Part 3- The Stalker And The Stalked

85 7 2
                                    

Grabe ang kaba ni Cass kahit nang nasa trabaho na. Sinong mag-aakala na ke aga-aga eh, may ganoong krimen na nangyayari sa daan? Hindi niya alam kung ano ang balak ng lalaki pero dahil sa hawak nitong kutsilyo, maaaring gusto nitong saksakin ang driver o manghoholdap.  Matapos silang interbyuhin ng pulis at kunin ang mga address ng mga pasaherong naiwan sa eksena ay pinaalis na sila. Nagpalinga-linga pa nga siya at baka umaaligid lang ang lalaki at bigla silang sugurin. Sa isang insidente lang, bigla siyang naging paranoid.

Hindi pa rin maalis sa isip niya ang mukha nitong galit. Ang mga tingin nitong parang gusto siyang sakalin.

Bulag siya kung sasabihin niyang para itong di gagawa ng mabuti sa biglang tingin. Ang totoo, guwapo ito. Maamong mukha na medyo natatakpan ng may kahabaang buhok na tuwid at nakatali. At ang katawan. Tight lean muscles. Tall and dark.

"Hoy! Anong iniisip mo?"

Napapiksi siya sa boses ni Maila.

"La lang..." at sinabi niya dito ang nangyari. Napatakip sa bunganga ang kaibigan upang mapigilan ang pagkabigla.

"Mabuti na lang at hindi ka inano noong lalaki. Naku, Cass, mag-iingat ka palagi. Baka maisip ng lalaking iyon na abangan ka dahil ikaw ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang balak niya..."

Lalong kinabahan si Cass sa sinabi ni Maila. Bakit ba hindi niya naisip iyon? Paano kung siya nga ang balikan nito at matatagpuan na lang ang walang buhay niyang katawan sa daan?

Goodness, hindi pa nga siya nakapag-travel palibot ng Pilipinas tulad ng pinapangarap niya. Wala pa siyang sariling bahay at hindi pa siya nakakawala sa poder ng tiyahin at pinsan. At higit sa lahat, hindi pa siya nagkaka-boyfriend! Mawawala ba siya sa mundong ito na hindi man lang natutupad ang mga simpleng pangarap niya sa buhay?

Goodness, bakit ba naiisip niya ang ganitong mga bagay? Mahaba pa ang buhay niya. Mabait naman siya, hehe, may pagkapilya nga lang... pero sapat na siguro para mabuhay pa siya ng matagal di ba?

"Kailangan mong mag-ingat Cass. Palagi ka na lang gabi kung umuuwi. Huwag sanang magkatotoo ang kinatatakutan ko. Kung bakit naman kasi, palagi kang minamalas..."

Nahigpitan na lang niya ng hawak ang mga kamay ni Maila na nakakapit sa kanya. Ipinapanalanging sana ay ligtas siya sa lahat ng oras.
====

Pagkababa ng jeepney, nagpalinga-linga muna sa paligid si Cass. Ilang minuto pa ang lalakarin niya bago makarating sa gate ng bahay nila. Hindi siya maaaring magkumpiyansa na ligtas na siya kesyo nasa kanilang lugar na siya.

"Well, well, well. Look who's here..."

Napatigil sa paghakbang si Cass nang marinig ang hindi pamilyar na boses. Luminga siya sa pinanggalingan noon at napanganga.

Isang lalaki ang nakatayo sa di kalayuan. Nakangisi ito at ngayon ay dahandahang lumalapit sa kanya. Nakasuot ito ng hoodie kaya medyo nakatago ang mukha pero alam niyang ang lalaking iniiwasan iyon.

Mahigpit niyang hinawakan ang backpack at bahagyang umatras. Tumigil ito sa paghakbang.

"A-anong kailangan mo?"

He chuckled and his deep voice fascinated her kahit pa natatakot siya sa maaaring gawin nito.

"You know what i want. Kung hindi mo ako napigilan kanina, nagawa ko na sana ang gusto kong gawin... you busted what i have meant to do. Ipinahiya mo ako sa mga kaibigan ko. It was all your fault! And i want payment in full..."

Lalong natakot si Cass sa diin ng pagkakasabi nito ng bawat salita. Napakalakas na ng kabog ng dibdib niya at parang gusto nang lumukso palabas. Hindi siya makapag-isip ng tamang gagawin sa sitwasyong iyon.

Nagpalinga-linga uli siya at noon din lang napansing napakatahimik ng kalye nila. Ni wala ngang asong gumagala.

"Wa-wala akong gi-ginawang masama sa 'yo. Dapat ka pa ngang magpasalamat na na-napigilan kita sa masama mong balak. Kung tutuusin, may utang ka sa akin..."

Bahagyang natanggal ang hood na suot nito kaya kita niya ang pagtaas ng isang kilay ng lalaki. "Ganoon? Dapat pa pala akong magpasalamat sa 'yo? You ruined my reputation! You shamed me! You caused me to be humiliated..."

Talagang napa-fascinate siya dito. May pagkasosyal naman yata ang kausap niya. Mahilig mag- ingles. Napapiksi ang dalaga nang unti-unti lumapit sa kanya ang lalaki. As if stalking his prey, he glided nearer and nearer.

"Hu-huwag kang lumapit! Sisigaw ako!"

"You already did, honeybunch. But look, alang tao... Sinong tutulong sa 'yo—"

Iyung angat ng mga kamay ni Cass na may hawak ng backpack at inihampas sa mukha ng lalaki.

"The Hell---" napayuko ito at sinapo ang pisnging natamaan.

Iyun ang sinamantala ni Cass. Mabilis na tumakbo ang dalaga palayo sa lalaki. Di na napansin ang pagkahulog ng wallet mula sa bag.
====

Ang lakas ng kaba sa dibdib ni Cass ay hindi nabawasan kahit nakapasok na siya sa sariling silid. Bakit ba kailangang magkatotoo ang sinabi ni Maila? May sa pagkamanghuhula yata ang babeng iyon! At no! Hindi niya puwedeng sabihin sa tiyahin na may nagtatangka sa buhay niya dahil sa pagpigil niya sa isang krimen. Sasabunin siya nito ng husto. Sisisihin siya at sasabihing kasalanan niya dahil sa nakialam siya sa hindi niya problema.

Gusto na tuloy niyang iumpog ang ulo sa dingding. 'Bakit ba napakapakialamera mo, Cassandra?! Ano na ngayon ang gagawin mo?! Napakatanga mo talaga!'

Ang iniisip niya ngayon, paano siya papasok sa trabaho? Paano siyang mabubuhay nang normal kung sa bawat galaw, nag-aalala siyang baka nakabantay sa kanya ang lalaki at kumukuha lang ng tiyempong mapatay siya!

Anong gagawin niya?!

Hindi masyadong nakatulog si Cass sa buong magdamag. Nanatili lang siyang nakatingala sa bubong habang nakahiga. Sa huli, hindi rin siya nakatiis at ipinikit ang mga mata. Nakatulog siyang napanaginipan ang paulit-ulit na ginagawang pagsaksak sa kanya ng kutsilyo na hawak ng di kilalang lalaki...
===

Kabado si Cass nang lumabas ng bahay. Tango nga lang ang naisagot niya sa sinabi ng tiyahing siguruhin niyang makakauwi ng maaga dahil kailangan nito ng tulong sa dry-clean shop.

Habang naglalakad, malikot ang mga mata niya. Ayaw niyang masalisihan ng lalaking kinatatakutan. Nakahinga lang siya ng maluwag nang makasakay ng jeepney at umusad na iyon paalis. Kinapa niya ang wallet sa loob ng backpack. Wala. Kinapa uli. Wala talaga.

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Napanganga siya nang masalubong ng paningin ang sariling wallet na nasa kamay ng di naman niya kilala.

"Salamat."

Kinuha niya ang wallet pero mahigpit ang pagkakahawak niyon. Tiningnan niya ang katabing may hawak niyon at namilog ang kanyang mga mata.

Nakangiti ang lalaki sa kanya. Parang napakainosente nitong tingnan gayong kagabi lang tinangka nitong saktan siya.

"Relax. Maraming tao dito. Hindi kita aanuhin..." pabulong iyon.

Nanindig ang mga balahibo sa buong katawan na yata ng dalaga nang dumikit ang mga labi nito sa teynga niya. Hinayaan nitong kunin niya ang wallet.

"Tandaan mo lang, lagi akong nakaabang sa 'yo. See you soon, honeybunch..."

Walang nagawa si Cass kundi ang mapatanga na lang lalo pa't pumara na ang lalaki at dalidali nang bumaba ng sasakyan.
============================
Have an awesome weekend, my friends!  :)

Wanted: Replacement BrideWhere stories live. Discover now