CASSANDRA'S POV
Takbo.Takbo. takbo ako ng takbo magdidilim narin kasi at isa pa Wahhh!! Ihing ihi nako...
Nakakapagod maghapon pagkatapos kasing magpalista sa mga club's na sasalihan mo magmemeting pagkatapos as in sobrang haba mga achu.chu.chu ganyan ..ok back to takbo na nga eto papunta ako ngayon sa locker room ng basketball team .Hapon na kasi andami pang ginawa sana maabutan ko don si Nate ..hihi para maibalik yung white shirt at jacket nya..
(P.S )syempere para din makita sya.ih....haha nikikilig si ako.Kaya excited na excited akong tumakbo ...hihi.Hihingal hingal akong tumigil sa tapat ng locker room..
O_O
Nakabukas yung pinto...
Papasok nabako?
Syempre tumawag muna ako."Hmm Nate?"tawag ko.habang nakahawak ang kamay ko sa may puson ko waahh!! Ihing ihi na talaga ako..hindi naman ako pwedeng bumalik kasi baka magkasalungat kami at makaalis sya...waaah..nasan kana ba kasi.....
"Nate?..."
walang nasagot
Tawag ulet ..naka tatlong tawag nako wala paring nasagot...kaya pumasok nako.malawak kasi yung buong room kaya baka hindi rinig sa ibang side.nahihiya naman akong sumigaw..Hihi..Mahinhin nga diba..."Nate?"
Aisst.. wala parin ang sabi sakin ni Julliane kanina tuwing hapon pagkkatapos nilang magpractice ay dito sila pumupunta.Nasan na kaya yon?Waah!!! eto na eto na lalabas na ..hindi ko na talaga kaya..!!Kaya dali dali akong tumakbo papunta sa C.R dun sa may pinagbihisan ko kahapon.Hindi naman siguro masama.Makikiihi lang naman ako.diba?diba?
AXFEL'S POV
"Aray!!"ang hapdi ng tubig sa sugat ko. Nakakainis kasi habang nagpapractice kami kanina ng basketball natapisod ako sa paa ni Gio nakakainis..Naglalaro ba naman kami ng basket ball eh biglang titigil kasi ay ichichismiss daw sya !.Kabadingan! Yung tatakbo nako sa kanya para agawin yung bola pwersado nako tapos biglang .."Ah ha.naalala kona yung ikikwento ko sa inyo"kaya ayun ending nagsungasob ako..Gasgas tuloy dalawa kong tuhod..
"Ah kaini-Aray!"
Matapos kong maligo ay lumabas na agad ako banyo ..Nas may tapat nako ng locker ko pero napansin ko parang may mali.Iisinara ko ba tong main door kanina?pagpasok ko?hahakbang nasanako pa punta sa pinto ng ...
"Waaaaaahhhhhhhh!!!!Bat ba ang hilig hilig mong maghubad"
OoO
Anong ginagawa dito ng Sponghang to????"Aray..Pede ba? itigil monga yang katitili mo ansakit sa tenga!!"sigaw ko sa kanya nakakarindi na eh.
"Ahhh!!!Bat kasiiiii hubaaaad kanaaaaa namaaaaaan?!!!!!"sigaw nya.habang nakatakip sa mata..
"Ano bang ginagawa mo dito ha?"
"Pumunta ako dito para kay Nate kasi may isasauli ako sa kanya. Hindi para makita ka na ganyan lang ang soot"napatingin naman ako sa katawan ko nakatapis lang ako ng tuwalya sa baba kaya dali dali kong itinapis ang isa pang towel sa katawan ko.Para nadin sa segurida ko.Bak kung ano pang gawin sakin ng sponghang to..Alam nyo nakakahalata nako dito sa babaeng to ha..bat ba anghilig hilog nyang sumusulpot pag ganto lang ang soot ko?Akala ba nya papatulan ko sya?Nandidiri ako sa naisip ko.
BINABASA MO ANG
Say You Love Me (On Going)
Novela JuvenilMatagal nang hinihintay ni Axfel ang isang taong minsan ng naging bahagi ng kanyang puso. Isang taong kahit hindi sigurado ay nagbabakasakali paring balang araw ay makikita at bumuo sa kanyang buhay ,buhay na matagal nang may espasyong nakalaan para...