli ako kay Nate at halata din sa kanyqng nagulat at hindi napansin ang pagpasok ng kaibigan.
"Mukhang mainit na naman ang ulo ng dakilang ungg- este ni Axfel pala"napapailing na saad ko.
"Mukhang badtrip parin sya samin ni Gio dahil sa sugat nya" sagot nya.
"Ganon ba?Sana maayos nyo nayan. Pero mukhang mahirap intindihin ang isang yon ah"pabirong saad ko habang tumatawa maging syay napatawa rin.
"Sige mauuna nako , paalam"
Pagkatapos naming magpaalam sa isat isa.dali dali naman akong pumasok sa loob dahil baka mapaga litan na naman ako. Pero bago yon pag pasok ko sa gate tumambad sa akin ang ilang basag na paso ng halaman sa tabihan nito ay isang bola. Walang awa, pati ba naman halaman pinapatamaan ng bola yamn yaman ayaw magpapagawa ng sariling court hindi yung halaman ang tinitira. May sapak ba sya?mukhang malala na!.
Pagkabihis ko ay dali dali naman akong tumulong kay Lola para sa iba pang gawain sa bahay. Ngunit ang huling utos nya ay dalhan ko daw ng pagkain at first aid ang unggoy sa taas. Dahil daw sa hindi ito bababa parq kumain dahil nahihirapang bumaba dahil sa sugat. Tsk.. Nakapag basketball nga sya eh..ang arte. Kaya naman padabog akong nagmartsa paakyat ng kwarto ng unggoy dala ang tray ng pagkain at bag ng first aid.
*Tok*Tok
"Dala ko ang pagkain at gamot nyo. Papasok nako."hindi kona inintay pa ang sagot at agad kong binuksan ang pinto .
Pagkapasok ko nang kwarto ay nakahiga lang sya sa kanyang kama at nababalot ng kumot. Tulog bato? Dahil balot sya ng kumot hindi ko makita ang mata nya kung naka pikit o nakamulat. Kaya no choice ako kung hindi ang lapitan at yugyugin sya.
"Nandito na ang pagkain nyo" habang inuuga ko sya pero wala paring nasagot.dalawa, tatlo apat at limang uga pa pero ayaw paring kumilos. Alam kong gising sya. Ikaw ba naman ang yugyugin ng paulit ulit Ewan kolang kung anong kaartehang taglay nito at ayaw pang bumangon.
BINABASA MO ANG
Say You Love Me (On Going)
Novela JuvenilMatagal nang hinihintay ni Axfel ang isang taong minsan ng naging bahagi ng kanyang puso. Isang taong kahit hindi sigurado ay nagbabakasakali paring balang araw ay makikita at bumuo sa kanyang buhay ,buhay na matagal nang may espasyong nakalaan para...