February 11 [2 days before hearts day]
“Kittyyyyyy!!!” nagniningning ang mga matang salubong sa akin ni Shelby nang makapasok ako sa locker room.
“Problema mo?” kunot-noong tanong ko sa kanya.
“Halika dito! Bilis!” sabay hatak sa akin papunta sa tapat ng locker ko, kung saan may nakadikit na namang dalawang sticky notes.
“Hay naku Shelby…hindi ka pa ba nasanay sa mga ‘to? Eh araw-araw namang may ganya jan! Huwag mong sabihing na-e-excite ka pa ding basahin ‘tong mga ‘to?” tukoy ko sa mga sticky notes, sa pag-aakalang ito ang dahilan ng pagbubulate niya.
“Gaga! Hindi naman tungkol sa pagbabasa niyan ang dahilan kung ba’t ako nagkakaganito eh, no!” katwiran niya.
“Kung ganoon, tungkol pala saan?”
“Kilala ko na kung sino’ng may pakana niyang mga sticky notes na ‘yan…” bulong niya.
“Ows? Talaga?”
“Oo! At hindi ka maniniwala kapag nalaman mo kung sino siya!” patuloy na bulong niya habang may kung anong kislap ang mga mata.
“Sino…?” untag ko sa kanya, na tila gusto pa ata akong papaghulain.
“Si Marco…”
Marco…
Marco…
Marco…makailang beses ko pang ulit sa pangalan ng binata bago tuluyang nag-sink-in sa utak ko ang sinabi ni Shelby.
“S-si Marco…?” magkahalong gulat at pagtatakang tanong ko.
“Oo! At hindi ako pwedeng magkamali! Siya ang nakita kong nag-dikit niyang red sticky-note na ‘yan jan kanina! Pagdating ko dito. Kumubli lang ako para hindi niya ko makita…”
“P-pero…bakit…?” bulong ko sa sarili…
Bakit kailangan niyang mag-dikit ng mga ganitong note sa locker ko? Bakit niya ginagawa ito? bakit…?
Mga katanungang gumugulo sa isipan ko bago pinaka-titigan ang nilalaman ng red note.
Hello, Kitty!
Today I caught myself smiling for no reason…then I realized I was thinking about you.
