Chapter Seven

13.3K 275 0
                                    

Samuel's POV

Kinabukasan pagkagising ko ay bumaba agad ako at doon ko naabutan nag-uusap sina mom, dad at si tito Jeston, daddy ni James sa sala.

Humalik agad ako kay mom at nakita kong nakangiti sakin si tito Jeston. Gumanti lang ako sa pag ngiti sa kaniya. Nagpaalam ako na kakain muna ng brunch.

"Here's the invitation for the welcome party this Sunday. Are you going to come, Samuel?" tanong ni tito Jeston.

"I'm sorry tito, di po ako pupunta sa event. Thank you." sagot ko. Tumalikod agad ako at dumiretso sa dining. Maya-maya ay dumating naman si Slater na nag-uunat at kinukusot ang mata.

"Nandoon si tito Jeston ahh. Kinausap ka na ba?" tanong ni Slater sabay inom ng fresh milk na sinalin sa baso.

"Oo at sinabi kong di ako makakapunta." sagot ko.

"What?! Bakit?! Eh ayaw mo bang harapin sina..you know!" tanong ni Slater.

"Ayoko silang harapin at ayoko silang makausap. Di naman ako kawalan sa party na iyon eh." sagot ko. Hiniwa ko yun side ng pancake at sinubo ito.

"Hayy, kung alam mo lang." mahinang bulong ni Slater. Hihigop sana ako ng kape meron napahinto dahil sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?"tanong ko. Umupo siya sa harapan ko at kumuha ng toasted bread at kumuha ng condensed milk at honey. Eww! Di ko matake yun pinaghalong condensed milk at honey.

"Wala! Ano masama na naman tingin mo sa kinakain ko ngayon?!" tanong niya.

"Eh nakakadiri ehh! Pagkain ba yan?! Parang kanin-baboy ehh! Yuck!" anas ko.

"Walang pakialamanan! Kainin mo yun iyo! Kakainin ko yun akin! Belat!" sagot niya. Isip-bata talaga kahit kelan. Tss.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso agad ako sa office para mag-train samantalang si Slater naman ay pupuntahan daw si Hannah.

Tss. That girl! Lagi na lang ako naiinis sa babaeng iyon! Ewan ko ba kung bakit, not because of her face was similar to my ex-lover. Basta di ko alam kung bakit. Gusto ko siya parati makitang naiinis sakin. Ahh basta! Weird!

Slater's POV

Maaga at excited akong tumungo sa restaurant nina Hannah. Excited para makita at mapuntahan si Hannah. Madali kami agad na nagkasundo. Everytime na nakikita ko siya my heart don't stop beating. Siguro ay may gusto na ako sa kaniya. Simula nang nakilala ko si Hannah ay di na ako tumingin sa ibang babae. Ewan kung anong karisma meron si Hannah. She's beautiful inside and out. Ewan ko ba sa kapatid ko kung bakit ba galit na galit dito eh ang cute niya kaya!

"Welcome to Le Carlotta, sir!" sabay na bati ng dalawang staff.

"Hi! Andyan si Hannah?" tanong ko agad sa staff.

"Ay wala po sir. Nasa bahay po si Mam Hannah. Aasikasuhin po kasi yun clearance niya sa school ehh." sagot ng staff na babae.

"Ahh ganun ba, maaari bang kuhanin yun address ng bahay nila?" tanong ko.

Agad kong pinuntahan yun bahay nina Hannah. Sabi ng staff na si Judy, anim na bahay lang pagitan ng layo nito sa restaurant.

3

4

5

6

Nandito na ako sa labas ng bahay nina Hannah. Nakalagay dito sa gate ang Villegas. Nakita ko ang isang bell sa gilid ng poste at pinatunog ko iyon.

Makalipas ng dalawang minuto ay pinagbuksan ako ng isang matandang babae. "Sino po kayo?" tanong nito sakin.

"Ako po si Slater. Kaibigan po ni Hannah. Andyan po siya?" sagot ko.

"Halika pasok. Ako nga pala si manang Hermania. Ang nag-alaga kay Hannah nun maliit pa siya." pagpapakilala sakin.

"Umupo ka muna. Tatawagin ko lang si Hannah." iniwan ako ni manang sa sala at umakyat sa taas upang puntahan ang kwarto ni Hannah. Tinignan ko yun mga picture frames na nakapatong sa isang piano. Malaki ang pagkakaiba ng anyo ni Hannah sa pamilya nito. Sa pagkakataon iyon ay gets ko na ang ibig sabihin sa mga sinasabi ng mga litrato.

"Slater, naparito ka." sabi ni Hannah. Humarap agad ako sa kaniya at biglang kinabahan. Ang ganda niya sa simpleng floral dress na suot nito. Mas lalo ko siyang nagugustuhan.

"Nagpunta kasi ako sa restaurant niyo at sinabi sakin ni Judy na nandito ka daw sa bahay at aasikasuhin yun clearance mo sa school." pagpapaliwanag ko.

"Ahh..oo nga ehh. Actually, late na nga ako sa oras sa usapan namin ni Yas ehh." sagot niya.

"Ahh, kung gusto mo samahan kita. May dala akong kotse." offer ko.

"Ahh, ano kasi. Si papa kasi ayaw niya na di ako magpapahatid at sundo kay kuya bert." nahihiyang sabi ni Hannah.

"Ay ganun ba, kahit ngayon lang?" pagpipilit ko. Please sana pumayag ka.

"Oh Slater andito ka pala." sabi ni tito Gilbert na kakauwi lang. May dala-dala itong paper bags galing sa grocery store.

"Ahh hi tito! Ahh ano po kasi, nagpunta po ako dito dahil gusto ko po sanang imbitahan si Hannah sa Welcome party para sa kaibigan ko po." sabi ko.

"Ahh ganun ba, okay lang. Basta bago maghatingg-gabi ay nasa bahay na siya. Kelan ba yan?" tanong ng papa ni Hannah.

"Sa sunday po. Sige po pangako po yan, tito." sagot ko.

"Pa, alis na po ako. Kanina pa po naghihintay si Yas sa school ehh." singit naman ni Hannah.

"Ahh ganun ba, walang maghahatid sayo ngayon dahil si kuya Bert mo ay nagpunta sa vulcanizing shop." sabi ni tito Gilbert.

"Okay lang pa. Mag-kocommute na lang po ako." sagot ni Hannah.

"Ahm sir, kung maaari lang po sana na ako na lang po maghatid kay Hannah. Dala ko po yun kotse ko. Andun lang po sa restaurant naka-park." singit ko.

"Oh, yun naman pala. Sumabay ka na lang kay Slater. Mahihirapan ka makasakay ng jeep ngayon dahil may strike. Slater, ingat ka lang sa pagdrive ahh." anas ni tito.

"Opo, sir!" sagot ko. Yes! Hahaha.

"Tito na lang itawag mo sakin huwag nang sir." sagot naman ni sir ay ni tito Gilbert.

"Pa, nakakahiya po kay Slater! Baka po may dadaanan pa siya eh maabala ko pa. Okay lang naman po na magcommute ako ehh." sagot naman ni Hannah.

"No. Sasabay ka kay Slater. Baka may mangyari pa sa'yo dyan. Kapag kasama mo si Slater mapapanatag ang loob ko. I know that Slater is responsible guy." sabi naman ni sir ay ni tito. Kulit mo Slater.

"Sige na nga po. Bye pa!" nakasiangot na sabi ni Hannah.

"Uhm tito, una na po kami." sabi ko. Sabay kaming lumabas ni Hannah. Nakita kong nakasimangot siya habang naglalakad kami papunta sa restaurant nila.

"Uhm. Hannah, are you mad at me? Sorry ha." anas ko.

"No, di naman ako galit ehh. Medyo nainis lang naman ako pero di naman ibig sabihin na galit ako sa'yo o kay dad. It's just that masyado kasi ako binebeybi ni dad ehh." sabi niya.

"Ahh, sobrang mahal ka naman ng daddy mo eh. You know pag may anak na babae overprotective ang mgga daddies. Kulang na lang kainin kaming mga boys ng buhay. Hehehe." pabiro kong sagot. Napalingon naman ako kay Hannah na natatawa. Biglang uminit ang magkabilang pisngi ko. Ang cute niya! :'> Biglang na lang may dumaan na tricycle na tinutugtog yun Chinita ni Jed Dumawal (na nirevived ni Yeng at ginawang Chinito).

At kung ikaw ay nakatawa

Ako pa ba ay nakikita

Nalilimutan ko ang itsura ko

Kapag kausap na ikaw

Sana naman ako'y pakinggan

At nang ikaw ay malinawan

Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin

Oh! Chinita... Chinita..

Bigla na lang ako nagising sa katotohanan. Nawili kasi ako sa kakatingin sa mukha ni Hannah. "You're so funny! Halika na nga!" aya ni Hannah habang natatawa pa din.

She's a Long Lost Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon