Chapter Twenty Seven

8.7K 184 0
                                    

Korea


Nagising na lang ako nang hinimas himas ni mommy ang buhok. Sa totoo lang ay hanggang ngayon ay di ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanila. Naninibago pa din ako hanggang ngayon. "We are here!" masayang sabi ni mommy. Tumayo agad kami at bumababa sa eroplanong sinakyan namin.


Agad kami sumakay sa Limousine kasama ang ilan securities. Gabi na kami nakarating at namangha agad ako sa nakita ko sa siyudad.

"Welcome home, my princess and Welcome to Korea!" bati agad nila sakin. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil ibang iba ito sa nakikita ko sa mga pictures sa internet o sa mga planner at iba pa.


Pero sa kabila ng saya ay agad na napalitan ng lungkot dahil mas masaya kung kasama ko sina mama't papa pati na din sina Shirley at Yas. Agad ko naman pinalitan ng ngiti para di nila isipin na ayaw kong sumama sa kanila. Makalipas ng isang oras ay nakarating na kami sa isang malaking bahay. "Wow! Ang laki!" ito agad ang reaksyon ko nun nakita ko yun. Narinig kong napahagikgik si mommy gayundin sina daddy at lolo. Agad akong nakaramdam ng hiya pero agad naman ako sinabihan ni daddy. "It's alright. It was also my reaction when the first time that I visit here."



"Yes, your father was right. I remember his first reaction when he see this." natatawang sabi ni mommy. Napuno ng tawanan sa loob ng sasakyan. Madami pa silang naikwento namin hanggang sa pumasok na kami sa loob ng bahay.


"Welcome home, princess Hannah!" bati agad nila sakin. Lahat sila ay nakahilera at nakatungo.Di ko naman alam kung paano ko sila babatiin dahil di ako maalam na magsalita ng lenggwahe nila. Kaya tumungo na lamang ako bilang sagot at pagpapasalamat na din.

Lumapit sakin ang isang ginang at ipinakilala sakin ni lolo. "Hannah, this is Eun Hee. One of our great advisors. Eun Hee, you will take care of her on the following days. We will introduce her to the public soon." bilin ni lolo. Doon pa lang ay nagets ko na ang sinasabi ni lolo. Handa na ba ako maging prinsesa? Handa na ba ako humarap sa kanila?



Agad naman ako pinakilala sa mga magiging katulong ko daw. "This is Mi-Yun and Semi as your personal assistants. Here's the bell to call them. I'm Eun Hee, your personal trainor." pagpapakilala sakin ng isang ginang na nasa edad 30-40. Sa tingin ko pa lang sa kanya ay strikta.


" annyeonghaseyo, Ms. Hannah!" sabay na bati nila.

" annyeonghaseyo! It's nice to meet you Mi-Yun, Semi and Ms. Eun Hee!" masigla kong bati.

"Correction. Just call me Madam Eun Hee. Tomorrow will be your first day of training. Take your rest and goodnight!" kalmadong sabi nito pero nakikitaan ng otorisasyon. Pagkatapos nun ay tumalikod na ito at umalis. Nagpaalam na din sina mommy para pag-usapan ang darating na korosasyon at pagpapakilala sakin sa madla sa mga darating na araw. Yung mga katulong naman ay nagsibalikan na din sa mga ginagawa nila.





"Ms. Hannah, we go to your room now. I'm sorry to my English speakening." anas ni Semi. Nagsimula na kami maglakad papunta sa kwarto ko.

"It's okay. I hope that we'll became friends so that I don't feel sad when I'm alone. Uhm, may I ask something?" tanong ko.

"What is it?" tanong ni Mi-Yun.

"Uhmm, is Madam Eun Hee really strict?" tanong ko.


Agad na napatingin ang dalawa sa isa't isa at hinila agad ako papasok sa kwarto ko. Napahanga at natuwa ako sa ayos ng kwarto ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong kalaking kwarto. "Ms. Eun Hee is strict like a witch." sagot ni Semi.


"Semi, watch your word!" suway agad ni Mi-Yun.


"What?! It's true! I'm not liking her same as you!" sagot ni Semi. Agad naman ako pumagitna sa dalawa. "Hey, please don't fight! How can you say that she's strict?" tanong ko sa kanila.




"We're sorry about that. Please just keep this as our secret. Everyone here in the house are afraid of her. She doesn't want any mistakes, she wants that perfect." anas ni Semi 


"And also she doesn't want to here mention her name when she is the topic of the discussion. Or else, you don't want the things that wi happen to you." dagdag ni Mi-yun.




Madali kaming nagkapalagayan ng loob. Madami din silang kwento sa loob ng palasyo. Ngayon lang nila nakitang sumaya muli ang buong mag-anak lalo na daw si mommy. Ngayon lang daw nila nakita na sobrang saya nito unlike before na nakangiti nga si mommy pag kaharap yun dating prinsesa pero di nila nararamdaman na masaya ito.





"We will go now. It's a great night to speak with you. Goodnight!" anas ni Semi.




"Goodnight!" sagot ko. Pagkalabas nila ay naiwan na naman ako malungkot. Namimiss ko agad sila. Kamusta kaya sila? Ano kaya ginagawa nila ngayon? Maya-maya ay tumunog ang phone ko. Pagkakuha ko ay unregistered number ang nakalagay sa screen.


"Sino kaya ito?" tanong ko. Pagkaopen ko ng message ay nagtataka ako kung paano niya nalaman ang roaming number ko eh si Yas lang naman ang pinagbigyan ko maliban kina mama.


"I'm going to Korea soon. I'm looking forward to see you. Pero, kilala mo pa ba ako? :)"




a/n:

Ayan! Mahaba-haba na! Salamat sa mga nagbabasa nito. Siya tulog na ako. Sweet dreams to me and Happy Independence Day! :)

She's a Long Lost Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon