Chapter Five

17K 300 6
                                    

Taglish na lang yun gagawin kong language pag nag-uusap. Pero may mga mangilang ngilan din na may konting korean. O pwede din mixed! Hehehe. Again, pag may napansin kayong mali sa translation paki-message na lang po lalung-lalo na sa marunong o sa mga nagmamarunong na din (joke!). Umaasa lang ako kay translator sa net.







===================



3rd Person








Korea











Samantala, palihim na nagpupulong ang tatlong tao sa isang tagong kwarto ng templo. Ang isa ay nasa mataas na posisyon samantalang ang dalawang kasama nito ay mga tauhan niya.








"Paano na po tayo ngayon? Nalaman na ng hari na di niya tunay na apo ang prinsesa. Sa palagay ko ay kelangan na natin umamin, madam." pahayag ng isang tauhan.










"Inutil! Oo nalaman na niya. Pero, may katibayan ba sila na tayo ang kumuha sa kaisa-isa niyang apo?! Hanggang ngayon ay wala silang kaalam-alam na nasa Pilipinas lang ang mahal na prinsesa." anas ng ginang.











"Paano kung magbalik ang prinsesa dito sa bansa? Anong gagawin niyo, madam?" tanong ng isa.










"Simple. Pahihirapan natin ang prinsesa. Gagawin ko ang lahat para malayo siya sa kaniyang tunay na pamilya! " sagot ng ginang.

























Pilipinas










Tumulong si Hannah sa mga gawaing sa resto. Dahil restday ni Judy ay siya ang tumao sa counter muna. Habang abala siya sa pagbibilang ng kita sa restaurant ay di niya napansin si Slater na nasa harap na pala ng counter.











"Mukhang busy tayo dyan ah!" bati ni Slater.








"Oh, Slater. Napadalaw ka. Paano mo nalaman ang restaurant namin?" tanong ni Hannah.










"Kinausap ko si dad para kuhanin yun address ng restaurant niyo. Nice restaurant! Especially those pictures." sagot naman ni Slater. Ang mga pictures na tinutukoy niya ay ang family picture ng pamilya Villegas, ang dating karinderya na naging restaurant na, pati ang mga larawan ng mga unang trabahador ng kanilang restaurant ay nadito.













Lumabas naman galing kitchen ang ama nito na si Gilbert. "Oh, Samuel napadalaw ka." anas ng ama nito.











"Ay dad, di po siya si Samuel. The truth they are twins. This is Slater, kakambal ni Samuel." pagtama ni Hannah.










"Yeah, tama po siya Sir...?" anas ni Slater.









"Just call me tito. Tito Gilbert." sabi ng ginoo.









"Nice meeting you po, tito Gilbert." nakangiting sabi ni Slater.











"Iwanan ko na muna kayo ni Hannah. Ipagseserve ko kayo ng one of the specialties ng restaurant namin." pagpapaalam ni Gilbert.











"Sige po. Hanz ikaw na muna bahala sa counter ahh." utos ni Hannah.











"Okay mam. Gwapo ng  boyfriend mo huh? Alam na ba yan ng papa mo?" biro ni Hanz.















She's a Long Lost Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon