"Kuya malapit naba?"tanong ko kay manong driver na masama ang tingin sakin dahil paulit ulit nakong nagtatanong.
"Malapit na "inis nyang sagot.
Bago ang lahat ako nga pala si Alleine Cassandra Munoz 17 years old maganda, sexy, mayaman, sikat, pinagkakandarapaan ng mga lalaki, matalino at higit sa lahat HINDI YON TOTOO dahil kung ganon nga sana ako sana hindi ako nabully sa school na pinasukan ko.Ang mga mapanlait at mapanghusga nilang tingin ang lalong nagpapa buhaghag sa kulot kong buhok at naglapakapal sa aking malaking salamin ,Kaya nga ako nabansagang Alien Cassandra, Haysst as in ALIEN grabe nga sila.Pero kahit ano paman ang sabihin nila hindi ako masyadong nagpapaapekto hanggang salita lang naman eh.pero pag ako pinisikal nila lumalabas ang pagka bitchesa ko.
"Ah miss dito nba talaga tayo sa subdibvision nato?? Kasi mukhang pang mayaman po to eh pinagbabawal po ata sa loob ang mamalimos." napapatawang sabi ni kuyang driver
"Grabe ka na man kuya,pogi din natin eh no?!"sakrkastiko kong sagot na ikinatahimik nya.
aba makapanlait eh."Basta dun sa adress na binigay ko kuya" dagdag ko
"Yeah.Uh every body looks to the uh.Yeah"pagsabay ko sa kanta Ay. Favorite na kanta koyong pinapatugtog ni kuya sa tricycle nya"Every body right yeah.can yo---- "ano bayan kuya nakanta pa yung tao eh"..pinatay ba naman yung speaker
"Kung gusto mong kumanta miss baka gusto mo dun na kita ibaba sa abs-cbn mag audition ka sa tawag ng tanghalan. "Sabi ni kuyang driver..tumigil nalang ako sa pagkanta baka ibaba nya pako sa kung saan maligaw pako...pinaasdan ko nalang ang dina daanan namin..
Mukhang pang mayaman nga ang Subdivision nato anlalaki ng bahay di kagaya sa probinsya namin parang cityhall yung mga bahay dito eh.talaga ngang mayaman yung Amo ni LoLa aba biruin mo nung nalaman nung amo nya na namatay si Lolo na kasama ko sa probinsya binigyan nya ko ng scholarship dun sa sikat na SOUTH VILLE ACADEMY balita ko sosyal dun pang mayayaman .matagal na kasing nagtatrabaho si lola sa pamilya nayon 9years old palng ako nagtatarabaho na sya don sya kasi ang nagpapaaral sakin silang na ang tumayong magulang ko kung bakit? mahabang kwento .Pero masaya ako na sila ang nagpalaki sakin nakakalungkot nga lang dahil kami na lang ng Lola Tess ko ang magkasama simula ng namatay si lolo.
"Ah miss nandito tayo"inabot ko.kay kuya yung bayad ko tapos binaba ko yung mga gamit ko. As in napangaga ako sa bahay sa harapan ko este mansion pala ang ganda, dito ba talaga ako titira at the same time magtatrabaho pala.natigil ang pagpapantasya ko nung lumabas sa gate si lola..
"Lola"Bati ko sa kanya, sabay yakap.
"Apo mabuti naman at nakarating ka nang maayos"halata parin sa tono ng boses ni lola ang lungkot dahil sa pagkamatay ni lolo kasi strikta talaga yan pero malambing...malalaman mo kung nagiging strikta na sya pag tinatawag nya kong Cassandra..pero pag malambing o kaya malungkot apo lang ang tawag nya sakin..
BINABASA MO ANG
Say You Love Me (On Going)
Genç KurguMatagal nang hinihintay ni Axfel ang isang taong minsan ng naging bahagi ng kanyang puso. Isang taong kahit hindi sigurado ay nagbabakasakali paring balang araw ay makikita at bumuo sa kanyang buhay ,buhay na matagal nang may espasyong nakalaan para...