Part 12- Hot, Quite Hot

81 6 0
                                    

Lasing si Brennan. Iyon ang unang napansin ni Cass nang masalubong ito sa porch ng mansiyon. Nangangamoy alak at susuray-suray ito. Gusot ang damit at namumungay ang mga mata habang nakatingin sa kanya.

"Hello, Honeybunch... Good evening to my wife-to-be..."

Marahil nangudngod na ito sa marmol na sahig kung hindi agapang naalalayan ni Cass. Awtomatikong napayakap sa kanya ang lalaki at napatawa.

"Ang bango ng Honeybunch ko... Sinong mag-aakalang susuwertihin ako. I must be the ... luckiest guy in the world..." nabubulol na sabi nito.

"Bubuntalin kita kapag di ka tumahimik diyan. Masyado nang magulo ang araw ko para dumagdag ka pa." sabi niya habang inaalalayan si Brennan na makaupo sa pinakamalapit na couch ngunit hindi pa rin siya nito binitawan kahit na itinutulak niya palayo ang katawan nito at nagpupumiglas siya.

"Bitawan mo na ako, Brennan. Lasing ka lang..."

Lalong humigpit ang pagkakayapos nito sa kanya. "No, no, Honeybunch... I'm not drunk. I'm just happy..."

Walang nagawa ang dalaga kundi bumuntunghininga at hayaan ito sa ginagawa. Pamayamaya pa, lumuwag ang pagkakayakap nito  at lumaylay ang ulo sa kanyang balikat.

Napailing ang dalaga.

"Iinom-inom, di naman pala kaya... mabuti at nakauwi pa..."

"Sige na Domeng. Tulungan mo na ang young master na umakyat sa kanyang silid at nang makapagpahinga na rin si Miss Cassandra..."

Hindi napansin ni Cass ang paglapit ni Miss Linda. Ang pagkakapusod ng buhok nito kahit gabing-gabi na ay nagbigay dito ng napakaistriktong mukha at maging siya ay nailang dito.

"Salamat po, Miss Linda..."

Bahagyang yumukod ang katiwala. "Huwag mo pong sabihin 'yan, Miss Cassandra. Obligasyon kong pangalagaan ang lahat ng nakatira sa mansiyon. Bilang katiwala buong puso po akong maglilingkod..."

Walang kaemoemosyon sa mukha nito kahit lumabas sa mga bibig nito ang mga katagang iyon. Lihim na napangiti si Cass ngunit hindi iyon nakaligtas sa mga mata ng katiwala. Tumikhim ito.

"Hmmm... Magpahinga na ho kayo, Miss Cassandra. Masyado na akong maraming nasabi."

Yumukod uli ito at senyales na iyon para umalis si Cass. Napasunod siya sa driver na tinutulungan si Brennan na makalakad ng tuwid.

"Honey-bunch..."

Nagkatinginan sila ni Mang Domeng.

Medyo napapalakas na ang boses ng lalaki kaya't walang alinlingang tinakpan niya ang bunganga nito ng sariling kamay habang sumasabay siya sa paghakbang ng dalawa.

Narating nila ang silid nito nito. Binuksan niya ang pinto at tinulungan na si Mang Domeng na akayin sa kabilang braso si Brennan para maipasok ito.

Kahit hirap, madali nilang narating ang kama ni Brennan na nasa gitna ng malawak na silid. Sumenyas si Cass kay Mang Domeng na bitawan ang lalaki. Bumagsak ito sa kama na tulog. Umiling na lang ang dalaga at nagpasalamat driver. Para namang nahihiyang ngumiti ito at lumabas na ng silid.

Napasunod ang mga mata ni Cass dito at malungkot na bumuntunghininga. Wala siyang makikitang kasanggang balikat sa bahay na ito. Lahat naiilang sa kanya. Lahat umiilag. Lahat ayaw makipag-usap sa kanya sa takot na mapagalitan at mapaalis sa trabaho.

"Ummmm...."

Ang ungol na iyon ni Brennan ang nagpabalik ng atensiyon niya dito. Tulog pa rin ito at sa ayos nito, siguradong hindi na ito magigising hanggang umaga.

Wanted: Replacement BrideWhere stories live. Discover now