Chapter Twenty Five

9.2K 183 0
                                    

Yasmine's POV





Andito kami ngayon ni Hannah sa kwarto niya. Gumagawa kami ngayon ng loom bands na usong uso ngayon.



"Bessy, ahhm may sasabihin ako sayo." sabi ni bess.





"Ano yun bess?" tanong ko na busy sa paggawa ng loom bands.





"One of these days babalik na sina lolo sa Korea at..kasama ako doon sa pagbalik." sagot niya.






Iniangat ko ang ulo ko at nagulat. Di ko alam kung matutuwa ako, magagalit o maiinis. Bakit naman biglaan? Ibig sabihin maghihiwalay kami ng matagal ni bessy.



"Bakit ang bilis naman? Diba pwede i-postpone muna yun pag-alis niyo?" malungkot kong sabi. Alam kong wala ako sa posisyon para pigilan ang pag-alis ni bessy. Di ko lang kaya magkahiwalay kami ng matagal. Talo pa namin ang magdyowa.





"Bessy, ang dami naman ways para magkita tayo. May skype naman, viber, facebook, twitter o kahit anong social networks pa yan. You and me are bestfriend forever! Kaya huwag ka nang malungkot. Pwede mo rin naman ako bisitahin doon. Kering keri mo naman pagpunta doon." in fairness natawa ako doon dun sa sagot niya.






"Eh how about the twins? Especially Samuel? Di mo ba siya mamimiss?" pang-aasar ko. Biglang nagbago ang mood ng lola. Atsu! Hanggang ngayon mahal niya pa din ito.








"Bakit naman napasama yan si Samuel. He's happy with Ayesha. Hayaan na natin sila." bitter na sagot nito.







"As far as I know, mahal mo pa din siya." bulong ko.





"Anong sabi mo?" tanong niya.




"Wala! Sabi ko, ituloy na natin tong paggawa ng loombands." sagot ko.




Nagkibit-balikat na lang siya at pagkatapos ay kinuha ang phone niya. "Tara, magpicture tayo. Remembrance lang." malungkot na sabi nito.





Agad akong lumapit sa kanya at nagpicture-picture kami. Nang matapos ay nagyakapan kami. "Basta bessy. Balitaan mo ako ahh. Lalung-lalo na sa inyong dalawa ni Slater."





"Bumabawi ka bessy. Bakit din napasama yun?" suplada kong tanong.





"You and him are compatible. Believe me." sagot niya. Hmm, okay.






Nagkibit-balikat na lang ako. Maya-maya ay pumasok si Shirley. Bumaba na daw kami dahil babalik na sa hotel ang royal family. Wala na din ang mga media sa labas. Buti naman at nagsi-uwian na. Nagpasya na din ako umuwi.





"You will join us. We will bring you to your home." aya ng reyna.






"Thank you. But my driver will be here in any moment." nakangiti kong sagot.







"We already told to your parents that we will bring you to your home." sagot nito.






"Tinawagan namin ang parents mo at pumayag naman sila." singit naman ni tita.






Tumungo na lamang ako at sumunod. Why not? It's a great achievement para sakin na sumakay sa Cadillac with the royal family!




Third Person



Kinabukasan, isang araw bago magpasukan at dalawang araw bago bumalik sa Korea ay nag-aya si Hannah na mamasyal. It's time to bond with her two families before she left. They agree on what Hannah wants. Ito na din ang paraan para mas lalo tumibay ang relasyon at samahan nila para sa prinsesa. Sinabihan ng hari na huwag nang sumama ang mga securities. Gusto ng hari na mamuhay ng simple. Gaya ng mga tao sa paligid.





Una nilang pinuntahan ang Rizal Park. Kahit madaming tao at gustong makipagpicture sa kanila ay masaya nilang pinagbibigyan ang mga ito.





Pagkatapos ay nagtuloy sila sa Manila Ocean Park. The royal family doesn't wanted to treat them as VIP. They wanted to be treated as normal persons.






Pagkatapos nilang mag-gala ay nagpasya silang pumunta sa Star City. Namangha ang mga tao sa nakita nila. Yung iba ay nakipag-picture at ang iba ay walang pakialam. Natuwa din ang iba na matyagang pumila ang royal family sa pagbili ng ticket at pagpila sa mga rides na gusto nilang sakyan.






Bago umuwi ay nagpasya silang kumain sa Jollibee. Pinatikim nila sa royal family ang Pinoy taste ng American food. Lahat ng tao ay napapatingin sa kanila habang masaya silang kumakain.


She's a Long Lost Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon