Chapter Three

17.8K 345 5
                                    

Hannah's POV

Naghahanda ako para sa debut ni bessie mamayang gabi. Naihanda ko na yun regalo ko para sa kaniya at itinabi ko muna sa mesa. Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa restaurant namin. Ilan metro lang naman ng bahay namin sa layo ng restaurant kaya pag napunta ako dun ay lagi akong naka-bisikleta.

"Magandang tanghali mam Hannah!" sabay bati ng mga tauhan namin.

"Hi po! Si papa?" tugon ko sa kanila.

"Nasa kitchen po." sagot ni ate Jodi, isa sa mga empleyado namin sa restaurant.

Pumasok ako sa kitchen at nakita ko si papa na tumutulong sa pagluluto ng mga orders para sa mga customers namin.

"Oh, anak. Bakit ka nandito? Doon ka muna sa office. Ang init-init dito sa kitchen. Joey, ikaw muna bahala dito. Pagkatapos niyan, paki-saute ito." sabi ni papa.

Lumapit si papa para halikan ako sa pisngi ngunit umiwas ako. Pinunas ko sa kaniya yun basahan sa pisngi nito dahil sa kumalat na sauce.

"Hi, pa." bati ko.

"May kailangan ka noh?" tanong ni papa.

"U-uhmm, pa. A-ano kasi ehh. Yung about sa offer. Gusto ko po kasi mag-aral doon. Promise po pag-iigihan ko po yun pag-aaral ko po. Promise!" anas ko. Si Yas kasi ang nagtulak sakin na kulitin sina papa para pumayag dun sa offer ni tito Antonio.

"Hindi ka mag-aaral at hindi ka pupunta sa Korea! Kaya kalimutan mo na yan pangarap mong mag-aral sa culinary school na inooffer sayo ni Antonio!" pasigaw na sabi ni papa na siyang ikinagulat ko.

"Hindi ka mag-aaral at hindi ka pupunta sa Korea!"

"Hindi ka mag-aaral at hindi ka pupunta sa Korea!"

"Hindi ka mag-aaral at hindi ka pupunta sa Korea!"

Paulit-ulit kong naririnig yung mga sinabi ni papa at dahil doon ay di ko na mapigilan ang sarili ko sa paghihinagpis.

"Bakit ba, papa? Ano bang masama dun sa inoffer ni tito Anfonio?! Bakit ba parang may tinatago kayo sakin?! Sabihin niyo nga papa, bakit ayaw niyo ako papuntahin sa Korea?! Pati din si mama nun narinig yun lugar na iyon tila nag-iiba ang reaksyon! Ano bang meron sa Korea at ayaw niyo akong payagan?!" sunud-sunod kong tanong.

"Huwag mo kong pagtaasan ng boses, Hannah! Di namin tinuro sa iyo ang ugali ng pagsagot ng ganyan!" pagsuway ni papa.

Napansin kong lahat ng mga tauhan namin sa kusina ay nagulat sa pagtatalo namin ni papa. Saksi silang lahat kung paano kami lumaki at alagaan nina mama at papa.

"Di ako magkakaganito kung di niyo sinasabi ang rason kung bakit ayaw niyo akong pag-aralin doon sa Korea!" sagot ko. Di ko na mapigilan magalit kaya tumakbo ako palabas ng kitchen at lumabas sa restaurant. Narinig ko pang nagbubulungan ang ibang nakarinig pero di ko na lang pinansin at nagpatuloy pa din sa pagtakbo.

Naririnig ko yun tawag ni papa pero di ako lumilingon. Mabilis kong pinaandar yun bisikleta ko upang makarating sa bahay. Agad nagtaka si manang Hermania na nakita akong umiiyak.

"Bakit hija? Napaano ka?" nag-aalalang tanong ni manang.

Agad ko itong niyakap at doon ko binuhos ang lahat. Maya-maya ay niyaya ako ni manang na magmerienda. Naghanda si manang ng binake niyang cookies na siyang paborito ko.

"Ang sarap po nito, manang. Gusto ko pa po." masaya kong sabi. Kahit paano ay naging okay na ang pakiramdam ko.

"Sus, binola mo pa ako apo. Sige na kumain ka na pagkatapos ay magpahinga ka na para mamaya sa debut ni Yas." sagot ni manang.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong pumasok sa kwarto. Narinig ko ang boses ni papa na hinahanap ako at agad na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nagkunwari naman akong tulog. Naramdaman kong umupo si papa at hinimas ang buhok ko.

"Patawad anak sa nangyari kanina. Ayaw namin itago sayo ang buong katotohanan kaya ka namin di pinayagan na mag-aral sa Korea. Para lamang sa kaligtasan mo at sana mapatawad mo kami ng mama mo. Pero sa ngayon di mo pa kelangan malaman ang lahat-lahat tungkol sa tunay mong pagkatao. Di pa kami handa na mawalay sayo. Napalapit ka na samin ng mama mo. Mahal na mahal ka namin anak." anas ni papa.

Di ko pa rin pinapahalata na gising ako at nagkukunwaring tulog. Nanatili pa din akong nakapikit. Hinalikan niya ang noo ko. Pagkatapos nun ay naramdaman ko siyang tumayo at narinig kong sinara ang pinto. Dumilat ako at naguguluhan sa mga narinig ko. Anong ibig sabihin ni papa? Ano yun sinasabi niyang para sa kaligtasan ko?

Kahit na naguguluhan ay pinilit kong kalimutan ang mga nasabi ni papa kanina. Handa na ako sa pag-alis para pumunta sa debut ni Yas. Hinatid ako ni kuya Berting at dumiretso muna sa restaurant.

Pumasok ako sa office upang magpaalam kina mama't papa. Nagsorry ako kay papa dun sa nangyari kanina at agad akong pinatawad. Humalik ako kay mama.

"12 midnight dapat nasa bahay ka na. Tatawagan ka namin ng mama mo at ang parents ni Yas upang makasiguro na nasa party ka lang. No liquors okay?" anas ni papa.

"Yes, dad. I promise." sagot ko.

"O siya, pumunta ka na sa debut ni Yas dahil ilan minuto na lang magsisimula na." singit naman ni mama.

"Hehehe. Si mama talaga. Alis na po ako. Bye po." anas ko.

Pagkarating ko sa party ay agad akong sinalubong ni Yas. Nagsimula na ang party pagkatapos naman nun ay nagsimula nang magkainan. Tumabi agad sakin si Yas at agad kong kinuwento sa kaniya ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni papa.

"Anak ng tokwa, bessie. Sinagot sagot mo ng ganyan papa mo?!" pasigaw na tanong ni bessie dahil sa lakas ng tugtog ng speaker.

"Nabigla lang naman kasi ako. Tsaka di ko naman sinasadya ehh!" sagot ko.

"Eh anong sabi ni tito?!" tanong ni bessie.

"May sinabi siya sakin kanina na prinoprotektahan nila ako ni mama. Para daw sa kaligtasan ko kaya di nila ako pinapayagan na mag-aral sa Korea." pagtatapat ko.

"Para sa kaligtasan mo?! Well tito's overprotective to you and Shirley kaya siya nagkakaganyan." --bessie.

"I know naman yun noh. May isa pa siyang sinabi maliban dun ehh."--ako.

"Ano yun?" tanong ni bessie.

"Sinabi din ni papa na sa tamang panahon ko daw malalaman ang lahat-lahat. Ang buong pagkatao ko."--ako.

"Hmmm, baka naman about sa real family mo bess. Naku talo mo pa ang bida sa teleserye ahh." sagot naman ni bessie.

Nagkibit balikat na lamang ako. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa din yun mga sinabi sakin ni papa.

--->ito suot ni hannah nun debut ni yasmine :)

She's a Long Lost Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon