Prologue

50.9K 742 28
                                    

Korea. Year 1994

3rd Person's POV

"Uwah! Uwah!" huni ng isang sanggol. Nakalagay ito sa isang basket at natatakpan nito ng isang makapal na tela na kulay puti na bitbit ng isang ginang.

"Carlotta, naririnig mo ba iyon?" tanong ng isang lalaki sa asawa nito. Nasa kwarto ang mag-asawa nang marinig nila ang isang malakas na ungol. Si Carlotta ay isang guro habang ang asawa nitong si Gilbert ay isang chef ng royal family.

Maya-maya ay narinig nila muli ang pag-iyak ng sanggol. Kinuha ng ginang ang scarf nito habang ang asawang si Gilbert ay agad na binuksan ang ilaw.

"Uwwahh! Uwwahh!"

Sabay na lumabas ang dalawa at bumungad sa kanila ang isang ginang. May dala-dala itong sanggol na nakabalot sa isang lamping.

"O hananim, dangsin-eun wae yeogie naewieom-inga?! (Oh God, why are you here your majesty?!)" gulat na tanong ng ginang. Nagulat sila na kaharap nila ang isa sa mga anak ng emperor ng Korea. (Secret muna yun identity kung sino ang taong ito.) Di malaman ng mag-asawa kung paano nila haharapin ang anak ng hari.

"je oleul dowajuseyo! i gos-esei naui aileul meollihaey ahabminda geunyeoui saengmyeong -i wiheom-e cheohaeissda! (Help me out. You must take away my child out of this place! Her life is in danger!)" anas ng ginang.

Nagulat ang mag-asawa sa narinig. Di lubos maisip ng dalawa na gagawin iyon ng mahal na hari sa apo nito. Dahil sa laging kinukwento ni Gilbert sa asawa nito na mabait ang mahal na hari at mahal na mahal nito ang kaniyang pamilya. Sa kanilang narinig ay tila ayaw nila itong paniwalaan.

"ulligajuuiegei aileul gajiguganeun gyeong-ue geuleona uliui mogsum-i wiheom-eiss geos-ibnida. (But, our lives will be in danger if we take care this child.)" singit naman ni Gilbert. Hanggang ngayon ay di pa rin ito naniniwala sa sinabi ng anak.

"nae aileul-wihan choegui bumoga aoel geos- ibnida. dungsin-i geunyeoege joh-euns alm-eul jegong hal su isseubnida. dongsin-ui jinjjattal-i geunyeoleul salang habnida. jebalbutag deulyeoyo hasigi balabnida. (You will be the best parent for my child. You can give her a good life. Love her as your real daughter. Please I'm begging you. Please!)" naiiyak na sabi ng ginang.

Nakaramdam ng awa ang mag-asawa kaya wala silang magawa na kahit natatakot sa pwedeng mangyari sa kanila pag kasama nila itong sanggol na ito. Ngunit sa pangugulila nila sa kanilang namatay na anak ay napalitan nila ito ng sobrang saya na dumating sa kanilang mag-asawa.

Pagkalingon nila ay siyang nawala ang ginang na nakasuot ng belo. Doon nila nakita ang pangalan na nakaburda sa puting tela.

"Hannah. Napakagandang pangalan. Ituturing ka namin ni Gilbert na tunay na anak. Mamahalin ka namin ng buo. Isa kang magandang regalo sa aming mag-asawa." nakangiting sambit ng ginang.

Niyakap nilang mag-asawa ang babaeng sanggol. Dito nagsisimula ang mala-fairytale na buhay nito.

===========

Unang una, dalawang stories ang nag-inspire sakin na gawin ito. Ang Anastasia at ang Princess Diaries. Ang Anastasia ay tungkol sa isang babae na napalayo sa kaniyang tunay na katauhan. Dahil sa isang trahedya, ang kaniyang pamilya ay namatay sa kamay ng isang sorcerer. Sa kaniyang paglaki ay nakilala niya ang isang lalaki na siya pala ang nagligtas sa kaniya nun bata pa siya upang magpanggap na nawawalang apo ng mahal na reyna. Nang tinanong siya kung siya ba ang apo ng reyna ay may kinuwento siya na may nagligtas sa kaniya na bata noong at doon niya nalaman na siya ay isang prinsesa.

Pangalawa naman ay ang Princess Diaries, ay tungkol kay Mia na lumaki bilang isang simpleng babae. Nang nalaman niya ang tunay na pagkatao niya ay biglang nagbago ang buhay niya. Kelangan niyang pag-aralan kung paano umasta, kung paano makisalamuha sa iba't ibang royalties at iba pa.

Pangalawa. Kung may mali man sa translation, pakimessage na lang po ako kung sino man ang marunong, nagmamarunong (joke!) na mag-Korean para ma-correct ko lang po. Umaasa lang po kasi ako kay Google Translator. HAHAHAHA!

Last, pakibasa naman po ito at pati na din yun ibang stories ko po. HEHEHE.

P.S: Here's the picture of baby Hannah. Ccuuttee!! :'>

She's a Long Lost Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon