-2-

20 0 0
                                    

-2-

Kasalukuyan na kong nagpupunas ng luha nang may tumawag sa pangalan ko.

“Kitty?”

Si Ken. Bestfriend ni Marco.

Lalo kong minadali ang pagpupunas nang mukha, tiyak na aasarin ako ng mokong na ito kapag nakita niya ang ayos ko.

Hindi bale…mamayang gabi ko na lang sa bahay ipagpapatuloy ang pag-iyak ko…naisaloob ko bago humarap sa kanya.

“Anong kailangan mo?” tanong ko.

“M-may problema ka ba?” tanong niya na kinagulat ko. Lagi kasing pang-aasar ang bukang bibig niya sa akin, kaya naman bago talaga sa pandinig ko ang pagtatanong niya na may halong…well…thoughtfulness…?

 Ngunit agad ko ding iwinaksi sa isipan ko ang nababasang damdamin sa mata ni Ken, sa halip ay sinimangutan ko siya.

“Don’t tell me, kaya mo ‘ko nilapitan dito eh, para lang tanungin yan?!”

“H-ha? Ah…eh…---

“Jan ka na nga! Panira ka talaga ng moment!” saka nagmartsa palabas ng garden. At tutal naman, sira na ang buong araw ko, naisipan kong wag na lang pasukan ang last subject ko.

Oooops!

Oo nga pala! Hindi niyo pa ako kilala! Kung bakit kasi eh, inuna ko pa ang kakerengkengan ko…^__^V

Well,then, let me introduce myself…

Ako si Hellorina Kitty Dominguez Valdedara. Isang Tourism student na dalawang taon nang may lihim na pagtingin kay Marco—na aking bestfriend—at siyang bumasted sa akin kani-kanina lang... Isa din ako sa milyon-milyong hello kitty fangirls, na nangangarap na makapag-bakasyon sa Sanrio World—kahit 3 days lang—at higit sa lahat ako ang number 1 hater ni Ken. Chos!

 

THE NEXT DAY…

Pagpasok sa campus ay hindi maiwasang lingunin at titigan ako ng mga nakakasalubong ko.

Tinotoo ko kasi ang sinabi ko kahapon na ipagpapatuloy ang pa-iyak sa bahay, kaya naman heto ang lola niyo, kerokeropi ang peg, dahil kulang na lang ay lumuwa ang eyeballs ko sa sobrang maga ng mga mata ko.

“Goodmorning Kitty!” masiglang bati ni Shelby nang maabutan ko siya sa  locker room.

“Goodmorning…” nang makalapit sa locker ko.

Hello, Kitty!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon