Chapter Eleven

9.5K 228 0
                                    

Hannah's POV

Wala kaming ginawa kundi tumakbo ng tumakbo hanggang sa nakarating kami sa employee's entrance. Nagtago kami sa gilid upang di kami mahanap ng mga humahabol samin hindi sa kaniya lang pala. Sinabit lang niya ako.

"Bakit mo ba ako hini--" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan niya agad ang bibig ko sabay silip ulit sa labas.  Paglingon sakin ay agad na tinapat ang daliri nito sa bibig nito upang sabihin na huwag maingay.

"Asan na ba si Sir Samuel? Naku malalagot tayo kay Sir nito." sabi ng isang lalaki na parang siya ang lider na naghahabol sa kaniya.

"Di namin siya makita." sagot ng isang kamahan nito na hingal na hingal.

"Kami din." sagot din ng isa.

"Pumunta naman tayo dun baka nandoon sila." sabi ng lider sabay takbo.


"Hdhsb. Ano ba nangyari?! Bakit ka nila hinahabol?! Pati ako sinama mo sa kabalastugan mo! " sunud sunod ko na sabi. Nakakainis naman kasi eh! Isasama pa ako sa kabalastugan niya! Pwede naman tumakbo na lang siya pati ako dinamay niya!


"Wala ka nang pakialam don! At pwede ba, huwag kang sumigaw?! Nakakarindi!" sagot niya.


"Ang kapal naman ng mukha mo! Fyi, wala din ako pakialam sa iyo! Bahala ka mamoblema dyan! Oh sorry, wala nga pala ako pakialam sayo! Kaya bakit ko proproblemahin yun iyo!" sagot ko sabay labas sa pinto. Naglalakad ako para hanapin si bessy. Kung kelan kelangan tsaka nalowbat pa yun phone ko.


Sa paglalakad ko ay may nabunggo akong isang lalaki. Agad akong humingi ng paunmanhin. Teka parang kilala ko ito? Ito yun humahabol samin kanina! Hindi  sa kaniya lang pala!


Di ko alam kung bakit ako nakaramdam ng takot. Ang alam ko lang ay maglakad ng maglakad hanggang sa makalayo ako sa lalaking iyon. Pagkalingon ko ay sinusundan niya pa rin ako. Ano ba itong pinasok ko?! Agad akong tumakbo upang makalayo ako sa kaniya.


Agad akong nakihalubilo sa madaming tao upang iligaw siya. Hanggang sa may humatak sakin. Pagkalingon ko si Samuel na hawak hawak ang braso ko.

"Bitiwan mo nga ako! Pati ako hinahabol nang dahil sayo!" sigaw ko.


"Ayun sila!" sigaw nun lalaki at agad na tumakbo ang mga kasama nito papunta samin.

"Tara na bilis!" sigaw nito. Tumakbo kami ng mabilis hanggang sa nakalabas kami ng mall. Agad kaming sumakay ng jeep. Pagkalingon ko ay humahabol pa din sila papunta samin.

"Manong, paandarin niyo na po yun dyip!" sigaw ni Samuel. Agad naman nito pinaandar yun dyip hanggang sa nakalayo na kami sa mall. Nakita na lang namin na hingal na hingal ang mga lalaking humahabol samin.


Napangiti ako ng bahagya dahil akala ko ay katapusan na namin hanggang sa napalingon kami sa isa't isa. Ngayon ko lang siya ngumiti. Nagtama ang mga mata namin hanggang sa tumibok ang puso ko.

"Dug-dug. Dug-dug."


Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at tumingin sa kalyeng dinadaanan ng dyip na sinasakyan namin. Kumuha ako ng barya sa pitaka ko upang magbayad sa dyip.


"Manong bayad po. Dalawa." sabi ko.

"Salamat." bulong nito.

"Marunong ka pala magpasalamat. Akala ko lagi kang may dalaw." bulong ko din.


"Hmm." sagot niya sabay ngumiti ng bahadya. Ewan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pero kelangan ko muna isipin kung paano ko sasabihin kay mama at papa ang lahat. Dahil sigurado akong tumawag na si Yas doon sa bahay.

She's a Long Lost Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon