OSM [5]: Not So Sure

8.3K 76 2
                                    

CHAPTER FIVE

Candice's POV

"Candice, okay ka lang ba? Ang pale ng kulay mo ah." Tanong sakin ng isang ka-office mate ko.

Sa totoo lang ay hindi talaga maayos ang pakiramdam ko. Ilang araw na din kasing ganito ang lagay ko.

"Ah. Oo, ayos lang ako. Wag mo nalang akong intindihin." Sabi ko at tsaka ko siya nginitian.

"Sigurado ka ba? Gusto mong tulungan na kita?" Dagdag niya pa na may halong pag-aalala.

"Naku! Wag na. Kaya ko na 'to. Salamat nalang." Pagpupumilit ko naman.

"Okay. Basta kapag kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang ah?" Kalmado pero mahahalata mo parin ang pag-aalala niya.

Tumango lang ako sakanya. Tapos ay bumalik na siya dun sa cubicle na ino-occupy niya. Bumalik na din naman ako sa ginagawa ko kahit pa sobrang sama ng pakiramdam ko.

Para kasing babagsak ako anytime. Which is really weird dahil kahit naman nagkakasakit ako dati ay hindi ganito ang nararamdaman ko.

Nung mga nakaraang araw, palagi nalang akong nasusuka na parang hindi ko malaman kung bakit kasabay pa non ang biglaang pagkahilo na nararamdaman ko.

Hindi ko din naman magawang magpatingin sa doktor dahil sayang lang din iyon sa pera. Ilang gamot narin ng papa ang mabibili ko doon kung sakali man.

Hindi naman pwedeng lumiban ako sa trabaho at eskwela nang dahil lang dito sa nanararamdaman ko.

Hay, Candice! Ano na ba talaga ang nangyayari sa iyo?!

Mabuti nalang, lunch break na ngayon.

"Candice pa-share ako ah?" Masayang salubong sa akin ni Amethyst. Kaya  tinanguan ko nalang siya.

Mag-isa lang kasi akong kumakain ngayon sa cafeteria.

Ang totoo nyan ay pinipilit ko lang talagang kumain. Hindi ko kasi maintindihan 'tong panlasa ko. Para kasing may gusto akong kainin na hindi ko naman malaman-laman kung ano.

--

"Candice, okay ka lang ba? Hindi mo kasi ginagalaw iyang pagkain mo." Tanong sakin ni Amethyst habang kumakain siya.

Kanina pa kasi ako nakatunghay sakanya at hindi ko pa din ginagalaw yung pagkain na binili ko.

Sa unang tingin ay mahahalata mo na nangayayat din ng sobra si Amethyst. Gaoon nalang din siguro ang hirap at pagod niya bilang isang personal na sekretarya ni Sir Ethan.

Sino ba naman kasing babae ang hindi mapapagod kung ang boss mo ay ang CEO at nagmamay-ari nitong kumpanya, hindi ba? Kabi-kabila pa ang utos. Mabuti nalang, hindi sumusuko si Amethyst.

Nama-managed niya pa ngang ngumiti na talaga namang mas lalo pang nagpapaganda sakanya.

Hindi katulad ko na sobrang pale ng kulay. At kahit siguro pilitin kong ngumiti ay wala pa ring magbabago.

Tutal naman ay tinatanong ni Amethyst ang lagay ko, hindi naman siguro masama kung sakanya ko sabihin diba? Siya naman kasi ang pinakamalapit sakin kumpara doon sa iba ko pang katrabaho..

"Sa totoo lang ay hindi talaga maganda ang pakiramdam ko, Amethyst. Ni hindi ko na nga alam kung ano na ba ang nangyayari sakin." Nanlulumong sabi ko sakanya habang nakatingin lang siya sakin.

"Hindi ka nalang dapat pumasok pa, Candice. Gusto mo ba ay ipagpaalam nalang kita?" Alalang-alala na tanong niya sakin.

"No need. Kaya ko pa naman." Pailing-iling na sagot ko sakanya at tsaka ako bahagyang ngumiti.

"Ano ba ang nararamdaman mo? Hindi kaya dahil sa sobrang pagtatrabaho na yan?" Tanong niya pa sakin, na bigla ko namang ikinatawa.

Akalain mong napapansin niya ang pagbabago sakin. Samantalang, siya yung sobrang pumayat. At pagbintangan ba naman akong sobrang subsob sa trabaho, samantalang siya yung kaliwa't kanan ang ginagawa.

Napailing nalang ako sa naisip ko. Kaya naman talagang hindi na ako magtataka kung bakit napalapit sakin yung babaeng 'to eh. Siya yung tipo ng babae na mas mag-aalala pa sa ibang tao kesa sa sarili niya.

She's really a kind of girl that is willing to give up her own happiness for the sake of other people. Kakaiba siya. Ang swerte nalang din siguro nung lalaking mapapang-asawa niya.

Tumingin naman siya sakin na parang nagtataka kung bakit ako natawa. Kaya naman nag gesture nalang ako na wala lang yon. At tsaka nag-umpisang sagutin ang tanong niya sakin.

"Amethyst, to be honest, I really don't know what's happening to me. Palagi nalang kasi akong naduduwal tuwing umaga, these past few days. Madalas ko din maramdaman ang biglaang pagkahilo, which is really weird. Tapos may araw din na parang iba yung timpla ng sikmura ko. Morning sickness, I think. Minsan kasi--" Naputol ang paglilitanya ko nang mapansin kong hindi siya mapalagay duon sa sinasabi ko.

Binigyan ko naman siya ng anong-problema-look. Kaya naman nagsalita na siya.

"A-are you serious about that, Candice?" Hindi mapakaling tanong niya kasabay ng pag-inom ng tubig.

"Of course, I'm hell serious." Walang kagatol-gatol na sagot ko sakanya.

"H-hindi kaya.. hindi k-kaya.. BU-BUNTIS ka, Candice?" Kinakabahang sabi niya pa.

Bigla na namang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Pati ang balahibo ko sa down there ay tumayo na din.. Same feeling nung nagkita kami. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot.. Pero mabilis din naman akong napaisip. Nahihilo, palaging naduduwal, naglilihi..

HINDI NGA KAYA BUNTIS AKO?!

***

-Strangelady08

//Vote, Comment and Be a fan :)

Our Sex Mistake [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon