-5-

12 0 0
                                    

Kinagabihan sa bahay…

“Sheeeteee!!! Wag mo nang isipin ‘yon! Erase na! Erase! Eraseeee!” parang baliw kong kausap sa sarili habang pagulong-gulong sa kinahihigaan kong kama.

Kanina ko pa kasi pinipilit na makatulog, subalit hindi ko magawa.

Kung bakit kasi eh, panay ang flashback sa balintataw ko nang nangyaring pagyakap sa’kin ni Ken kanina.

Ayoko nang maalala ‘yooooon!!!sigaw sa isipan ko.

 

Lumipas pa ang ilang sandali na hindi talaga ako dalawin ng antok, kung kaya’t naisipan ko na lang na kuhain ang mga sticky notes na nasa bag ko at muli na lang itong basahin.

Huh! Ito na lang ang pagdidiskitahan ko! at inilatag ko na sa higaan ang mahigit sa 300 green sticky note na lingid sa kaalaman ni Shelby, ay palihim kong kinukuha sa basurahan matapos kong itapon.

Sayang din kasi ‘to no…lalo na yung mga punong pinagmulan nito! Palusot ko.

Sinimulan ko na ang pagbabasa, at hindi ko maiwasang, hindi pagkumparahin ang mga naka-sulat sa green at red sticky notes.

Base na din sa nilalaman ng bawat sticky notes…nararamdaman kong mas puno nang pagmamahal iyong galing kay H.K. kumpara sa nag-iisa at baguhan pa lang na notes na galing naman kay D.C..

Haaaayyy…Sino nga kaya sila?

Kung minsan napapaisip ako kung… ‘ano kaya kung mag-reply ako sa mga notes na ‘to? Ano kaya kung makilala ko sila? Magustuhan ko kaya sila? Magawa ko kayang ma-inlove sa isa sa kanila?’ .

Mga tanong na nang lumaon ay hindi ko na gustong hanapan pa ng kasagutan…Bakit?

Simple lang…

Dahil alam ko na sa paghahanap ko ng kasagutan sa mga tanong na ito ay muli ko na namang isusugal ang aking puso…

At natatakot ako sa isiping iyon…

“Kasalan ‘to ni Marco eh…” naibulong ko sa sarili saka muling ibinalik ang atensyon sa huling sticky note na hawak-hawak ko, na nanggaling kay H.K. at nagsasabing…

‘Hello,Kitty!

 

          I get the best feeling in the world when you smile at me, because I know, even if it’s just for a second, I’ve crossed your mind.

 

P.S.

 

          Smile for me…<3<3<3

~H.K.’

Matagal kong pinakatitigan ang huling sticky note na iyon, at habang tumatagal ay isang imahe ang unti-unting nabubuo sa isipan ko…

Si Ken…

Haist! Isa pa ‘yang si Ken! Bagay nga silang mag-bestfriend ni Marco! Pareho silang maluwag ang turnilyo sa ulo! Inis kong naisaloob at padabog na ibinalik sa bag ang mga notes at natulog na…

Hello, Kitty!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon