Naomi.
Umuwi na ang tatlo. Mag isa nalang ako dito sa bahay. Ano nga yung sinabi nila Kaye at Cheska na babasahin ko? Wattad? Wattlad? Wattpad? Ayun! Wattpad. In-open ko yung laptop.
Nag search ako kay pareng Google ng Wattpad. Tapos may nakita akong parang website at pinindot ko.
Puchak. Kailangan pa gumawa ng account to sign in? Grabe naman to. Pero bahala na nga. Nacucurious ako eh. Pagkatapos kong gumawa ng account, nag click ako ng mga "Genre"
I clicked teen fiction, fan fiction, romance and mystery.
Then I clicked the stories na parang gusto kong basahin.
The Four Bad Boys And Me
by: blue_maiden
Teen Clash
by: iDangs
Accidentally In Love With A Gangster
by: marieliciousItong tatlo lang muna babasahin ko.
I started reading The Four Bad Boys And Me.
After 5 minutes...
"Ang ganda talaga nito."
May bumukas ng pintuan ko.
"Lil sis."
"Ay Jeydon Lopez!" Tumawa ng malakas si kuya.
"Nakakainis ka kuya! Di mo man lang kinatok yung pintuan ko." Tumawa naman siya.
"Mas gwapo ako dyan. Teka, sino ba yan? Tsaka ano ginagawa mo?"
"Wahh! Siya lang ang kaisa isang King of Badboys. Ang lakas ng dating kuya! And I'm reading wattpad."
"Ahh..."
"Hello mga Diaz siblings!" May pumasok na babae sa kwarto ko. Tinignan ko siya. Si Ate Jessica pala. Teka, si Ate Jess?
"Ang ingay mo Jesscia Mieng."
"Oh? Atleast friendly. Eh ikaw, ang cold mo kaya wala kang friends." Sabi ni Ate and she rolled her eyes.
"Madami akong kaibigan." Sagot ni kuya.
"Di marami. Hi baby Naomi! Musta na pakiramdam mo?"
"May pagkaokay na ate. Bukas papasok na ako ng eskwela."
"Good to hear"
"Tsaka Ate Jess, bakit ka nandito?"
"Ayun! Dito ako matutulog baby. Buti pinayagan ako ng Kuyang sungit mo."
"Mas masungit ka sakin" Lumabas si kuya.
"Ano?! Mas masungit ka sakin!" Lumabas na din si Ate.
Makapagbasa na nga ng TFBBAM.
After 5 minutes.
"KYAHHHHHH!"
Pumasok nanaman si kuya. "May problema sis?"
"Wala kuya. Hehe. Kinikilig lang ako."
"Kinikilig amp." Tumawa si kuya at lumabas ulit.
Bumalik naman tingin ko sa laptop.
After 5 minutes...
"Lil sis! Kain na!" Sigaw ni kuya sa ilalim.
"Mamaya na kuya! Nagbabasa pa ako!"
"Okay! Bilisan mo! 1 chapter na lang, okay?"
"Try ko!"
"Try amp!" Tumawa si kuya.
Tinuloy ko nalang ang pagbasa ng TFBBAM.
After 10 minutes...
"Sis! San ka na?"
"One more chapter please!"
"Bahala ka nga dyan! Matutulog na lang ako! Bumaba ka nalang dito kung gutom ka." Pumunta na din si kuya sa itaas at dumiretso sakanyang kwarto at bumihis tapos natulog.
After 10 minutes...
May pumasok sa kwarto ko.
"Baby Naoms, bumaba ka nalang kung gutom ka. Matutulog na ako. Night, love you" Ate Jess kissed my cheek.
"Night ate, love you too." Lumabas na si Ate ng kwarto at pumunta sa kanyang kwarto.
After 5 minutes...
"Anong oras na ba...?" Tinignan ko yung orasan.
"10 p.m." Bumaba muna ako para kumuha ng pagkain. Naubos na pala. In-open ko yung kitchen wardrobe. Buti may nakita ako. Kinuha ko yung loaf bread tapos nagtimpla ako ng kape. Just to stay all night late. Pagkatapos kong magtimpla ng kape, pumunta ako ulit sa taas. I closed the door of my room and binalik yung tingin sa laptop.
After howmanyminutes...
"Huhuhu. Ano ba to. Huhuhu."
"Anong *sob* oras *sob* na ba? *sob*"
"12 am *sob*"
After how many minutes...
"Kyahhhhh! Putahamnidaaaaaa!!!! Wahhhhhh!!!"
"Anong oras na?"
"2 am. Aja! Kaya pa to!"
After how many minutes...
"Yun lang? Tapos na agad? Ang bitin ng book 1. Bukas nalang yung book 2."
"Teka, anong oras na ba? Di pa ako nakatulog."
"4 am?! What the heck?!"
"Makapag tulog nga ng madalian." In-off ko na yung laptop ko tapos natulog na.
After howmanyminutes
"Naomi! Hoy! Gising na! Akala ko ayaw mong malate! Lil sis!"
"Mmm... Jeydon..."
"Lil sis!"
"Aray! Sa tenga ko pa talaga!"
"6 am na!"
"Ano?! Teka bibilisan ko na. Umalis ka dito!" Umalis naman si kuya at sinara yung pintuan.
Binilisan kong magsipilyo. Naligo na agad ako. Paktay. Nakalimutan ko yung twalya. Tumitingin ako sa paligid ko at... Ayun! May nakita akong robe. Lumabas ako ng banyo na sinusuot yung robe.
I towel dry my hair and comb it.
Plain white v neck shirt and jeans nalang sinuot ko. Nag foot socks na ako at sinuot ang sneakers ko. Kinuha ko yung bag ko at nilagay yung kailangan na dalhin ko sa school. Nilagay ko yung cp ko sa front pocket ng jeans ko. Nagmamadali akong bumaba.
"Ate Jess, Kuya Nash, alis na ako. Ayaw kong malate. Love you!"
"Di ka na kakain ng almusal?"
"Sa school nalang! Tsaka di naman ako gutom kaya bye!"
"Tatawagan kita mamaya. Text me kapag masakit pakiramdam ko or si Jessica. Bye sis. Love you too."
"Bye baby! Good luck sa school! Love you too!"
Umalis na agad ako sa bahay at tumakbo papuntang school.
#WattpadPaMoreBes
---
Sorry late UD! Ngayon lang ako nakapag open ng cp ko. Kinuha kasi. *roll eyes effect here* charot. Salamat sa pagsusuporta! Saranghae
-missalienauthor
BINABASA MO ANG
Our Love Story
Ficção AdolescenteTatlong lalake. Tatlong babae. Met each other in an unexpected time. From enemies to friends. unexpected people, unexpected twists. "This is Our Love Story."