“Hah hah hah…sabi ko naman sa’yo…hah hah…umalis na tayo doon eh..hah hah hah…yan tuloy nahuli tayo…” hinihingal na paninisi sa akin ni Shelby nang makapagtago na kami sa girl’s comfort room.
“Correction! Hah hah hah…ang sabi mo bumaba ako…hah hah hah…hindi umalis!” pamimilosopo ko pa.
“Kahit na! Pareho na din ‘yon! pero maiba tayo…nakita mo na ba siya? gwapo ba? Sino siya? Kilala ba natin?” sunud-sunod na katanungan niya na unti-unti nang nakakabawi mula sa pagkahingal.
“Yun nga eh…makikita ko na bale siya kung hindi lang biglang sumigaw ‘yung amphibian na security guard na ‘yon!” naiinis kong sabi sa kanya.
“Ganon?! Ibig sabihin unknown pa din si H.K.?!” frustrated niyang tanong.
“Oo…”
“Ano ba naman ‘yan…kamag-anak ba niya si Lupin at napaka-hirap niyang mahuli?!” naiinis na ding saad ni Shelby.
“Tumigil ka na jan. Ang mabuti pa bumalik na tayo dun sa locker—
“Maninilip ka na naman sa bintana?! Dios mio garapon Kitty! Kung bakit kasi hindi mo na lang reply-an ‘yung H.K. na ‘yon nang hindi na tayo magpakahirap pa! Aba! Bawas-bawas din ng hello kitty sticky notes mo pag may time!”
“FYI pamaypay! Sa loob na tayo ng locker room babalik at hindi doon sa likod! Pangalawa, kahit magkaubusan pa ng sticky note sa buong mundo, hinding-hindi ko pa din babawasan yung hello kitty sticky notes ko! Kuha mo?”
“Oo na!…hindi mo naman kasi nilinaw…”
“Ang sabihin mo dada ka kasi ng dada agad! Tara na nga!” yakag ko sa kanya at nagpatiuna na sa paglakad pabalik sa girl’s locker room.
Pagbalik sa Girl’s locker room…
“Tingnan mo nga naman Shelby…Talaga palang palay na ang lumalapit sa manok…”
“Huh? Anong pinagsasasabi mo?” takang tanong niya.
“Basahin mo” utos ko sa kanya sabay abot nung green sticky note.
Hello,Kitty!
Alam ko na nitong mga nakaraang araw ay nagtatanong-tanong ka tungkol sa akin…that’s why I’ve decided to finally reveal myself to you…
So please…Meet me tomorrow, here, in girl’s locker room…after our class.
P.S.
I Love You Kitty…I Love You…
~H.K.
“Shockeeeers! So pupunta tayo?”
“Nope! Ako lang.”
“Ganon?! Pagkatapos kitang suportahan sa pag-akyat-akyat mo like a kitty-cat-cat kanina…” puno ng panunumbat na saad at tingin sa akin ni Shelby.
“Ikaw naman…wag ka na mag-drama jan! sasabihin ko naman sa’yo kaagad kung sino siya eh! Kung gusto mo, ipapakilala pa kita agad sa kanya!” pampapalubag loob ko sa kanya.
“K.dot! Pero pa’no to?” tukoy niya sa red sticky note.
Hello,Kitty!
Tomorrow, after class, meet me at Eco Garden…
I’ll tell you who am i…and I’ll tell you everything…
D.C.
“What the eeefff???!!!” bulalas ko nang mabasa ang nakasulat sa kapirasong note.
“So? Sino ngayon ang kakatagpuin mo bukas? Is it hashtag TeamRed o hashtag TeamGreen?”
“Twitter lang ang peg?!”
“YES-terday once more! So?” saka ako binigyan nang nakaka-presure na tingin.
“Haist! hindi ko na alam kung anong gagawin!” nabubwisit kong turan nang biglang hawakan ni Shelby ang kamay ko.
“Sa ngayon ang maipapayo ko lang sa’yo…kung ano ang nasa puso mo…’yon ang sundin mo…kung sino ang mas matimbang sa kanila…doon ka…” puno ng sinseridad niyang saad.
“Salamat Bestfriend…”
“Pero ngayon pa lang mag-vo-volunteer na ako…willing akong makipag-meet kay H.K….hihihi…” pakengkoy niya.
Shelby talaga…-_____-naisaloob ko na lang.