OSM [12]: You Owe Me One

6.4K 97 30
                                    

CHAPTER TWELVE

Dale's POV

Sino ba namang mag-aakala na makakatagal pala sa akin yung babaeng 'to? Huh! Akalain mong mag-iisang buwan narin siya dito sa kumpanya ko. Tss! Isang buwan narin pala magmula nung pahirapan ko siya. Well, hanggang ngayon naman e.

But anyways, that serves her right! Binabayaran ko naman ang bawat segundong inaalay niya para sa trabaho niya diba? Di naman ako nagkukulang. In fact, sobra pa nga ang ibinabayad ko sakanya. Di siya makakahanap ng trabahong ganito kalaki ang kinikita. Kahit ata sa pagpuputa ay hindi siya makakahanap ng ganito kalaking pera. Kaya tama narin siguro yun para sakanya. At baka pagnagkataon ay tira-tira nalang ang kainin ng pamilya niya. HAHAHA. Kuwawang Candice!

Pero kulang pa yang nararansan niya. Walang-wala yan sa kalingkinan ng sakit na naranasan ko noon. Tss. Kung iniisip niyo na masama ako? Pwes! Isipin niyo na ang gusto niyong isipin.

Lahat ng nangyayari may dahilan. Kaya lahat ng ginagawa ko ay mayroon ding karampatang dahilan. Hindi ko naman siya basta nalang pahihirapan kung wala akong mabigat na rason, hindi ba?

Hindi ako ganoong klaseng tao. Galit ko sa mga babae pero alam ko parin kung ano ang ginagawa ko. Balang araw, maiintindihan niyo rin ako.

"CANDICE!" Pasigaw na tawag ko sakanya. Tss. Ang bagal kasing kumilos! Kala mo ay may pigsa sa singit! Napakabagal maglakad!

"B-bakit po, s-sir?" Nauutal na sabi niya habang aligagang papalapit sa akin.

At nagmamadali na siya sa lagay na yan ah? Tsk! Mga babae talaga! Kahit kailan ay hindi ko kayo maiintindihan! Kahit kailan ay hindi ko na kayo magagawang intindihan.

Tama na yung minsan na kong nagago. Tama na yung minsan na kong naloko. Hindi na maaring maulit pa yon.

"Ipagtimpla mo ako ng kape!" Sabi ko habang pinandidilatan ko siya ng mata.

"P-po? Pero sir, m-mainit na po ang p-panahon." Uutal-utal niya paring sagot.

Tsk. Ano ba ang problema niya at uutal-utal siya? Tss. Ganyan ba talaga kayong mga babae kapag ako na ang kaharap? Pasensyahan nalang pero wala akong pakialam! At tsaka ano ba ang pakialam nito ke mainit o hindi? Eh sa gusto ko siyang pahirapan eh!

"Gusto ko ng kape at wala ka nang pakialam don!" Nangangalit na sabi ko habang nakatingin parin ng matalim sakanya.

Tss. Bakit ba? Eh sa mas gwapo ako kapag mukhang galit eh! Hahaha.

"Y-yes sir. Sorry p-po." Sabi niya na tila nahihiya pa.

The heck! Hiya? Meron pa bang hiya itong babaeng 'to? Tss. Eh mukha ngang wala nang delikadesa eh. Kung makipaglandian sa gitna ng pagtatrabaho ganon nalang. Hiya pa kaya?! Psh. F*ck! What am I thinking?!

"Ano? Tatanga ka nalang dyan o ipagtitimpla mo ko ng kape?" Maangas na baling ko sakanya.

"E-eto na po. S-sorry po ulit sir. S-sorry po." Sabi niya na tila ba kinakabahan at tsaka mabilis na lumayas sa harapan ko.

Tss. Ang totoo niyan ay ayaw ko naman talaga ng kape. Ni hindi nga ako nauuhaw eh. Wala akong balak uminom ng kahit anong inumin. Ang gusto ko lang talaga ay mahirapan siya.

Makita ko lang kasing nahihirapan siya ay triple na ang sayang mabibigay nun sakin. At ang mas ikinaganda pa noon, alam kong hindi siya aalis sa trabahong ito. Dahil kagaya nalang ng sabi ni Clyde, nagmamakaawa daw ang babaeng yon ng sinabi niyang tatanggalan niya ng trabaho. Kaya hindi na ko magtataka kung bakit siya nagtitiyaga dito.. sa akin..

Our Sex Mistake [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon