OSM [8]: Problem

7.5K 73 5
                                    

CHAPTER EIGHT

Candice's POV

"You're fired, Candice!" Pagkatapos sabihin ni Sir Ethan ang mga katagang 'yan ay nag-unahan nang tumulo ang luha sa mga mata ko.

Hindi pwede.. Paano ko nalang bubuhayin ang pamilya at ang bata dito sa tiyan ko? Ako nalang ang inaasahan ng pamilya ko. Tapos mangyayari pa to?

"P-pero sir. M-may nagawa po ba ako?" Umiiyak na tanong ko kay sir.

Napatingin na din sa akin si Amethyst.. Isang malungkot na tingin. Pero bumaling din naman ang tingin niya kay sir na parang nangungusap na huwag na akong sisantihin.

"Oh, why are you crying Candice?" Nagtatakang tanong ni Sir Ethan.

Alam niyo yung feeling na nakakaurat na si Sir? Sino ba namang tao ang matutuwa kapag nalaman na tatanggalin na siya sa trabaho?!

Kahit boss ko siya, kating-kati na yung kamay ko na ibato sakanya 'tong stilletos ko.

"S-sir kahit ano po, gagawin k-ko. W-wag niyo lang po akong t-tanggalin sa trabaho." Nagsusumamong sabi ko kay sir. Habang paluhod na. Pero bigla akong natigilan nung magsalita si Amethyst.

"NO CANDICE! HINDI KA LULUHOD!" Bulyaw ni Amethyst.

Bigla nalang akong napatayo nang dahil nalang din sa gulat. Agad din naman siyang lumapit sa akin at  tsaka tumingin ng matalim kay Sir Ethan.

Akalain mong nagt-transform pala itong si Amethyst kapag naiinis? Kung pwede lang sigurong umusok ang ilong, umuusok na ang ilong niya ngayon.

"No Sir Ethan! You can't do that to her! You don't know how she feels right now. Hindi naman PO yata makatarungan na tatanggalin niyo nalang siya sa trabaho ng walang dahilan!" Inis na inis na sigaw niya kay Sir Ethan. Pinipigilan ko siya pero ayaw niya talagang magpaawat.

"I am not talking to you, Amethyst! Wag kang mamakialam dito!" Ma-awtoridad na sabi naman sakanya ni Sir.

"Bakit Sir Ethan, may alam PO ba kayo sa mararamdaman naming mga babae? Huh! Kunsabagay, hindi na pala ako dapat magtaka. Eh hindi ba't PARAUSAN lang naman ang tingin niyo sa aming lahat?! Pagkatapos ano? Iiwanan niyo nalang kami ng basta-basta!"

"I SAID SHUT UP! WALA KANG KARAPATANG PAGSALITAAN AKO NG GANYAN!" Sigaw naman sakanya ni Sir Ethan.

HESUSMARIYAHOSEP. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sakanila. Lahat yata ng Santo ay natawag ko na pero ayaw parin nilang tumigil. Ayoko naman nang dahil sa akin ay mawalan din ng trabaho si Amethyst.

"Bakit Sir Ethan? Masakit PO bang malaman ang katotohanan? Masakit bang ipamukha ko sainyo na--" Biglang naputol ang sasabihin ni Amethyst nung nagsalita si Sir Ethan.

"SINABI NANG TUMIGIL KANA EH! ANO BANG ALAM MO, EH ISA KA LANG NAMAN SA MGA BABAENG NAGING PARAUSAN KO?! NO MORE, NO LESS! KAYA WAG KANG UMASA!" Nakangising sabi ni Sir pero mahahalata mo ang galit sa mga mata niya.

Hala! Ayoko namang pati si Amethyst ay madamay sa problema ko. Pero sa tuwing aawatin ko naman sila, feeling ko makukunan ako. God! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko..

"Ha-ha-ha!" Pekeng tawa ni Amethyst at tsaka siya muling nagsalita. Pero this time, umiiyak na siya. "Edi lumabas din ang totoo. Wag PO kayong mag-alala sir, hindi niyo na PO ako makikita pagkatapos nito." Malungkot at nakayukong hayag ni Amethyst.

Binaling ko ang tingin ko kay Sir. Hindi na siya muling umimik kaya naman nagsalita na ulit si Amethyst.

"Hindi ko naman PO pinagsisisihan itong naging desisyon ko. Pero si Candice PO, kailangan niya ng trabaho. Inaasahan PO siya ng pamilya niya. Lalo na ngayon, na nagdadalang tao na siya. Kailangan niya ang trabahong ito dahil hindi PO siya kayang panagutan nung lalaking naka-one night stand niya. Concern lang po ako sa kaibigan ko kaya ko sinasabi ito. At alam ko po ang nararamdaman niya dahil babae din ako. Wag PO kayong mag-alala. Bukas na bukas din ay ipapadala ko ang resignation paper ko para maayos na ito." Mahinahong sabi ni Amethyst at tsaka kinuha yung bag niya.

Kahit ako ay natulala nalang din sa mga sinabi niya. How can I forget this girl? Sobrang swerte ko nalang at nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya niya.

Pero bago pa siya tuluyang lumabas ng opisina ni Sir ay huminto muna siya at tsaka pinunasan yung luha na kanina pa tumutulo mula sa mga mata niya.

"Goodbye, SIR." Sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Sir at tsaka ngumiti ng pilit.

At tsaka naman niya binaling ang tingin niya sakin. "Goodbye, Candice. Yung promise mo ah? Kukunin mo akong ninang ng anak mo! Wag mo kong kakalimutan ha?" Tumulo nanaman ang luha sa mga mata niya at tsaka niya ako niyakap. Kumalas din naman siya kaagad at tsaka muling sumulyap sa kabuuan ng opisina ni Sir Ethan.

Pagkatapos noon ay tuluyan na siyang umalis.

Ilang sandali pang natulala si Sir bago siya nakapagsalita ulit.

"Buntis ka daw. Is that true, Candice?" Mahinang pagtatanong niya sa akin.

"Uh. Y-yes sir." Nauutal kong sagot. Nahihiya din kasi ako dahil baka isipin pa ni Sir ay napaka disgrasyada kong babae.

"Okay. But I'm still going to fire you." Mahinahong sabi niya sakin.

"But, s-sir!" Pagpupumilit ko pa.

"I need to do this. Because my friend, Dale. Wants you to be his personal secretary." Maawtoridad na sabi niya.

"P-po?" Nagtatakang tanong ko pa.

"You heard it right, Candice. That's all. You may now evaporate." Seryoso pero walang kaemo-emosyong utos ni Sir Ethan.

Ngayon, hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari. Kanina ay ipinatawag ako ni Sir Ethan pero pagdating ko ay isang milagro ang naabutan ko. Pagbalik ko naman isang pagtatalo ang nangyari at nadamay pa si Amethyst. Ngayon naman, malalaman ko na kaya niya ko sinisisante dahil gusto akong maging isang personal na sekretarya ng kaibigan niya? But why?!

God! I am really confused! Who the fuck is Dale?

***

-Strangelady08

//Please vote, comment and be a fan. :)

Our Sex Mistake [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon