Chapter Four

16.6K 301 3
                                    

"Sinabi din ni papa na sa tamang panahon ko daw malalaman ang lahat-lahat. Ang buong pagkatao ko." pagtatapat ko.

"Grabe bessie! Mala-mmk ang buhay mo! Di ko matake! Ito ba ang magandang regalo mo sakin para sa birthday ko ngayon? In fairness kinabog mo lahat ng mga nagbigay ng mga mamahaling regalo sakin ahh. Winner toh!" anas ni bessie.

Binatukan ko naman yun gaga. Hinimas-himas naman nito ang ulo niya. "Gaga! Litong lito na nga ako sa mga nalaman ko kanina ehh. Nagawa mo pang magjoke."

Bumawi naman ito sa pagbatok sakin. Kaya pati ako hinimas ko din yun ulo ko. "Anong gagawin mo?! Maglulupasay?! Magwala?! Haler! Don't you remember?! Party ang pinuntahan mo hindi lamay! Kaya kalimutan mo muna yan pansamantala okay?? Kaya just forget all of the things na nakakapagpapanget sayo! Enjoy this night! Hayy grabe, sumakit ang ulo ko sayo ahh" anas ni bessy.

Tama nga si bess. Enjoying ko dapat ang gabing ito at kalimutan muna ang mga problema pansamantala. Natapos ang party trenta minutos bago mag-hatinggabi. Maya-maya lamang ay nagtext na si kuya Berting na papunta na siya sa venue.

Umupo muna ako sa isang bench malapit sa fountain. Nauna nang umalis si bess dahil may outing pa sila ng family niya para sa 2nd batch ng party niya kinabukasan.

Nang may naramdaman akong tumabi sakin. "Hi!" bati niya. Paglingon ko ay bumungad sakin ang mukha ni Samuel.

"Samuel?!" anas ko. Biglang kumunot ang mukha niya na para bang kinikilala ako.

"Who are you?! How did you know my brother's name?!" sunud-sunod na tanong nito.

Bigla naman ako nagtaka sa mga tanong niya. Pero nagpakilala na lang ako para di niya ako tarayan. "I'm Hannah! You don't remember me?! Ako yun nakausap ng dad mo about sa offer."

"Ahh baka brother ko yun nakausap mo. Sabi nga ni dad na may kameeting siya last time at gustung gusto niyang pag-aralin yun anak ng may-ari ng restaurant." pagtatapat niya.

"Huh?! Brother?!" takang tanong ko.

"Yeah! His my tw--" naputol ang sinabi niya ng biglang tinawag ang pangalan niya.

"Slater! Andyan ka lang pala! Kanina pa tayo hinahanap nina mom!" sigaw nito. Paglingon ko ay unti-unting lumalapit samin si Samuel. Mas lalo pa akong nagulat ng nakita ko silang magkatabi.

"Twins kayo?!" takang tanong ko. Wala naman akong natatandaan na may kakambal pala ito si Mr. Sungit ay este si Samuel dahil wala naman nabanggit si Tito Antonio ukol dito.

"Yeah! I'm Slater nga pala. Nice to meet you, Hannah? " tanong ni Slater.

"Yup! So, di sinabi ni tito na may kakambal ka pala." tanong ko kay Samuel nang nakalapit na siya samin dalawa ng kapatid niya.

"At anong pakialam mo kung nalaman mong may kakambal nga ako?! Magpaparty ka ba?!" supladong sagot nito.

Nakakainis talaga itong suplado na ito! Ang ayos-ayos ng tanong ko ehh! Bastos! "Eh kung sabihin kong oo, magpaparty ako! Pupunta ka ba?! Yabang!" sagot ko. Naiinis na talaga ako ehh!

"Palengkera. Tss." mahinang bulong niya. Pero di pa din nakalagpas sa pandinig ko yun sinabi niya. Siya pa may ganang magsabi ehh siya tong nakakabastos. >____

"I think kuya we better go. Sorry nga pala sa inasal ng kuya ko sayo. Hannah. Ganyan lang kasi yan pero mabait naman yan ehh. Sige bye." singit ni Slater. Buti na lang inaya na agad nitong kapatid niya. Buti pa ito mabait ehh.

"Tss." anas naman ni Samuel.

Kumaway na lang ako sa kanila ay di kay Slater lang. Ang sarap sapakin ang mukha ng lalaking yun!

"Nakakainis!" sigaw ko ng may nasuntok ako na isang bagay. Pagkalingon ko ay si kuya Berting na nakasapo ang maliit na kamao ko sa mukha niya. Agad kong binawi at humingi ako ng sorry kay kuya.

"Naku, kuya sorry po talaga. Sorry po." anas ko.

"Okay lang ako Hannah. Tara na at lumalim na ang gabi." sabi na lang ni kuya Berting. Bago kami umalis ay panay hingi ko ng sorry kay kuya dahil sa sobrang inis ko sa lalaki na yun. Kala mo kung sino. Menopause na ata yun ehh.

Nang nakarating na kami sa bahay ay agad akong nagpakita kina mama.

"Maghilamos ka na at magpahinga. Good night anak." utos ni mama.

"Opo." sagot ko. Agad akong umakyat sa kwarto. Nag-half bath lang ako at pagkatapos nun ay nagbihis na ako ng pantulog ko. Humiga na ako sa kama at pinilit kong makatulog.

Hanggang ngayon ay naalala ko na naman yun nangyari kanina. "Yung lalaki na yun akala mo kung sino! Sobrang yabang! Hmp! Tch." anas ko habang kausap ko yun teddy bear kong si Graciella.

Gumulong ako para tumagilid at niyakap ang teddy bear ko. Bigla na lang ako napangiti.

"Buti pa yun kakambal niyang si Slater mabait. Kelan ko kaya ulit siya makikita? " dagdag ko.

---> park min young as yasmine

She's a Long Lost Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon