-4-

12 0 0
                                    

Nang  sumunod na linggo ay tuluyan na ngang nawindang ang utak ko sa sticky note sender ko.

Dahil kung noon ay isa lang ang nakadikit na sticky note sa locker ko…

Ngayon dalawa na…

Isang color green na may initials na H.K.... at isang color red na may nakasulat at initials na…

‘Hello,Kitty!

         

          Napaka-saya ko simula nang dumating ka sa buhay ko…

 

D.C.’

“D.C.?! Sino naman ‘to?!” na-aaning na tanong ni Shelby na hawak-hawak yung red sticky note sa kaliwang kamay samantalang yung green sticky note naman ay nasa kanan niya.

“Iba ka talaga girl! Akalain mo ‘yon! Dalawa na agad ang secret admirer mo!” napapantastikuhan niyang saad.

“Eh ano naman ngayon kung dalawa na sila? Kung wala naman silang balak na magpakilala sa akin personally. Para saan pa at pag-aksayahan ko sila ng precious time ko” pasuplada kong saad kay Shelby. Pagkatapos ay nagpatiuna na akong lumabas ng locker room.

Ngunit, hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay…

“Hello! Kitty!”

“Kyaaaaaaah!!!” magkapanunod naming sigaw nang siraulong lalaki na biglang bumulaga sa pintuan ng locker room.

“Ha-ha-ha! Ang cute mo palang magulat!” natatawang sabi ng siraulong si Ken.

“Heh! Siraulo ka! Kung may sakit ako sa puso malamang na kanina pa ko nangingisay dito!”

“Eh hindi ka naman nangingisay so it means wala kang sakit sa puso.” sabay ngisi.

Hello, Kitty!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon