Chapter 5.2: Walk Out

53 2 0
                                    

A/N: Dahil bitin yung chapter 5, ito ang pahabol. Hahaha. Hope you like it. Sorry kung bitin.

Naomi.

"Shemay Ash! Ano ba yan?"

"Sandali lang to Mimi. Maghintay ka."

"Gago! Umalis ka dyan! Para kang tanga."

"Sandali lang to Mimi."

Tapos narinig ko yung 'click' ng camera ng cp niya.

"Done."

"Tapos na ang pagpipicture ng butterfly?" I rolled my eyes.

"You heard what I said mimi, I'm done."

"Whatever." Inirapan ko siya.

He smirked. "Selos ka ba?"

Tinignan ko siya. "Selos? Bakit ako maseselos?"

"Kasi yung butterfly pinicturan ko, eh ikaw hindi."

"Ha ha. Nakakatawa ka Ash." I rolled my eyes at him at umiwas ng tingin.

"Salamat, nakakatawa na pala ako."

Che, bahala siya dyan.

"Mimi may sasabihin pala ako" Parang nagseryso ah.

"Ano?" Sabi ko habang di tumitingin sakanya.

"I-" *bell* Bwiset na bell! Epal!

"Nevermind." He held my hand and sinabay ako sa paglakad.

"T-teka Ash, why are you holding my hand?"

"Shush. Makisabay ka nalang." Hanggang malapit na kami sa classroom, binitawan niya na ako. Una siyang pumasok then me. Pagpasok namin, umupo kami sa aming mga upuan.

Buti di kami nalate. May pumasok na ding teacher.

"Good morning class. I'm Sir Villanueva. I will be your English teacher."

English? Yasss. My favorite subject.

Habang naglelecture si Sir sa harap namin, may pinasang papel si Cheska sakin. Oo, magkatabi kami pero ayaw kasi naming mag ingay.

'San ka pumunta kanina?'

I replied with, 'Di ko alam kung saan ako dinala nung gunggong yun' Pinasa ko balik sakanya. Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

Pinasa niya balik sakin ang papel,

'Hahahaha. You know what happened after hinila ka ni Ashton?'

'Gaga pano ko malalaman dahil wala na ako dun'

Pinasa ko sakanya balik. Sumulat siya then pinasa ulit sakin.

'Sorry po. Nagtatanong lang eh. Hahaha'

'Sige na, what happened after that?'

Pinasa ko ulit. Matagal siyang nakasulat. Pinasa niya ulit.

'After hinila ka ni Ashton, Kevin did something na di kanais nais. Grabe bes. Di ko yun naexpect. Parang nagselos o nagalit. Nag walk out.'

Si Kevin? Nag walk out?

"Miss Naomi and Miss Cheska, would you mind sharing your business there?"

"Uhh... Wala sir. Sorry." Tinago ko nalang yung papel tsaka tinignan si Cheska. Tinignan niya din ako ng seryoso. She smiled a bit.

"Totoo yung sinabi ko. He walked out." Iniwas niya ulit yung tingin. Umiwas din ako.

Kevin Ventura, why did you do that?

---

Sorry kung bitin! May pupuntahan kasi kami. Hahaha. Mamaya or bukas siguro ako mag uupdate. Bye guys. Saranghaeyo~

-missalienauthor

Our Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon