Chapter 26: PDA

17 1 3
                                    

Naomi.

Natuloy nga yung stargazing namin. Ang ganda. Mamayang 12 lang daw kami uuwi. Matagal pa namang mag close 'tong park na pinuntahan namin.

"Ang gandaaaa." Sabi ni Cheska habang nagpipicture.

"Di naman kasing ganda mo." Dugtong ni Jax.

"Heh!" Natawa kami sa reaction niya.

"Totoo naman."

"Mambobola."

"Kinikilig naman."

"Oo na! Tse!"

"Yiii. Kinikilig daw." Pang-aasar ni Jax. Natawa kami ulit.

"PDA niyo oy. Lipat kayo sa ibang lugar." Reklamo ni Kaye.

"Naiinggit ka sis? Nan-" Di natuloy ni Jax yung sasabihin niya dahil kinurot siya ni Kaye.

"Potaaa! Manahimik ka nga."

Silence.

"Nanahimik na ko sis, ano na?"

Sinapak siya ni Cheska.

"Aray! Ano ba! Ba't parang ako nalang palagi may kasalanan dito?" Reklamo ni Jaxxen.

Tumawa kaming lahat.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"11 pm na." Sagot ni Ashton.

Tumango nalang ako.

"11 pm na pero mahal pa rin kita." Dugtong niya. I chuckled. He really knows how to make me smile.

Binatukan naman siya ni Jax.

"Aray! Anong problema mo? Tss."

"Corny. Walang originality."

"Line ko yun. Baka kukunin mo. Ikaw yung walang originality."

"Sorry pero marunong ako gumawa ng mga sariling lines ko. Diba babe?" Sabi ni Jax sabay tanong kay Cheska.

"Aba ewan ko sa'yo. Huwag mo kong idamay dyan sa kalokohan mo."

He pouted.

"Dapat kampihan mo ko nun eh."

"Bahala ka."

Tumawa kami.

"Guys, tama na yan. Pumunta tayo dito para mag stargazing. Hindi para mag landian." Sabay reklamo ni Ken.

"Thirdwheel lang kasi kayo ni sis." Sabi ni Jax.

Ken glared at him.

"Shut up." Sinampal naman ni Kaye si Jax.

"Aray ko! Ang sadista niyo ni babe! Ano bang meron at palagi niyo nalang akong sinasaktan?"

"Tanungin mo sarili mo." Cheska.

He pouted. "Edi sorry na." He then hugged Cheska.

"Stargazing pinuntahan natin dito! Hindi PDA!" Ulit ni Ken.

"Thirdwheel lang talaga kayo." Sabay sabi ni Ash at Jax. Humalakhak naman sila.

"Aba'y mga gago. Sumabay pa."

"Ikaw yung nag-invite samin dito, ikaw pa yung nagrereklamo." Sabay sabi ko.

"BOOM!" Cheska.

Tumawa kaming lahat maliban kay Ken.

"Tumatawa yung isa dyan, para ba namang di siya thirdwheel." Cheska.

"BOOM!" Ako.

Tumawa ulit kaming lahat maliban sakanilang dalawa.

Our Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon