OSM [15]: Business Trip

4.5K 82 9
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Candice's POV

"Tama na ang landian! Candice, go to my office.. NOW!" Bulyaw ni Sir Dale nang makita niya kaming magkayakap ni Six.

Tingnan mo itong Knight-in-shining-armor 'kuno' ko! Unpredictable na nga, wrong timing pa! Tch! Nakakaletche lang diba? Ang sarap i-flush sa inidoro! Hmp!

"S-sir!" Gulat na bulalas ko naman at tsaka ako humiwalay sa yakap ni Six.

Tss. Kung kailan mo talaga kailangan at tsaka ayaw lumitaw! Kapag hindi mo naman hinahanap at tsaka kusang lumalabas! Tsk! Hay buhay! Why so hard? HARD? Teka! Parang iba ang naisip ko doon ah? Hihihi.

Pwe! Ano nanaman bang pinag-iiisip mo Candice?

Ay letche talaga 'tong kontrabidang sub-conscious na 'to!

"What are you waiting for? MOVE!" Bulyaw niya ulit. Dahilan upang hind nanaman ako magkandaugaga sa pagkilos.

"O-opo sir." Nakayukong sabi ko naman at tsaka tuluyan nang nagdirediretso na sa opisina niya.

"Don't treat her like that, Sir Dale!" Kampante ngunit may diin ang pagkakasabi ni Six kay Sir Dale. Dahilan upang mapatigil ako sa parte kung saan hindi nila ako makikita.

Uh-oh. May hindi ba ako alam?

"Huh! And why would I do that?" Nakangising saad ni Sir Dale habang mas lalo pa siyang lumalapit kay Six.

This time, magkaharap na talaga sila. Mata sa mata. Nagsisimula na silang magsukatan ng tingin.

Ilong sa ilong. Nagsisimula na silang amuyin ang hininga ng isa't-isa.

At labi sa labi. Nag-uumpisa na silang.. maghalikan..

Teka? Maghalikan? Pwe! Ano nanaman bang pinag-iiisip mong kalokohan Candice!

"You just have to be transparent, Sir Dale. Matuto kang makaramdam!" Seryosong sabi parin ni Six habang nagsusukatan parin sila ng tingin ni Sir Dale.

"At sino ka naman para diktahan ako?" Seryosong-seryosong bulalas ni Sir Dale.

Tsk! Ayaw na ayaw niya talagang pinakikialaman siya. Samantalang, napakapakialamero niya naman. Lahat ba pinakialaman! Kulang nalang yata ay pati ang pagsusuot ko ng panty ay pakialaman niya na rin eh!

Tch! He really wants to invade one's privacy samantalang kung mamakialam siya sa pribadong buhay ko ay ganon na lang!

Kung makasita sa akin, akala mo siya na ang may hawak ng buhay ko! Pati narin kung makapag-utos ay tila sakanya nalang dapat umikot ang mundo ko! He's really unfair and selfish yet.. I still owe him alot. Tss.

"Hindi mo na kailangan pang malaman Sir Dale. Time will come, and the truth shall come out." Sabi ni Six at tsaka tuluyan nang lumayo. Agad din naman akong nakahinga ng maluwag.

Six left him dumbfounded.

Waaah~ Akala ko talaga ay sasabihin niya kay Sir Dale na buntis ako. Mabuti nalang talaga at hindi! *heavy sigh*

At kagaya nga ng sabi ko, umalis na si Six kaya naman naramdaman ko na pabalik na din si Sir Dale sa opisina niya. Emeghed! Patay ka ngayon Candice!

Dali-dali ko namang hinubad ang sapatos kong de takong at tsaka naka-tip toe na lumakad papunta sa opisina si Sir Dale.

Mabuti nalang at tila siya namamasyal sa Luneta kung lumakad kaya naman hindi niya ako naabutang aligagang nagsusuot ng sapatos dito sa opisina niya. *sigh* Medyo ninja moves din ako doon ah! Kakasira ng poise! hmp!

"CANDICE!" Tawag niya sa pangalan ko. Oh. He's already here. Kaya naman agad akong napatayo mula sa pagkakaupo.

"P-po?" Hindi mapakaling sagot ko naman. Err! Bakit ba sa tuwing kausap ko ang lalaking ito ay palagi nalang namimilipit ang dila ko? Shems!

"I have a business trip tomorrow." Seryosong sabi niya naman habang nakaupo doon sa swivel chair niya at malimit na nakatitig sa akin.

OMG! Shet na malagkit! Huwag mo akong titigan ng ganyan Sir Dale at baka mapasana ka sa listahan ng mga lalaking gusto kong halayin. Hihihi.

"And what do you want me to do?" Out of the blue na sabi ko kaya naman biglang napakunot ang noo ni Sir Dale.

Ay letche! Ano ba ang nangyayari sa akin? Ngayon na nga lang ulit ako nakapagsalita ng diretso. Tapos, kung anu-ano pa ang namumutawi sa bibig ko. Tss!

"Uhm! I mean... Ano po ang pwede kong gawin Sir? Hehehe." Kakamot kamot na ulong sabi ko. Shems! Nakakawala na talaga ng poise ah. Hmp!

"I'll drive you home, para makakuha ka ng mga gamit at damit mo." Seryosong sabi niya parin habang nakatingin sa akin ng malagkit. OMG! May dumi ba ako sa mukha? Gaaah! Nako-conscious tuloy ako! Hmp.

"A-ano po?" Naguguluhang tanong ko parin kay Sir. Eh sa hindi ko talaga siya magets e. Enebeh!

"Mamaya na ang flight natin, Candice." Dagdag niya pa ulit.

"Natin? Pero b-bakit po?" Takang takang tanong ko parin sakanya. Err!

"Damn! I have a business trip Candice! And I want you to be there also. Baka nakaalimutan mo, you are my personal secretary!" Sabi niya at tsaka siya tumayo sa swivel chair na kanina lang ay inuupuan niya. "At sasama ka sakin, sa ayaw at sa gusto mo." Bulong niya sa tenga ko kaya naman tila nagtaasan ang mga balahibo ko.

Sasama ka sa akin, sa ayaw at sa gusto mo.

Sasama ka sa akin, sa ayaw at sa gusto mo.

OMFG!

ANO BANG KLASENG PAGPAPARUSA ANG GINAGAWA MO SA AKIN, SIR DALE!

***

-Strangelady08

//Please vote, comment and be a fan. ;)

Our Sex Mistake [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon