CHAPTER ELEVEN
Candice's POV
Unti-unti kong iminulat yung mga mata ko. Pero.. bakit puro puti lang ang nasa paligid ko? Nasa langit na ba ko? Hindi pwede ito. Nasaan si San Pedro?
Dahang-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga. Pero natauhan din naman ako nung mapagtanto ko na nasa ospital lang pala ako..
Dahan-dahan kong hinaplos yung tiyan ko. At tsaka lang ako ulit naiyak nung maalala ko kung bakit ako nandito. Siguro nga ligtas ako. Pero... ang bata kaya sa sinapupunan ko? Sana naman walang nangyari masama sakanya. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad si Dale, lalung-lalo na ang sarili ko kapag may masamang nangyari..
Natigilan ako nung may narinig akong dalawang boses na nagtatalo. Mabilis akong kumilos para masundan kung saan nanggagaling yung mga himig na yon..
Hinawi ko yung puting kurtina na tumatabing sa akin.. Then.. I saw him.. Nakita ko si Dale na galit na galit habang kinakausap ang doktor. Pero bakit?!
"I'm sorry Mr. Del Tierro. Ginawa na namin ang lahat para maisalba ang bata.. Pero huli na ang lahat. Masyado hong maraming dugo ang nawala sa pasyente." Malungkot ang himig nang di umano'y doktor habang nakayukong nagsasalita.
Ano daw? Yung bata.. What?! Hindi.. Hindi pwede ito. Nagsisinungaling lang siya! Nandyan ka pa naman baby diba? Nararamdaman pa kita! At tsaka ko bahagyang hinimas ang tiyan ko habang umiiyak.
"What?! No! Nagbibiro ka lang doc, diba?! Sabihin mong nagbibiro ka lang!" Galit na galit na binulyawan ni Dale ang doktor.
"I'm really sorry Mr. Del Tierro. Pero wala na ho kaming magagawa." With that ay tuluyan nang umalis ang doktor.
Unti-unti naman akong lumapit sakanya.. Habang siya ay nakaupo habang nakatulala..
"H-he's just t-telling a lie, right?! T-tell me! T-tell m-me na nagsisinungaling lang siya! Buhay ang bata, Dale! Buhay siya!! N-nraramdaman ko pa s-siya! H-hindi ako pwedeng magkamali!" Nanlulumong sabi ko habang umiiyak at pinaghahahampas siya.
"H-he's tellin the truth, Candice." Mahinahong sabi niya habang nakatulala parin.
"No! Hindi! Hindi ako n-naniniwala s-sakanya! Sinungaling siya!" Naglulupasay na sabi ko habang patuloy ko parin siyang pinahahahampas.
"Sinabi nang tumigil kana eh! Wala na ang bata, Candice! Wala na siya!" Nanggigigil na sabi niya at tsaka hinawakan ang dalawang kamay ko-- dahilan para matahimik ako.
"Ang bata.. Ako ba ang ama niya?! Magsalita ka!" Pasigaw na dugtong niya pa.
Dahang-dahan naman akong tumango bilang tugon..
"F*ck! Bakit ngayon mo lang sinabi?!" He said while he is clenching his jaw.
"Bakit? K-kung sinabi ko ba noon. May magbabago ba?!" Umiiyak na sumbat ko sakanya.
"Oo, Candice! Meron!" Tugon niya naman.
"Huh! Wala, Dale! Kung sakali man na sinabi ko sayo noon, walang magbabago! Dahil napaka selfish mo! Wala kang ibang ginawa kundi ang pahirapan ako! Kaya kung may dapat man akong sisihin kung bakit nawala ang anak KO, ikaw yun! Dahil wala kang kwentang tao!" Pabalik na sigaw ko naman sakanya.
"Wala kang alam, Candice! Wala kang alam!" Gigil na gigil na sabi niya at tsaka ako inambahan ng sampal.
"Ano? Sasaktan mo 'ko?! Sasaktan mo nanaman ako?! Put@ng-in@ naman! Binuhay lang pala ako sa mundong ito para saktan mo! Ha-ha!" Pagpepeke ko ng tawa habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Our Sex Mistake [HIATUS]
General FictionSEX MISTAKE. That's how they call it. FUCKING MISTAKE. That's how they hate it. STUPID MISTAKE. That's how they regret it. Because of that FUCKIN' STUPID SEX MISTAKE, they are both suffering. Pero forever nalang ba nilang kamumuhian ang isa't-isa...