Part 5- Praying For A Miracle

86 7 0
                                    

*Above - how Cass' skirt looked like.

---------------------------------------------------

"Pu-puwede sa ano, Tiyang?"

"Dangan nga na pabigat ka lang dito at para makabayad ka naman ng utang na loob sa akin, ikaw ang magpapakasal doon sa anak ng kaibigan ni Mareng Trinnie..."

"Ho?!"

"Narinig mo ako, Cassandra. Ikaw ang papalit sa Ate Claudia mo. At wala kang karapatang tumanggi. Nagkakaintidihan ba tayo?"

Napaatras si Cass sa nakitang pandidilat ng mga mata ng tiyahin.

Oh no! Hindi puwede! Magpapakasal siya sa di niya kilala? Papaano na ang mga pangarap niya? Papaano naman ang mga kagustuhan niya? Hindi naman maaaring ang tiyahin niya ang magdesisyon ng lahat sa buhay niya... ano ang gagawin niya ngayon?

"Hep! Huwag kang mag-isip! Hindi kita pinapayagang mag-isip! Sundin mo lang ang gusto ko!"

"Pero, Tyang..."

"Pag hindi mo sinunod ang kagustuhan ko, at makukulong ako dahil sa 'yo, dila mo lang ang walang latay..!"

Tumayo ito at hinablot ang mahaba niyang buhok.

"Aray, Tyang!"

"Susunod ka o hindi?!"

Hinila-hila ng tiyahin ang buhok niya.

"O-oo na... bit-bitiwan mo lang ako..."

Binitawan siya ng tiyahin at nameywang sa harapan niya. Nahawakan niya ang ulo. Muntik nang matanggal ang buhok sa anit niya ah.

"Mabuti! Kailangang magtanda ka... aalis tayo sa lalong pinakamadaling panahon. Kailangan harapin natin ang mga Rostiales..."

"Tyang," tawag niya sa papalayong tiyahin. "hindi ho ako si Ate Claudia. Malalaman ng lalaki na hindi ako si Ate Claudia..."

Tiningnan siya ni Tiya Mary at bumaling ito kay AlingTrinnie.

"Huwag kang mag-alala, Cass. Ma-pride ang pamilyang iyon. Kahil hndi ikaw si Claudia, okay lang sa kanila. Ang importante, may magpapakasal sa apo nila... Galing ka naman sa mabuting pamilya... Kahit-kahit hindi mapera, okey na rin iyon..."

Nakakunot ang noong tiningnan lang niya ang babae. Hindi makapaniwalang nangunot ang kanyang noo.

Ganoon lang ba kasimple iyon?
=======

"Halina kayo. Bilis. Nakakatakot mainis iyung mother-in-law ng kaibigan ko..."

Sumunod sila ni Tiya Mary kay Aling Trinnie papasok sa isang exclusive members-only golf club. Ang skirt na suot niya, na skirt ng Ate Claudia niya, ay pilit niyang hinihila pababa habang naglalakad. Kulay maroon iyon at body fit na hanggang tuhod at tinernuhan niya ng sariling dark blue na sleeveless blouse.

Tigilan mo 'yan..." Pagigil na hinampas ni Tiya Mary ang kamay niya. "Umayos ka."

Walang nagawa si Cass kundi tigilan ang ginagawa at parang asong bumuntot sa tiyahin.

Pinapasok sila ng attendant sa isang private parlor. Malaki ang silid at napapaligiran ng salaming dingding. Kita ang view ng golf course dahil nasa second floor sila ng building. Sa gitna ng silid ay ang malaking antique 12-seater table with plush seats na kulay royal red.

Napako ang paningin niya sa isang may edad na babaeng nakaupo sa dulo ng mesa. Napakaelegante ng suot nitong royal blue na long sleeve na damit na lampas tuhod. The greying hair was in neat tight bun at may suot na kuwintas at hikaw na diyamante. Ang isang daliri nito ay may singsing na may malaking bato.

Wanted: Replacement BrideWhere stories live. Discover now