Part 1 - Cruelty Is Absurd

243 11 8
                                    

"Cassandra!!!"

Napatigil sa pagsusuot ng uniform si Cass nang marinig ang malakas na sigaw ng tiyahing si Aling Mary. Siguradong may iuutos na naman ito.

'Anak ng tipaklong naman o!' Mali-late na siya sa pinapasukang factory ng condiments. 15 minutes pa naman ang biyahe papunta roon.

"Andiyan na ho!"

Patakbo siyang bumaba ng hagdan at nasalubong ng mga mata ang galit na mukha ng tiyahin.

"Ano na naman ang ginawa mo? Tingnan mo itong damit ng Ate Claudia mo. May mantsa pa rin! Di ba pinatanggal ko 'to sa 'yo?"

"Eh hindi ho matanggal. Tsaka sabi niyo huwag kong pilitin at baka mapunit..."

"Aba't-sasagot ka pa!"

Hinampas siya nito ng damit na hawak. Mabilis siyang umiwas at tumakbo paikot sa tiyahin.

"Uulitin ko na lang ho mamayang gabi! Mali-late na ho ako! Sige kayo, wala na kayong pambili ng lotto tickets at pangmadyong pag nabawasan ang sweldo ko...!"

Para namang natauhan ang tiyahin at tiningnan siya ng may pagdududa. Kapagdaka'y nagsalita.

"Siguraduhin mong gagawin mo! Pag hindi, kakalbuhin kita!"

Patakbo siyang umakyat ng hagdanan at kinuha ang backpack at walang lingon-lingong lumabas ng bahay.

Muntik na siyang ma-late. Buti na lang at nakasakay siya kaagad sa dumaang jeep.

Habang bumibiyahe, napapaisip siya. Bakit ba naman sa dinamidami ng mga kaanak na puwedeng pag-iwanan ng nanay niya sa kanya, sa tiyahin pang ubod ng lupit at sungit.

OFW ang nanay niya sa Hongkong. Umalis ito noong 5 years old pa lamang siya. At dahil disgrasyada ito, wala siyang nakagisnang ama. Mag-iisang taon pa lamang ang nanay niya noon sa abroad nang mamatay ito dahil sa aksidente. Ang lahat ng perang naiwan ay sa tiyahin niya napunta. May isa itong anak na babae. Si Claudia, matanda ito sa kanya ng apat na taon, na ubod naman ng suplada at sunod sa layaw. Ang asawa ni Tiya Mary ang kapatid ng nanay niya at nang mamatay naman ito ilang taon matapos mawala ang nanay niya, nagbago ang lahat.

Ginawa siyang alila sa bahay. Ala-cinderella story 'ika nga. Ang pinagkaiba lang, mula ng magkaisip siya, natuto siyang lumaban sa mga kalupitan ng mga ito sa kanyang sariling mga paraan. Kaya imbes na masaktan, nauutakan pa niya ang mga ito.

Magna-nineteen na siya sa susunod na buwan ngunit tulad ng dati, siguradong kahit papansit ay wala. Lahat ng mga gamit niya ay hand-me-down mula kay Claudia. Ibinibigay niya ang sahod sa tiyahin at ang naiiwan lamang ay ang mga kinukupit niyang galing overtime.

Kung tutuusin, hindi naman talaga mahirap ang buhay nila. May naiwang pera noon ang tiyuhing seaman at iyon ang ipinatayo ng mini-grocery store at isang dry-cleaning shop na tiyahin naman niya ang nagmamanage dahil ayaw siyang pahawakin ng kita nito at baka raw kupitin niya. Ang hindi alam ng tiyahin, madalas itong kupitan ni Peter, and pinagkakatiwalaang driver. Hindi sila magkasundo ni Peter, na halos limang taon ang tanda sa kanya. Arogante ito at may pagkamanyakis. Palagi niya itong nahuhuli na sinisilipan ang Ate Claudia niya at marahil siya din pero dahil walang ebidensiya, ayaw naman siyang paniwalaan ng tiyahin.

Minsan, dahil sa inis niya dito, nilagyan niya ng sili at langgam ang lahat ng underwear nito. Ilang araw ding halos hindi makalakad ng tuwid ang driver ngunit dahil hindi alam kung sino ang may gawa, napagalitan pa ito ni Aling Mary. Ilang beses ding hinaluan niya ng pampapurga ang mga iniinom nito na lalong ikinagalit ng tiyahin at sinabing baka may engkantong nagtitrip dito. Lihim siyang nag-eenjoy sa mga pagkakataong ito at kahit papaano, nakakaganti siya sa manyakis na driver.

Matapos mailagay ang sariling gamit sa locker, lumabas na si Cass sa kuwartong para sa mga babaeng manggagawa. Nakasabay niya sa paglalakad ang kaibigang si Maila. Hindi naman sila masyadong close na maaari niyang pagsabihan ng mga problema pero kahit sa mga simpleng bagay lang ay may nakakausap siya na pinapagsalamat niya dahil baka mabaliw siya sa kakaisip kung paano malalagpasan ang pang-araw-araw na buhay kasama ang tiyahin at pinsan.

"Ang lagay ba namang iyan, uuwi ka na matapos ang work mamaya? Hindi ka na naman sasama sa happy hours?"

Napailing siya at natawa sa pagngiwi ng mukha ng babae. "Kayo na lang. Alam mo namang di ako mahilig diyan, di ba?"

"Bahala ka. Pero pag nagbago ang isip mo, sabihin mo lang..."

Nagpasamat siya dito at nag-umpisa nang magtrabaho. Ang totoo, gustong-gusto na niyang sumama sa mga ito at mag-enjoy din tulad ng isang ordinaryong teenager, pero wala naman talaga siyang matatawag na 'close friend'. Lumaki siyang palagi na lang nasa bahay at nagtatrabaho. Kung lumalabas man, iyon ay kung kasama ang tiyahing mamalengke at maging alalay ni Claudia sa pagsa-shopping nito.

Hay, ang Ate Claudia niya. Ubod ng ganda. Sexy. Matangkad. Sopistikada. Suplada. Pumipila ang mga manliligaw. Mayayaman pa. Pero dahil maganda nga, kahit minsan binabastos na ng pinsan ang mga ito, sige pa rin sa panliligaw.

Talagang mapagbiro ang tadhana.

Ni isa, walang may nanliligaw sa kanya. Kung may magtatanggka man siguro, makita lang isang beses si Claudia, aabout-faced kaagad ang mga ito at parang mga asong ulol na maglalaway.

Lagi niyang iniisip noong maliit pa siya, marahil, paglaki niya may magkakagusto rin sa kanya.

'Nah!' Imposible na siguro. Sinong magkakagusto sa babaeng walang naabot sa buhay... Wala siyang natapos na kurso. Nakasecond year man siya sa business management course, wala namang tumatanggap kung nag-aapply siya ng trabaho noon. Kulang daw siya sa mga qualifications. Gusto man niyang magpatuloy ng pag-aaral, ayaw siyang payagan ng tiyahin dahil wala na raw perang panggastos at saka sapat na daw na nakatapak siya sa 'college'. Malaking bagay na daw iyun para sa babaeng nag-aambisyon e, wala namang kakayanan.

Naku, kung di lang may paggalang pa siyang natira para kay Aling Mary bilang tiyahin, matagal na niya itong kinalbo sa sobrang inis. Anong walang panggastos? Malaki kaya ang perang nakuha sa pagkamatay ng nanay niya... hindi siguro bababa sa isa't kalahating milyon. Sapat para makatapos siya ng pag-aaral.

Alam naman niya kung saan napupunta ang pera niya at ang kita ng mga negosyo ng tiyahin: kay Claudia. May karapatan ba siyang mainggit? Palagay niya, wala.

Iyung buhayin na lang siya ng tiyahin at hayaang lumaki ay sapat na. Ipinagpapasalamat na rin niya na kahit hindi sila magkadugo, hindi siya nito iniwan sa kalye o kaya ay ipinamigay noong maliit pa siya. Okey na ring 'hand-me-downs' ni Claudia ang napupunta sa kanya. At least, branded...

Hehehe... para siyang baliw na lalaitin ang tiyahin at pinsan sa isipan pero siya rin ang magtatanggol.

Kung puwede lang sanang makagawa siya ng paraan para tuluyang makaalis sa poder ng mga ito na hindi nakokonsensiya na iwanan ang taong nagpalaki sa kanya...
===========================
Hello mga friends!
So how's your day? Hope you're enjoying the beginning at hindi masyadong boring...
Update/s will be on friday with one or more chapters.
Have an awesome week, everyone! :)

Wanted: Replacement BrideWhere stories live. Discover now