OSM [14]: Regrets & Determination

4.9K 76 12
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Candice's POV

Oh great! Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko..

Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin..

Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang harapin..

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya makakayang iwasan..

Nahihirapan din naman ako no! Tao din ako! T-A-O!

Hmp!! SIX ISAKIEL TRINIDAD! Bakit mo ba kasi ako pinahihirapan ng ganito! Ughhh!

[Flashback]

"Candice, we need to talk."Bungad sa akin ni Six, pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

Harujusko! Anong oras na ba at nambubulabog pa itong gwapong nilalang na ito?

Hmp! Alam nang gabi na pero dumadalaw parin sa bahay! Mabuti nalang at gising pa ang mga tao dito.

"Ano namang pag-uusapan natin, aber?" Sabi ko habang nakataas pa ang isang kilay. Mehehe.

"Uh! Tungkol sa naudlot nating usapan, Candice.." Tila nagdadalawang isip pang tugon niya.

"Tsk. Osya! Maupo ka muna." Sabi ko naman habang kakamot-kamot pa ng ulo.

Pagkapasok na pagkapasok niya ay agad niya namang nakita si mama at papa. Kaya lumapit  siya agad para magmano.

Shet na malagkit! Nakaka-turn-on! Pfftt!

"Kape? Gatas? Juice? Tubig? Anong gusto mo?" Tanong ko sakanya.

"Wag na Candice. Sandali lang naman itong sasabihin ko." Sabi niya pa habang nakangiti.

"Gaano ba kasi kaimportante yang sasabihin mo at disoras na ng gabi ay nambubulabog ka pa dito?" Nakangising baling ko naman sakanya. Hahaha.

"Pasensya na Candice. Pero hindi ko na kasi kaya kung ipagpapabukas ko pa ito.." Hindi mapakaling sagot niya naman.

Enebeh! May bulate ba 'to sa tyan at tila palagi nalang hindi mapakali? Hihihi.

"Okay sige. Your 3 minutes starts.. now!" Pilyang sabi ko naman.

"Okay, Candice. Mahal kita. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ito. Pero noong unang kita ko palang sayo ay alam ko na ikaw na ang babaeng mamahalin ko." Nagmamadaling sabi niya naman. Aba'y utu-uto! Hahaha.

"Okay. 10 seconds.." Dagdag ko pa. Kahit nasa state of shocked pa ako ay pinilit ko paring mkapagsalita. Diosme. Torture po!

"Tito, tita." Baling niya kina mama at papa. Kaya naman agad silang lumingon sa kinaroroonan namin. "Hinihingi ko po ang permiso niyo. Mahal ko po ang anak niyo at liligawan ko siya nang may pahintulot niyo." Nakangiting pagpapaalam niya kina mama.

OMG! Totoo ba talaga itong mga naririnig ko? Mahal ako ng crush ko? Pero.. Hindi pwede..

Dahil buntis ako..

Sasagot na sana sila mama at papa ngunit agad akong nagsalita. Na ikinabigla naman nilang dalawa.

"Mabait ka, Six. Gwapo, mayaman, matalino. Pero sana maintindihan mo na hindi ako ang babaeng babagay sayo. Marami pang iba dyan. Yung babae na talagang para sayo." Malungkot na sabi ko sakanya kaya naman bigla ding lumungkot yung ekspresyon ng mukha niya. Gayundin sila mama at papa.

"Pero Candice.. Ikaw ang mahal ko.. Ikaw ang babaeng gusto ko.." Nagsusumamong sabi niya habang nakahawak sa kamay ko.

"Buntis ako Six. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila na isang disgrasyadang babae ang nobya mo?" Diretsong sabi ko habang nag-uunahan nanamang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko.

Mababakas naman ang pagkabigla sa mukha nila mama at papa. Dahil hindi ko pa ito nasasabi sakanila. Ayoko kasing pati sila ay mag-alala..

Maging si Six ay nabigla din. Pero nabawi din naman kaagad nung nagsalita siya ulit.

"I will father your child, Candice. Please give me a chance." Nangingilid na din ang luha ni Six habang sinasabi niya yan.

OMG. Ganito ba talaga ako kamahal ng lalaking ito? Pero nakakalungkot isipin na hindi ako ang babaeng para sakanya..

"Hindi, Six. Mabuti pa ay umuwi kana.." Malumanay na sabi ko sakanya.

"Pero Candice.." Pangungusap niya pa.

"Sinabi nang umuwi kana eh!" Matigas na sabi ko kaya wala na siyang ibang nagawa kundi tumalikod at nagpaalam sa mga magulang ko. At tsaka siya tuluyang lumayo.

"Buntis ka? Totoo ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni mama.

Tango nalang ang tanging naisagot ko sakanya..

"Sino ang ama? Akala ko ba ay matagal na kayong wala ng dati mong nobyo, Candice?!" Dagdag naman ni Papa. Galit siya. Alam kong galit siya.

Kaya naman kahit ayaw kong magkwento ay napilitan akong ikuwento sakanila ang lahat.. Ni isang pangyayari ay wala akong nilagpasan.

"DALHIN MO DITO ANG LALAKING YAN!" Matigas na sabi ni papa, pagkatapos na pagkatapos kong ikuwento sakanila ang lahat.

[End of Flashback]

See? Paano ko sasabihin at ipapaliwanag kay Sir Dale ang lahat ng ito? Ugh! Ang tange mo kasi Candice! Hindi ka nag-iisip! Hmp!

"Candice!" Tawag sakin ni Six kaya naman bigla akong nagulat.

Shet na malagkit! Bakit hindi ko napansin na nasa harap ko na pala siya? Patay!

"Uh. Six, may gagawin pa k-kasi ako. S-sige una na 'ko." Sabi ko habang hindi magkandamayaw kung ano ang gagawin ko kaya tumalikod nalang ako kaagad.

"Wait Candice!" Tawag niya tsaka niya ako hinawakan sa braso.

OH-MY! Wrong move! I'm gonna die. Sht!

PLEASE LUPA! KAININ MO AKO! SHEMSSS!

"Please Candice. Kausapin mo ako. Wag mo naman akong iwasan oh." Malambing na ngusap niya at tsaka niya ako iniharap sakanya.

"Huh? Ako? Umiiwas? Di noh!" Oh-kay. Sobrang defensive naman ata ng sagot ko? Hmp! Bahala na nga!

HMP! NASAAN NA BA KASI YUNG KNIGHT-IN-SHINING ARMOR 'KUNO' KO. HUHUHU.

KUNG KAILAN KAILANGAN KO, AT TSAKA HINDI DUMADATING! HMP!

"Please Candice.. Wag mo kong iwasan.. Hayaan mo lang akong mahalin ka." Bigla niya akong niyakap kaya naman naramdaman kong parang may pumatak na tubig sa balikat ko..

Oops! Umiiyak ba siya? Urgh! Ilang beses ko na bang napapaiyak 'tong lalaking ito? 

Kung pwede lang Six.. Kung kaya ko lang..

Ibabalik ko ang mga panahon at oras na nasayang..

'PARA MAS UNA NALANG KITANG NAKILALA.. KAYSA SAKANYA..'

***

-Strangelady08

//Please vote, comment and be a fan. <3

Our Sex Mistake [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon