Chapter Sixteen

9.1K 194 6
                                    

Third Person

Masayang naglalakad ang dalawang magkaibigan nang makasalubong nila si Gerald.


"Anong ginagawa mo dito?! Sinusundan mo ba ako?!" gulat na sabi ni Yas. Sa pagkakaalala niya eh iniwan niya ito na mag-isa sa bahay nila.




"Kabisado na kita noh! Alam ko naman na gagawin mo ulit yun ginagawa mo sakin. Kaya nun lumabas ka sa gate pasimple kitang sinundan." sagot ni Gerald.




"Pssh. Epal talaga!" bulong na sabi ni Yas. Napalipat nang tingin si Gerald sa kasama nitong si Hannah.



"Ikaw si Hannah, right?" tanong nito.



"O-oo." tipid na sagot ng dalaga.




"Halika na bessy, iwanan na natin yan tukmol na yan!" aya ni Yas sabay hatak kay Hannah. Sa pagmamadali ay nagkabungguan sina Hannah at isang babae na kasing-edad lamang nila. Agad na humingi ng paunmanhin si Hannah at sinimangutan lamang siya nito.



"Hmp. Suplada!" bulong niya sabay lakad palayo. Nagpasya ang dalawa na bumili ng panregalo para sa darating na party sa Sabado.





Sumunod naman ay bumili din sila ng dress para sa susuotin at nagpasyang manuod ng movie. Di alam ng dalawa na palihim pa din silang sinusundan ni Gerald.




Gerald's POV

Hi! Ako pala si Gerald ang pinakapoging lalaki sa balat ng lupa. Talo ko pa ang kapogihan ni Daniel Padilla, Lee Min Ho, Mario Maurer, Enrique Gil at kung sino pa man ang mga pinakagwapong lalaki sa paningin niyo! Bwahahahaha! Masyado ba akong mayabang? Well, ganito talaga eh! Pinanganak na akong pogi! HAHAHAHA!






Hanggang ngayon ay palihim ko pa din na sinusundan ng dalawa. Sobrang crush ko kasi si Yas eh. Simula bata pa lang kami siya na ang first crush at love ko. Nakapagtataka nga sa gwapo kong ito waepek sa kaniya. Tsk!



Nun isang araw lang ako umuwi galing Japan dahil nandoon ang business namin. Sa susunod na buwan ay itatayo na ang pang-labing-anim na branch at pangalawang branch dito sa ating bansa. Di lang magandang mukha meron ako, madami pa akong pera! Hahahaha!





Nagsimula ang pagkakagusto ko kay Yas nun mga bata pa kami noong umattend kami sa isang awards night na binubuo ng mga kilalang kumpanya sa ating bansa. Magkatable ang mga magulang namin at pinakilala kami sa isa't isa.

Flashback



Nagsisimula na ang event nang dumating ang pamilya Villegas. Una kong napansin ang isang batang babae na kasama nila. "Ang ganda niya!" ayun lamang ang nasabi ko. Lumapit ako kay mama upang hiramin ang programme na kasama sa binigay na invitation. Pagkabigay sakin ay agad kong tinignan ang programme dahil nandoon ang floor plan sa likuran nito. Ang saya ko nang mabasa ko na ka-table namin ang pamilya Villegas.




"This way sir." ani ng waiter na nag-assist sa kanila. Bumilos ang tibok ng dibdib ko nang makita ko ng malapitan ang cute na batang babae.



"Good evening, Randy and Shaila Villafuente!" bati ni tito Lucas, ama ni Yas.





"Good evening din sa inyo, Lucas at Eloisa! Ayan na ba ang anak mong si Yasmine? She's really beautiful! Manang-mana kay Eloisa." pagpupuri ni mama.









"At ito na ba si Gerald, kay gwapong bata. Gerald, this is Yasmine, our daughter. Yasmine, say hi to Gerald." pagpapakilala ni tita.









"Hi." walang ganang pagbati ni Yas.



"H-hi din!" utal ko naman sagot.





Habang busy ang lahat sa event ay di ko maiwasan na titigan si Yasmine. Ang ganda niya talaga! Kahit napapansin kong naiinip na sa gabing iyon ay maganda pa din siya.





"Kanina mo pa ako tinitignan ahh!" sabi niya.




"Ay, s-sorry ang ganda mo kasi." sagot ko.





"Alam ko. Pero ikaw, para sakin di ka gwapo! Ang pangit mo!" inis niyang sagot sabay irap sakin. Kahit ganun siya ay masaya na ako dahil nakausap ko siya nun gabing iyon.





Kaya nun gabing iyon, pinapangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para magustuhan niya ako.





End of Flashback




Natapos na ang pelikula na pinapanuod namin ng magbukas ang mga ilaw. Dali-dali akong tumayo upang sundan sina Yas at Hannah pero nabigo ako dahil sa dami ng tao na naglalabasan.






Naglakad ako ng naglakad upang hanapin ang dalawa. Sa pag-uwi ko galing Japan ay dapat malaman agad ni Yasmine ang lahat sa lalong madaling panahon.






















She's a Long Lost Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon