Chapter Eighteen

8.5K 188 0
                                    

Hannah's POV





Nagpasya akong magpalipas muna dito sa loob. Ayoko muna magpakita sa kanila na mugto ang mga mata. Kaya tinext ko na lang si Yas na umuwi na ako at nagkunwaring sumama ang pakiramdam.








Makalipas ng ilan oras ay lumabas na ako sa loob ng cubicle at nag-ayos. Ayokong ipahalata sa kanila na kagagling ko lang sa iyak. Pagkalabas ko sa loob ng cr ay dumiretso na ako sa labas upang magpara ng taxi nang nakita ko si Slater na nakaupo sa labas.







"S-Slater?" tawag ko. Agad na lumingon si Slater na para bang nakainom.







"H-hannah?" sagot niya at inaya akong umupo sa tabi nito. Agad ko naman sinunod at tumabi sa kanya. Naamoy ko siya na amoy-alak. Maya-maya ay nagkwento na ito.







"Alam mo bang ang tanga-tanga ko?" tanong niya. Nakatingin lang ako sa kanya at pagkatapos nun ay nagsalita ulit. "Pinabayaan ko ang kagustuhan nina papa. Natakot ako. Huh! Matagal ko nang gustong sabihin sa kapatid ko. Nauunahan lang ako ng takot. Matagal ko nang nararamdaman ito eh! Ewan ko ba kung bakit di ko masabi! Napakasama ko bang kapatid at anak?! Sabihin mo nga, masama ba ako?"









"Hindi. Hindi mo naman kagustuhan na gawin yun ehh. Pareho lamang kayong biktima. Alam kong sinunod mo lang ang kagustuhan ng mga magulang mo. Kung sakin nangyari yun, siyempre masasaktan din ako. Yung sariling pamilya mo nagawa kang lokohin. Oo magagalit ako pero may tanong sa utak ko na bakit niyo ginawa yon? ano ba ang dahilan? Masakit sa una pero di agad-agad na mawawala yun sakit. It takes time para patawarin kayo ulit. Ang mas mabuting kasagutan eh mag-usap kayo ng maayos." sagot ko.








"Sa tingin mo ba magiging maayos ang pag-uusap namin? Eh hirap kaming kausapin ang kakambal ko. Swerte na lang yun babaeng magpapahinahon sa kaniya. Hehehe." pabirong sabi ni Slater.








"Sa tingin mo ba magkakaayos ulit sila ni Ayesha matapos niyang malaman ang lahat? Di ba mahal na mahal niya iyon?" tanong ko.








Nagkibit-balikat lamang si Slater at sumagot. "Di ko alam. Sa tingin mo?" tanong niya sakin.







"Sa tingin ko oo, di ko naman sinasadya na marinig yun usapan nilang dalawa. Sagot ksi ni Samuel sa tanong ni Ayesha sa kanya kung mahal pa din siya. Ang sagot niya ay...oo mahal niya pa din si Ayesha." sagot ko.










"Bakit nagseselos ka ba?" tanong niya na di ko alam kung binibiro lang niya ako o hindi.







"Huh? Ako?" sabay turo sa sarili ko. "H-hindi noh!"







"Sabihin na lang natin na tinatago mo lang ang totoo. Na di ka pa sigurado sa nararamdaman mo. Pero sa mga ikinikilos mo at isinasagot mo sakin ngayon ay napatunayan ko na ang tamang sagot sa tanong mo. Huwag ka lang magmadali at huwag ka din babagal-bagal. Sige na, alis na ako. Salamat sa oras ha. Bye." paalam niya.









Naiwan akong tulala. Di ko ma-gets ang sinasabi niya sakin. Ano ba yun ipinapahiwatig niya? Nagpasya akong tumayo at pumara ng taxi. Di ko na tinawagan si manong para magpasundo dahil tinext ko si Yas na nakaalis na ako para di niya ako mapansin.









Nakarating na ako sa bahay na parang ang bigat ng pakiramdam. Habang nakahiga ako ay naaalala ko yun sinabi sakin ni Slater.








Ano nga ba ang tunay na nararamdaman ko? Ano nga ba talaga? Maya-maya ay di ko napansin na nakatulog na pala ako sa lalim ng iniisip.








Short UD! Inuna ko lang inupdate yun isa kong story at tinapos ko na din. May soon ako ipapublish na story ulit.





Hanggang dito lang ang kaya ko ngayon dahil pagod na pagod na pagod na pagod ako ngayon dahil sa work.





Goodnight! ♥



























She's a Long Lost Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon