OSM [4]: Confused Mind

8.9K 78 10
                                    

CHAPTER FOUR

Candice's POV

"IKAW?!" Gulat na gulat na tanong ko sakanya.

"I'm sorry miss? Do I know you?" Kunot noong tanong niya sakin.

Pero.. pero hindi ako pwedeng magkamali eh. Siya yun eh! Siya yung lalaking nakakuha ng v-card ko.

"Sir, alam kong kilala mo kung sino ako. Alam kong natatandaan mo kung sino 'tong babaeng kaharap mo." Pagpupumilit ko pa.

"Miss, I'm sorry pero hindi talaga kita kilala. We just accidentally bumped each other a while ago." Malamig na tugon niya habang diretsong nakatingin sa akin.

So ganon nalang yon? Loko pala 'to, e! Sinong niloko niya? 

Alam ko sa sarili ko na hindi talaga ako nagkakamali. Natatandaan ko pa ang mga matang yan-- Malalamig na akala mo ay puno ng galit at hinanakit, mga titig niyang nakakatakot na parang laging nag-uutos.. But there's really something with his eyes. Yun bang kapag tinitigan mo ay mawawala ka nalang bigla sa katinuan. Iniling ko ang ulo ko. Walang duda, siya nga yung lalaking tinutukoy ko.

Pero bakit hindi niya 'ko maalala? Ang bilis naman yata niyang magka-amnesia? Ganun ba talaga silang mga lalaki? Porket nakuha na nila ang gusto nila, bigla nalang silang makakalimot? A-M-A-Z-I-N-G.

Pero kunsabagay, ano pa nga ba ang aasahan ko sa lalaking kagaya niya? Mga lalaking ang tingin lang sa aming mga babae ay parausan.

His lame excuse? Wala siyang maalala? Dahilan lang yan ng mga lalaking takot sa responsibilidad.

"Sir, you may be forgot this girl infront of you. Sino ba naman ako, hindi ba? I'm just one of your girls." Tumigil ako saglit at iniwas ko ang tingin ko sakanya. Mahirap na, baka kasi makalimutan kong GAG* pala 'tong lalaking kaharap ko at bigla nanaman akong mawala sa katinuan. "Pero kahit ganun lang po ang tingin mo sa amin, gusto ko parin ipaalala sayo, na hindi kami parang bubblegum na pagkatapos niyong nguyain ay basta niyo nalang iluluwa na para bang hindi ka nakinabang sa amin. Marunong naman kaming masaktan, at marupok din kami kung minsan. Kaya wag niyo naman po sanang samantalahin yung kahinaan namin. Excuse me." Pagkasabing pagkasabi ko non ay umalis na kaagad ako. Alam ko kasing taksil 'tong mga luha na to at baka hindi ko kayanin yung bigat na dinadala 'ko.

Ganito pala talaga kahirap. Ganito pala talaga ang sakit na pagdadaanan mo kapag nakipagsiping ka sa lalaking hindi mo naman kilala.

Pero hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Samantalang hindi ko naman siya kilala. Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan niya, e. At ni kahit isang impormasyon man lang tungkol sa kanya ay wala akong kaalam-alam. We're just a total strangers. Siguro nga.. wala talaga dapat akong asahan sakanya.

Nagalaw niya lang naman ako, hindi ba? Nakuha niya lang naman ang pagkabirhen ko. At hindi naman niya ako naanakan. Tama nga yata ako, isa lang ako sa mga babaeng naikama niya. Isa lang ako dun sa mga babaeng kinakalimutan niya.. Kasi wala naman akong halaga.

Dale's POV

Bigla nalang akong natulala sa mga sinabi nung babae kanina. Pero hindi dapat magpadala. I'm a Del Tierro. I'm not managing all our companies in and out of the country, para lang magpaapekto.  Mas importante parin sakin kung saan ako magiging masaya. I'm the one and only man that every girl has been wishing and dreaming for. BABAE LANG siya.

At kagaya nga ng mga sinabi niya, para lang silang bubblegum. Isa lang siya sa mga bubble gum na kayang-kaya kong itapon ng basta-basta.

At labas na ako sa kung ano man ang mararamdaman niya. At mas lalong wala akong pakialam kung nasasaktan ko na pala sila. Kasalanan din naman nila at nagpapadala sila, hindi ba?

And I also have a rule.

'Once is  enough. Twice is too much. So when I fucked you twice, you're lucky enough.'

Alam niyo naman siguro ang ibig kong sabihin. Hindi ko kasi ugali na kilalanin pa ang mga babaeng nakakatalik ko. Pagkatapos ko kasing dumuty ay nakakalimutan ko na sila. Hindi ko naman gustong kalimutan sila, but my mind did.

Okay. Let me tell you something. According to my psychiatrist, I have this neurological disorder and they called it a Prosopamnesia.

Prosopamnesia presents itself in patients as an inability to recognize people they have previously encountered based on their faces. That's why you can't blame me kung nakakalimutan 'ko sila.

At yung babaeng lumapit sakin kanina, hindi ko talaga alam kung sino siya. Hindi ko din matandaan kung saan kami nagkita o nagkakilala. At hindi ko din sigurado kung may nangyari ba samin o wala. Malay ba natin kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. Malay ko bang isa lang pala siya sa mga babaeng desperada na gustong magpagalaw sa akin. Kung sinabi niya ng diretsahan ay baka napagbigyan ko pa siya.

But there's something about her..

Pero ayoko namang labagin ang kondisyon ko. I don't want to abide my rules when it comes to girls.

Hindi ko na dapat silang kilalanin pa dahil lahat naman sila ay dadaan lang sa akin. Lahat sila, papaasahin lang ako. Lahat sila,  sasaktan lang ako. At ayokong mangyari pa ulit yon. Hindi na ko magpapauto sakanila. Kaya dapat lang na paglaruan sila.

Pero kahit yun ang gusto kong mangyari ay tumututol naman ang subconscious ko. Parang sinasabi nito sa akin na kailangan ko siyang kilalanin.. na para bang ipinararating sa akin na iba siya sa mga babaeng nakilala ko..

Napailing nalang ako sa ideyang naiisip ko. Hindi ko kasi alam kung bakit inaalala ko pa siya, kung alam ko naman na pagkatapos nito ay makakalimutan ko din agad siya.

Naguguluhan ako sa hindi ko malamang dahilan!

What's with that girl? 'Cause there's a part of me who wants to know more about her.

***

-Strangelady08

//Please vote, comment and be a fan.

Our Sex Mistake [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon