Chapter Eight

12.6K 254 1
                                    

Hannah's POV




Nakarating na kami sa entrance ng school. Agad akong nagpaalam kay Slater dahil tadtad na ako ng mga texts at calls ni Yas. Habang naglalakad ako papasok ay biglang tumunog yun phone ko.






Yas' Calling



Yas: Hoy! Babae! Asan ka na?!

Ako: Andito na ako sa school, naglalakad. Asan ka na ba?

Yas: Dito ako sa bench. Kitang-kita kita! At kelan naging kayo ni Slater huh?!



A: Huh?! Anong pinagsasabi mo dyan?! Hinatid lang ako ni Slater actually si papa ang nagsabi na ihatid ako ni Slater tsaka di ko na siya kasama na noh.



Y: Anong hindi?! Ayan oh nasa likod mo! Ikaw huh, naglilihim ka na! Sige lalapit na ako dyan! Bye!


A: Wait!

toot!




Aissh! Nilingon ko agad ang nasa likuran ko. Bakit andito siya?!




"Ahhh, hi?" sabi niya sabay kamot ng ulo. Ako nama'y naka-kunot ang noo dahil sa inis. Kaya lang naman ako napapayag ay dahil sa pagpupumilit ni papa.




"Hoy! Hannah! Tsismis yan ahh!" sigaw agad ni Yas.






"Tsismis ka dyan! Bahala nga kayo!" sabi ko sabay walk-out. Eh sa naiinis ako ehh.










Third Person






Naiwan ang dalawa sa pag-walkout ni Hannah. Takang-taka naman si Yas sa ikinilos ng bff niya.




"Anong nangyari dun sa friend mo?" takang tanong ni Slater.






"Ewan ko. Minsan talaga tinotopak yan ehh. Ewan ko ba kung bakit ko natitiis yan ugali niya. By the way, bakit ka nga pala nandito? Kayo ba ng bestfriend ko?!" sunud-sunod na tanong ni Yas kay Slater.






"Ahh inaya ko siya na pumunta sa Welcome Party ng ex ng kapatid ko kasama ang fiance nya. Kung gusto mo, sumama ka din para di siya ma-OP sa party. Sakto naman dating ni tito Gilbert at pinahatid siya sa akin papunta dito. Yun sinasabi mong kami, nagkakamali ka. Hehehe. Pero di malayo na magustuhan ko siya." sagot ni Slater.







"Ahh, well. Pogi ka naman, may dating pero ako na ang magsasabi sayo. Di priority ng bestfriend ko ang magkalovelife. Puro study-career-business yun ehh. Sorry ka na lang."sagot naman ni Yas sabay galaw ng hintuturo nang pakaliwa-pakanan para sabihin na di pwede.











"Ganun. Okay lang basta ako gagawin ko ang lahat para magustuhan niya ako. May favor lang ako sa'yo. Secret lang natin ito ahh huwag mong sasabihin sa kaniya. At siyanga pala, wala ka bang balak sundan yan bestfriend mo?" tanong ni Slater.







"Hmm, sige pangako. Hayaan mo siya. Sanay na ako dyan. Maya-maya tatawag din yan." inip na sagot ni Yas.








"Ang sweet niyong magbestfriend!" gigil na sabi ni Slater sabay kurot sa magkabilang pisngi ng dalaga.







"Aray naman! Huwag mo nga ako panggigilan!" inis na sabi ng dalaga hanggang sa nag-blush siya ng titigan niya maigi ang binata. Nag-iba ang tibok ng dibdib ng dalaga. First time lang niya naramdaman ito.







She's a Long Lost Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon