-3-

15 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw, at kasabay nito ay ang unti-unti kong pag-recover mula sa heartbreak ko.

Kagaya nga ng sinabi ni Shelby noon sa akin, kayang-kaya ko itong malagpasan.

Sa loob ng tatlong buwan ay nagawa kong maiwasang mag-krus ang landas namin ni Marco…

Subalit, hirap naman akong iwasan ang taong tatlong buwan na ring nagdidikit ng sticky note sa pinto ng locker ko…

“Kitty! Tingnan mo! May sticky-love-note ka na naman!” halata ang kilig sa boses na sigaw ni Shelby, na mas inuna pang magtungo sa locker ko, kesa sa locker niya.

It’s been 3 months…3 months…pero hanggang ngayon ay hindi pa din namin kilala kung sino itong taong lihim na nagdidikit ng sticky note sa locker ko. Bukod sa initials na H.K.—na laging nasa hulihang bahagi nang note—ay wala na kaming alam pa tungkol sa kanya.

“Hay nako…hindi ba talaga maaawat ‘yan?” nababagot kong tanong saka lumakad palapit sa locker ko, and when I get there…My lips form a little smile as I read the note in my mind. It says…

‘Hello, Kitty!

          I’m just wondering…Do you have a brother or a sister? If yes, then what is his/her name? Kerokeroppi? ^_^V

 

P.S.

 

Smile for me. <3<3<3

~H.K.

Kinuha ko ang green sticky note, pero hindi para muling itapon sa basurahan kagaya ng lagi kong ginagawa. Bagkus, binuksan ko ang locker at doon ko ito sa loob idinikit.

“Ehem!...So, ano po ang ibig sabihin niyan Ms. Valdedara?” nanunuksong tanong ni Shelby na nasa likuran ko pa pala.

“Well, this note made my day, so, I’m gonna keep it” sagot ko sa kanya.

“Very well said…but, how would you explain that smile on your lips?” patuloy na panunudyo niya.

“Pumunta ka na doon sa locker mo at kunin mo na kung ano yung kukunin mo nang makabalik na tayo sa room” paglilihis ko upang hindi niya ko magawang kulitin pa.

Hindi ko man maamin kay Shelby, pero sa sarili ko, aminado ako na unti-unti nang nagkakaroon ng lugar sa puso ko ang mga sticky notes na ‘to.

 Dali-daling nagtungo sa locker niya si Shelby at kinuha ang librong gagamitin namin, pagkatapos ay agad din kaming nagbalik sa classroom.

--------

“Alam mo Kitty, ba’t di mo kaya subukang reply-an ‘yung nagpapadala sa’yo ng sticky-love-note” suhestiyon ni Shelby nang mag-umpisa na kaming gumawa ng activity.

“At bakit ko naman siya rereply-an? Eh hindi ko naman siya kilala?”

“Psh! Ano ba naman ‘to…kaya  mo nga siya re-reply-an eh! Para makilala mo siya! Shunga lang?! Atsaka, tatlong buwan na din siyang nagdidikit ng note ha… kumusta naman ang bill niya sa NBS?” saad niya.

Oo nga no. May point siya….pero…naisaloob ko.

“Wala akong panahon sa mga ganoong kalokohan” naisaad ko.

“Sus! Wala daw…Eh bakit mo tinago ‘yung note kanina?” nagsisimula na naman siyang mangulit.

“FYI pamaypay…nasagot ko na ‘yang katanungan mo kanina…backread-backread na lang…^_^V” sagot ko sa kanya saka ibinaling ang atensyon ko sa ginagawa.

The hell with this capitals and regions! Gagraduate na lang kami’t lahat pinahihirapan pa! naisaloob ko nang tunghayan ang sandamakmak na activity paper sa ibabaw ng upuan.

Hello, Kitty!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon