Hello, Kitty!
Written By: Tambelinabells
All Rights Reserved. No part of this story should be changed or tampered without the author’s consent. Please do not claim as your own story. All parts of this story are fictional. Note that the names of the characters, time, places and events are story bound. Thank you.
A Hello Kitty inspired story.
Brought to you by Flat Tops, Boogyman, Tomi and Pompom.
--------------------------------------^_________^------------------------------------------
|
|
|
\ /
“Tungkol saan ba ang sasabihin mo at kailangan pang dito tayo sa garden mag-usap?” kunot-noong tanong ni Marco.
“K-kasi…ano…kuwan…i-importante kasi ‘tong sasabihin ko eh…” punong-puno ng kabang sagot ko.
“Tungkol ba kasi saan ‘yang im---
“I Love You!” pigil ang hiningang sigaw ko, dahilan upang maputol ang anumang sinasabi ni Marco at mapanganga na lang.
I know that it’s kinda awkward dahil ako—na babae—ang siyang nagtatapat ng pag-ibig sa lalake…
Pero…katulad nga nang nabasa ko sa isang libro…” Sa panahon ngayon hindi mahalaga kung ‘yung babae o lalake ang mauunang magtapat nang pag-ibig…ang mahalaga masabi niyo ang totoong nararamdaman niyo sa isa’t-isa, nang makamit niyo ang inaasam-asam ninyong happy ending…”
Sana nga…piping dasal ko. Saka muling itinuon ang atensyon sa lalaking nasa harapan ko na unti-unti nang nakakabawi mula sa pagkaka-shock.
“M-mahal mo ko?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Oo” lakas-loob kong sagot.
“K-kitty…hindi mo alam ang sinasabi mo…nabibigla ka lang---
“Alam ko kung anong nararamdaman ko! Alam ko kung anong sinasabi ko! At hindi ako nabibigla! Totoo ang sinasabi ko Marco…Mahal kita…2nd year pa lang tayo mahal na kita…” nag-umpisa nang mangilid ang luha sa mga mata ko.
Akala ko magiging madali lang ang lahat oras na naipagtapat ko na sa kanya ang pag-ibig ko…Pero nagkamali ako…
“Kitty…” habang marahang umiiling.
“B-bakit Marco? H-hindi mo ba ‘ko mahal?” ewan ko kung saang kasuluk-sulukang parte ng utak ko nanggaling ang mga tanong na ‘yon at parang gusto kong pagsisihan na naitanong ko pa kay Marco.
Ang siste kasi eh, parang ako mismo ang nagbigay ng patalim sa kanya, na siya namang itatarak niya sa akin.
Suicidal…naisip ko.
Ilang minuto pa ang lumipas bago siya sumagot. Tila pinag-isipan niya munang mabuti kung anong angkop na mga salita ang dapat niyang gamitin upang maiwasan niyang lalo akong masaktan.
“Kitty…” simula niya.
“Mahal din kita…pero…bilang isang nakababatang kapatid…bukod doon, wala na…” bakas din ang hirap ng kalooban.
~Don’t you know my tears will cause an inferno…
Romance up in flames why should I take the blame…
You are the one who left me neglected…~
Doon na tuluyang umalpas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala mula sa mga mata ko…
Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko din magawang titigan pa siya ng diretso sa mga mata. Maging ang init ng araw na tumatama sa aking balat ay hindi ko na din madama… dahil sa sakit na dulot ng sinabi niya…
Ngayon alam ko na kung gaano kasakit yung tinatawag nilang ‘rejection’ mula sa taong mahal mo…
Ganito pala ‘yon…
Yung tipong, walang binatbat yung mga gabing namimilipit ako sa dysmenorrhea at sakit ng ngipin…maging yung sakit na dulot nang unang beses na i-injection-an ako, wala! Lahat sila taob sa first heatbreak ko!
“I’m sorry Kitty…” saka tumalikod.
~Apology not accepted
Add me to the broken hearts you’ve collected
I, I gave you all of me…
How was I to know, you would weaken so easily~
Hindi ko inakala na yung taong kinaibigan at minahal ko sa loob ng dalawang taon, ay magagawa akong saktan ng ganito…
“Bata ka pa Kitty…Wag kang magmadali…Darating ang araw na matatagpuan mo ang lalaking talagang para sa iyo…All you have to do is to patiently wait…” dagdag pa niya bago tuluyang lumakad palayo sa akin…
~I, I don’t know what to do
Now I’m all cried out…
Over you….~
Simple lang naman ang hiling ko…na sana…mahal niya din ako…
At natupad naman, dahil mahal niya nga ako…bilang kapatid nga lang…