Tumagal pa nang ilang minuto ang paghahagkanan namin ni Ken. Naputol lang ito nang may biglang tumikhim.
“Ehem! Pwede bang time-out muna? Nagtatanong kasi ‘yung piloto kung saan ba talagang destinasyon natin eh” si Shelby, na kakamot-kamot sa batok niya.
“Oh! Sorry…I almost forgot. Well, pakisabi sa piloto na sa New York tayo…” pagkuwa’y utos ni Ken na nakayakap pa din sa akin.
“Okay Sir! Sa New York po tayo” sunod naman ni Shelby na nagawang ipitik sa ere ang mga daliri.
“And please…pakibilisan kamo ang pagpapalipad, dahil hindi na ko makapaghintay na maipakilala sa pamilya ko ang babaeng itinatangi ng puso ko…” nakangiting saad ni Ken habang puno nang pagmamahal na nakatitig sa akin.
Nag-umpisa na tuloy manukso ang iba pa naming kasama sa loob ng lumilipad na eroplano. Lahat sila ay naging saksi sa tapatan namin ng pag-ibig ni Ken.
“I Love You, Kitty, hanggang sa dulo ng mundo…” bulong ni Ken nang matapos ang tuksuhan at naka-upo na kaming lahat.
“Ako din Ken…I love you! Sagad hanggang Sanrio world” and then we kissed each other again passionately…
Who would have thought that love could be very playful and colorful like this...?
Later on, nalaman kong planado pala ang lahat ng iyon…from the hello kitty stuff toy na galing pala kay Ken hanggang sa destinasyon namin—na walang iba kundi sa tahanan ng mga Buenavista sa New York…He introduce me to his family as soon-to-be-Mrs.High Kenny Buenavista!
Grabe! Sarap sa feeling! Ha-ha-ha!<3<3<3
At hindi lamang ‘yon…nalaman ko din na ito palang magaling kong bestfriend na walang iba kundi si Shelby ay nag-ala-fairy god mother at siyang taga report kay Ken nang mga nangyayari sa akin sa loob ng isang taong hindi kami nagkikita. Kaya naman pala nag-uumapaw ang self confidence ng siraulong si Ken na THIS TIME…makakamit na namin ‘yung inaasam naming happily ever after…<3<3<3
-THE END-
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading This Short Story!
Unedited pa po ito!!! AJA!! ^__^
