Muli kong naramdaman ang pagdaloy nang nakaraan…
FLASHBACK
“Tulad nga ng nasabi mo na kanina, wag na nating pahabain pa ‘to, Kitty…
…Will you be my girl?” tahasang tanong ni Marco.
Ang sarap sa pakiramdam na malamang posible din palang ma-inlove sa’kin yung taong akala ko, hindi ako magagawang mahalin kailanman…
Yun nga lang…may silbi pa kaya ang pagsasabi niya ngayon sakin na mahal niya NA ako?
Pinalipas ko pa ang ilang minuto bago ko siya sinagot…
At sa sasandaling minutong iyon ay nagawa kong timbangin at tiyakin kung ano ba talaga ang damdamin ko para sa kanya…
Sa huli, mas naging matimbang ang katotohanang…
Umiibig pa din ako…
“I’m sorry Marco…but I can’t …” malungkot kong saad sa kanya.
Pero hindi NA kay Marco…
Oo, hindi na si Marco, at hindi ko alam kung sa papaanong paraan ko ito ipapaliwanag. Basta sigurado ako sa sarili ko na, the moment na matitigan ko siya kanina…ni bakas ng pagmamahal ko sa kanya ay wala na…
Matagal bago muling naka-pagsalita si Marco.
Halatang hindi niya inaasahan ang isinagot ko.
“P-pero sabi mo…Mahal mo ‘ko?” tanong niya, habang nasa sa mga mata ang magkakahalong emosyon ng sakit, pagkabigo, lungkot, at pagtataka.
“Oo…sinabi ko ‘yon…NOON…pero NGAYON…HINDI NA…” diretso ang tingin ko sa kanya.
“HINDI NA KITA MAHAL MARCO…I’M SORRY…” tinalikuran ko na siya at naglakad palabas ng Garden…
Ngayon…
Malinaw na sa akin ang lahat…
Nalagpasan ko na ang una kong heartbreak.
Nalinawan din ako na sa sandaling panahon at napaka-imposibleng pagkakataon ay nagawa akong pa-ibigin ng isang simpleng sticky-love-notes na lihim na idinidikit sa locker ko ni H.K. …
