CHAPTER THREE
Candice's POV
Gosh! Ang sakit ng ulo ko. Teka, nasaan ba 'ko? Dahang-dahan akong bumangon para makita yung kabuuan ng kwarto.
My jaw dropped literally when I saw someone beside me. Unti-unting nag-flashback sakin yung mga nangyari kagabi. Hindi naman ako tanga para makalimutan 'yon.
Pero shet na malagkit lang! Nagawa ko ba talaga yon? Geez! Hindi pwede! Paano na ako? Ano ang gagawin ko? Paano kung magbunga yung pagkakamaling to? Ano nalang ang kalalagyan ko?
Gusto kong sapakin yung sarili ko. I gently massaged my temple. Juice colored! Nanlulumo ako. Ano ba tong ginagawa ko?
Dapat tumutulong ako pero bakit ganito? Parang magiging pabigat pa yata ako sa pamilya ko. Ano nanaman ba 'tong pinasok ko?
Diyos ko, tulungan niyo po ako.
Babangon na sana ako sa kama pero bigla din akong napaupo nung maramdaman ko yung sakit ng pagkababae ko.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang akong naiyak. Hindi dahil sa sakit, siguro ay dahil sa sinapit ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Naguguluhan ako.
Agad ko din namang pinunasan yung mga luhang nag-uunahang tumulo. Hindi, hindi ko dapat indahin to. Kasalanan ko din naman kung bakit nauwi sa ganito. Nagpadala at nagpatukso din kasi ako.
Mabilis akong tumayo at nagbihis na para bang wala akong kirot na nararamdaman.
Pagkakuhang-pagkakuha ko ng gamit ko ay umalis na ako kaagad. Bahala na kung ano ang mangyayari.
--
"Dioskopo! Anak! Saan ka ba nagpupupunta? Alalang-alala kami sayong bata ka! Kumain kana ba?" Nag-aalalang salubong sakin ni mama kasabay ng pagyakap niya sakin.
Napag-alala ko nanaman sila. Naiiyak na naman ako pero mas pinili ko nalang pigilan dahil ayokong mag-isip pa si mama ng kung anu-ano. Ayoko nang nagdadagan pa ang problema ng mama.
"S-sa kaibigan ko po, ma! Kina Amethyst po. Naalala niyo pa po ba siya? Y-yung kinu-kwento ko po sainyo na bagong sekretarya sa kumpanyang pinapasukan ko." Pinilit kong ngumiti at tsaka humarap kay mama. "Pasensya na po kung hindi ako agad nagpaalam sainyo, mama. Napag-alala ko pa po tuloy kayo." Napayuko nalang ako.
"Ikaw talagang bata ka." Hinalikan niya ako sa gilid ng ulo.. "Osiya Kumain kana at baka mahuli ka pa sa trabaho mo." Pagkatapos sabihin yon ni mama ay umalis na siya.
Diyos ko. Napaka swerte ko parin dahil binigyan niyo ako ng ganitong pamilya. Maunawaing ama, mapagmahal na ina at mababait na kapatid. Kahit na mahirap ang buhay namin ay masaya parin kami.
Pero, sana lang ay kasama din namin ang kambal ko. Nasa mabuti kaya ang lagay niya? Miss na miss kana nila, Cathnice. Miss na miss na kita.
Bigla nanaman tuloy bumalik ang mga ala-ala bago pa magkasakit si papa. Marangya kasi ang pamumuhay namin dati. Halos lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, ganon din ang kambal ko.
May kumpanya kasi noon sila mama at papa. Pero simula nung magkasakit si papa ay napabayaan na ito. Dagdag mo pa na sa kumpanya namin inaasa ang lahat ng gastusin. Kaya simula noong naghirap na kami ay humiwalay na sa amin si Cathnice. Hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit niya yon ginawa. At hanggang ngayon ay wala parin kaming balita sakanya.
Simula din noong umalis siya ay palagi nalang umiiyak si mama. Kaya nga ayaw ko siyang nag-aalala. Ayaw ko kasing isipin niya na iiwanan ko din siya kagaya ng ginawa ni Cathnice. Isa pa, makakasama din yun para sa kalusugan niya.
"Alessa! Tulala ka nanaman diyan? Ikaw ha! Ano yang iniisip mo? Hmm. O baka naman SINO?" Pang-asar na bati sakin ni Amethyst kaya naman bigla akong nabalik sa katinuan.
"Wala noh! Ikaw talaga." Medyo iniling-iling ko pa yung ulo ko.
"Sus! Ang sabihin mo, inlove ka!" Inlove? Woah. Kung alam mo lang Amethyst. Kung alam mo lang, kanina ko pa pinipigilan yung luha ko na kanina pa gustung-gustong kumawala.
Hindi naman na siya nagsalita dahil biglang nag-ring ang cellphone niya. Nag hand gesture nalang siya sakin na sasagutin niya muna, kaya naman tinanguan ko nalang siya.
Bumalik nalang ako sa aking ginagawa dahil ayoko na munang mag-isip pa ng kung anu-ano. Medyo masama din kasi ang pakiramdam ko, sinabayan pa nitong pagkirot ng kaselanan ko.
Ayoko namang mag-half day dahil sayang din yung kikitain ko kung mag-oovertime ako. Pangdagdag na din yon sa pambili ng gamot nila mama't papa. At kahit papaano ay makakatulong din naman iyon na pangmatrikula sa eskwela.
Nagmadali na akong tapusin ang ginagawa ko dahil kailangan ko 'tong ihabol sa meeting ni Sir Ethan, mamayang 2:00 PM. Eh anong oras na ba ngayon? Holly sheep! 12:36 PM na!
--
"F*ck! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sabi nung lalaking nakabangga ko na hindi ko naman malaman kung sino dahil hindi ko din makita yung mukha niya dahil pareho kaming nakayuko habang pinupulot yung mga files na ihahabol ko sana kay Sir Ethan! GOD! I'm so dead!
"S-sorry po sir. Pasensya na po. Nagmamadali lang talaga ko dahil kailangan ko pang ihabol to. P-pasensya na po talaga." Kinakabahang sabi ko habang nakayuko at patuloy pa ring inaayos yung mga nalaglag na papel. "Hmm. Sige po, mauuna na ko. Sorry po ulit." Nakayuko paring sabi ko nang di man lang siya tinatapunan ng kahit isang tingin.
Bigla naman niyang hinigit yung kamay ko at may binulong sa tenga ko. "By the way, nice boobs!" Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Halos lahat yata ng balahibo sa katawan ko ay tumayo. Kasama na din yung buhok ko sa ibaba.
Gusto ko pa sana siyang sigawan, sapakin at murahin pero hindi pwede dahil nandito kami sa loob ng kumpanya. At ayoko namang mawalan ng trabaho nang dahil lang sa sinabi niya.
Unti-unti ko na lang inangat ang tingin ko para makita yung mukha ng manyak na lalaki na nasa harapan ko pero laking gulat ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"IKAW?!" Gulat na gulat na tanong ko sakanya.
***
-Strangelady08
A/N: Sorry for my short update. Siningit ko lang talaga ito dahil sobrang busy ng sched. Sana po nagustuhan niyo parin. :))) Anyway guys, Amethyst is from my other story entitled 'The Possession'. Sana po magustuhan niyo rin 'yon. :) Kamsahamnida. <3
//Please vote, comment, and be a fan! <3 Follow na din po. Hihi. ^____^v
BINABASA MO ANG
Our Sex Mistake [HIATUS]
General FictionSEX MISTAKE. That's how they call it. FUCKING MISTAKE. That's how they hate it. STUPID MISTAKE. That's how they regret it. Because of that FUCKIN' STUPID SEX MISTAKE, they are both suffering. Pero forever nalang ba nilang kamumuhian ang isa't-isa...