Chapter 3: Helping Someone

76 2 0
                                    

Dedicated to: Lovelyz18

Naomi.

Sa sobrang pag uusap ko sa demonyong iyon, di ko na alam kung ano na ang oras. Nakapasok na ako ngayon sa school.

Time check: 7:00

Okay, I still survived. Di pa naman ako nakacheck kung ano yung room ko. Buti namang wala ng masyadong tao sa bulletin board kaya dumiretso ako dun at hinanap yung pangalan ko. Btw, high school pa Lang ako. Next year, Grade 10 na ako. So it means, I'm still Grade 9.

"... Naomi Diaz... 9-Ms. Sanchez" Ms. Sanchez? Di ko to siya naalala dati eh. Sa mga nagtataka dyan, I'm not a transferee in this school.

Hinanap ko na lang din yung pangalan ng demonyo to make sure if classmates kami. Teka, ang tanong, grade 9 na ba yun? Same school lang sabi niya eh. Aish, bahala na nga. I looked for his name and...

"Shit." Napamura ako ng pabulong. Same classroom nga kami. Kung pwede lang sumigaw dito ng "tangina." Eh kanina pa ako nakasigaw. Aish, bahala na nga. Makapunta na nga ako dun. Pagdating ko sa hallway, andami namang kumaway sakin. Tutal, madami naman akong kilala dito. Nung malapit na ako sa classroom, may lalake akong nakita. Parang nalilito.

"Not here... Maybe there? Nope... Maybe there..." Tsaka tinuturo kung saan saan.

Lumapit ako sakanya at nagtanong, "Excuse me, pero are you lost?" Tinignan niya ako. Bes. Mukhang matutunaw ako nito. Ang gwapo tangina.

"Uhmm... Oo... I got to find 9-Mr. Ramirez... Alam mo ba kung asan yun?"

Sheeeet. Same grade kami. Kaso di classroom. Huhu.

"Yup... Malapit na yan dito. Tara, sabayan na kita." He smiled. Habang naglalakad kami, nagtanong siya.

"What's your name?" I pointed myself to make sure.

Tumango naman siya at tumawa. "Naomi Diaz"

"Ahh... Grade ano ka ba?"

"Grade 9. Kay Ms. Sanchez ako."

"Are you a transferee?"

"Nope" Nung nandyan na kami sa classroom niya, sinabihan ko siya na, "Sige alis na ako."

"Ahh... Naomi"

"Hmm?"

"Pwedeng... Sabay tayo mag lunch and recess mamaya?"

"Sure. Meet me in my classroom. Sa labas."

"Sure. Oh before I forget, my name is Kevin Ventura." He smiled and went inside his classroom.

Kevin... Ang gwapo namang pangalan. Nang nasa classroom na ako, humanap ako ng upuan. Umupo ako tabi sa dati kong classmate. Si Cheska.

"Hi Ches! Kamusta ka na?"

"Ay, hi Naomi. Okay lang naman ako. You?"

"Same. Ano ginawa mo sa bakasyon?"

"We traveled in Korea. Grabe Naomi, ang saya dun."

"Buti ka pa"

"Eh ikaw ano ba ginawa mo?"

"Wala naman masyado. Pumasyal kami sa Davao. Tsaka I stayed late at night sa bahay."

"Ahh... Okay naman at least nakapag bakasyon ka." Tumawa kaming dalawa.

"Ches, madami ka na bang nakilala this first day of school?"

"Di naman ganun karami, pero yup, may nakilala na ako"

"Boys or girls?"

"More like girl lang. Haha. Pero masaya siyang kausap. Si Kaye."

"Same classroom?"

"Nope. 9-Ms.Dema Ala siya." Malapit lang sa classroom nila Kevin...

"Eh ikaw, Naoms? May nakilala ka na?"

"Yup. Dalawa. Yung isa, demonyo. Yung isa, pogi."

"Jusmeyo! Tell me about them."

"Mamaya na lang."

"Ihhh."

Pumasok na bigla si Ma'am Sanchez. Tumayo kaming lahat.

"Good morning class. You may sit down"

Umupo naman kami.

"Some of you here are transferees but some of you aren't, I want to know more about all of you. Tutal, 20 lang naman kayo sa klase ko." 20? Ganun lang ba kami kaliit? Bat ko ba di chineck kanina?

"Oyy Naoms, nakikinig ka ba?"

"Oo naman. Kinakabahan nga ako eh."

"We'll start from the first ro-" Bago tinapos ni ma'am ang sasabihin niya, biglang tumunog yung pintuan. Lakas nun ah! Tinignan ko yung nasa labas at sa kasamaang palad, si demonyo pala.

"Am I late?"

"Yes mister. Now please sit down."

"Tss." Gago lang ba o ano? Teacher kinakausap niya! Wala talagang respeto eh.

Bahala na nga, ano bang pake ko sa demonyong yan?

---
Hays akala ko wala nasave tong UD ko. Jusmeyo. Pag open ko kasi nito. Nawala itong chapter. Grabe, kinabahan ako bigla. Di lang kinabahan, nagalit ako. Hayst.

-missalienauthor

Comment below sa gustong magpadedicate :)






Our Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon