CHAPTER THIRTEEN
Candice's POV
Ngayon ay hindi ko na talaga maintindihan si Sir Dale. Yung pagligtas at paghalik niya sa akin? Hindi ko alam kung bakit niya yon ginawa.
Hindi ko din alam kung kailan siya mabait at kung kailan siya masungit. Napaka-unpredictable niyang tao. Kagaya nalang nung nangyari nung nakaraan.
Hindi ko alam kung sadyang pinahihirapan niya ako nung araw na yon. O talagang naiba lang ang gusto niya.
Geez! Sobrang kinabahan ako non dahil akala ko mangyayari at magkakatotoo yung panaginip ko. Siguro nandoon nga 'yung may parte sa panaginip ko ang naging totoo. Pero nagpapasalamat parin ako dahil walang nangyaring masama sa amin ng anak 'ko.
Aminin ko man at sa hindi, pero talagang may itinatago palang kabaitan si Sir Dale kahit papaano.
Siguro nga madalas mala-demonyo at magaspang ang ugali niya. Pero minsan naman lumalabas yung mala-anghel at mabuting ugali niya.
He's really unpredictable but he's my knight in shining armor.
Whatda! Ano daw?
Kita mo itong subconscious ko. Palagi nalang akong tinututulan. Hindi marunong makisama. Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah.
Kahit papano may utang na loob parin ako kay Sir Dale. Kahit palaging may PMS yung lalaking 'yon no. Hmp.
Tulad nalang ngayon. Kahit papaano parang nabawas-bawasan na yung pagiging suplado niya.
"Candice, we need to talk. Go to my office after your break." Mahinahong sabi niya habang nakapamulsa pa yung isa niyang kamay.
Teka! Break? Ohmygod! Pinagbe-break ba talaga ako nitong gwapong nilalang na nasa harapan ko? AMAZING.
Pero.. Panigurado, mamaya ay masungit nanaman 'to sakin. Hmp. Lakas maka-moodswing ng gwapong nilalang na 'to. Shems.
Pero infairness ha! Mas maaliwalas tingnan ang mukha ni Sir ngayon. Tsk. Mas peg ko siya kapag ganyan lang ka-firm ang mukha niya eh. Hmp! Sarap halayin! Haha. Biro lang! Hihihi.
"Yes sir." Sagot ko naman at tsaka ko siya nginitian.
Wait! Nginitiin din niya ba ako pabalik? Ohmygolly! This is so HEAVEN.
Sa sobrang tulala ko hindi ko na namalayang nakaalis na pala siya sa harap ko. Shet na malagkit! Si Sir Dale ba talaga ang lalaking iyon?!
Hindi ko talaga lubos maisip! Waaah~ Air pleaseee! Sabay kunyaring paypay ko sa sarili ko. Huu.
Ano nanaman bang kaartehan yan Candice? Pagtutol ng sub-conscious ko! Hmp. Kahit kailan talaga ay napaka kontrabida nito. Minsan na nga lang akong maging masaya, tututulan pa. Napaka KJ!
Tutal naman break na. Hindi na ko nagdalawag isip pa na i-grab yung oppurtunity. Mabilis na akong pumunta sa cafeteria. Mahirap na ano! Baka magbago pa ang isip ni Sir at hindi nanaman ako makakakain!
Tsk. Naaawa na nga ako sa sarili ko, e. Naging buto't balat na ako mula nung magtrabaho ako dito. Pero wala naman akong magagawa dahil kahit na ganito ang nangyari sakin ay nagpapasalamat parin ako dahil may nakakain ang pamilya ko.
"Candice!" Tawag sakin ni Six. Haha. Alam kong siya yan kahit di ko pa nakikita. Ang masculine ng boses e. Hihihi.
Lilingunin ko na sana siya kaya lang paglingon ko nasa harapan ko na pala siya. Oh shet na malagkit! Kung wala siguro ako sa katinuan, kanina pa tumulo na laway ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/10079866-288-k324687.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Sex Mistake [HIATUS]
Ficção GeralSEX MISTAKE. That's how they call it. FUCKING MISTAKE. That's how they hate it. STUPID MISTAKE. That's how they regret it. Because of that FUCKIN' STUPID SEX MISTAKE, they are both suffering. Pero forever nalang ba nilang kamumuhian ang isa't-isa...