February 14 (Hearts Day)
Buong gabi ko ding pinag-isipan kung sino kina Marco at H.K. ang sisiputin ko…At sa awa naman ng isang daang eroplanong nabilang ko…tinupad nito ang hiling kong makapili…
It’s like a Déjà vu…ika nga.
“Hi…” kulang sa siglang bati niya.
Si Marco ang pinili ko.
Kung bakit?...
Simple lang…
Gusto kong malaman ang rason niya sa lahat ng ginagawa niyang ito…
“Hi…” ngumiti ako ng tipid.
“I guess…alam mo nang ako ang nasa likod ng mga sticky notes na ‘yon…bago ka pa man pumunta dito…tama ba ko Kitty?” si Marco.
“Yes.” Tipid kong sagot at titig na titig sa kanya.
“K-kitty…--
“Wag na nating pahabain pa ‘to…Anong dahilan at kailangan mong magdikit ng mga sticky notes sa pintuan ng locker ko?” madalian at nang-aarok kong tanong sa kanya.
“Kitty…”
“Wala ka na bang mapagtripan kaya pati ako pinagtripan mo na din?”
“No! Hindi kita pinagtitripan Kitty…”
“Eh ano? Pinaglalaruan mo ‘ko?”
“Mas lalong wala akong balak na paglaruan ka Kitty…” pagsusumamo niya.
“Then tell me, bakit mo ‘to ginagawa sa’kin, Marco? Hindi pa ba sapat na sinaktan mo na ‘ko noon, tapos ngayon gusto mo naman na paasahin ako? puno nang hinanakit kong mga tanong sa kanya.
“Kitty, hindi ko intensyong saktan ka at mas lalong hindi kita pinapaasa…Noong araw na tinanggihan ko ang pag-ibig mo, nasaktan din ako. Akala ko guilt lang, pero nang lumaon…nalaman kong mahal din pala kita--- ”
“Bilang kapatid“
“Hindi!...Sinabi ko lang ‘yon dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko para sa’yo, pero ngayon…ngayon totoo na ‘to…sigurado na ‘ko…mahal kita Kitty, hindi bilang kapatid, kundi bilang babae na siyang pinapangarap kong makasama habang-buhay…” bakas sa mga mata niya ang nag-uumapaw na pagmamahal habang titig na titig sa akin.
At sa pagkakatitig niyang iyon ay bigla kong naitanong sa sarili ko…
Ano nga ba ang minahal ko kay Marco at hinayaan kong masayang ang dalawang taon ng buhay ko para sa pag-gugol ng panahon at pagmamahal ko sa kanya?
Saglit lang at ako din mismo ang nakasagot ng mga katanungang ito…
Unang-una, minahal ko si Marco, dahil sa pag-aakalang sa kanya ko lang maaring maramdaman ang ganitong klase ng pag-ibig. Sa pag-aakalang siya talaga ang lalaking itinadhana para sa akin nang langit…
Pero nagkamali ako…Dahil hindi pala siya ang taong ‘yon…
“Kitty…”pukaw niya.
“Tulad nga ng nasabi mo na kanina, wag na nating pahabain pa ‘to, Kitty…
…Will you be my girl?” tahasang tanong ni Marco.