-9-

13 0 0
                                    

Makalipas ang isang taon…

“Bessy! Ano? Kain na tayo?” si Shelby na siyang bumungad sa pinto ng stewardees lounge.

“Oo, aayusin ko lang ‘tong gamit ko…”

Sinong mag-aakala na hanggang sa trabaho ay magkasama pa din kami ng bestfriend kong ‘to?

Siguro nga talagang soulmate kami. Dahil kung saan ako naroroon ay nandodoon din siya.

“Let’s go!” yakag ko sa kanya nang masigurong kumpleto na ang dadalhin kong gamit para sa next flight namin mamaya.

After namin maka-graduate sa kursong Tourism, one year ago, ay agad kaming sumailalim sa agarang training para maging flight stewardees, madali lang ang training…ang mahirap ay ang memorizing—dun kasi ako mahina—pero magkagayon man, sa gabay at awa naman ni Lord ay nakapasa kami sa training at ngayon ay ganap na nga kaming flight stewardees ni Shelby.

“Siyanga pala? May balita ka na ba…sa kanya?” biglang naitanong ni Shelby, napahinto tuloy ako sa ginagawa kong pagsubo ng macaroni salad.

“[sigh] wala na kong nabalitaan tungkol sa kanya, simula nang magtungo siya sa New York…” malungkot akong napangiti.

“Ganoon ba?...Sa tingin mo…single pa kaya siya hanggang ngayon?”

“Sa tingin ko? Well, New York ‘yon…lahat ng tao liberated…kaya imposibleng hanggang ngayon ay single pa din siya…baka nga sa mga oras na ‘to t-tatay na siya eh” sheeet. Nag-stutter ako.

“Sa bagay…” ang tanging nai-komento ni Shelby.

[sigh] Kumusta na nga kaya siya? Naalala niya pa kaya ako? wala sa sariling naitanong ko habang nakatitig  sa kawalan…

“Hoy! Hellorina!”

 

“H-huh? Anong sabi mo?!” nagbabalik-isip sa kasalukuyan.

“Sabi ko, ‘balik na tayo sa lounge! Malapit nang mag-call time para sa next flight natin…” saad ni Shelby at tumayo na.

“Ay! Oo nga pala!” dali-dali na din akong tumayo .

“Hmp! Tutulala-tulala ka pa kasi jan…” puna ni bestfriend.

Pagdating sa lounge…

“Mabuti naman at dumating na kayo…” salubong sa amin ni Louie—isa sa mga co-stewardees namin.

Hello, Kitty!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon