Part 6 - Unanswered

78 7 0
                                    

Hindi alam ni Cass kung tungkol saan ang tinutukoy ni Carmen. Pero lihim siyang nagpasalamat at walang may narinig ang babae sa pinag-usapan nila ng tiyahin.

"Pasensiya na po at baka na-offend kayo sa amin ng tiyahin ko. Ganyan lang ho talaga kami. Pero wala ho akong problema."

Carmen's eyes squinted na para bang nagdududa sa sinabi ng dalaga pero hindi na ito nag-usisa pa bagkus inakay siya nito palapit sa iba pang Rostiales at pinaupo sa tabi ni Ana Maria.

"Cassandra," sabi ng matanda na bahagya pang ngumiti. "You'll be part of the family soon. Sana naman maging komportable ka kung kasama kami. My grandson is quite naughty but I believe that he loved you so much to asked us to settle all this kahit wala siya. Oh, i know he can't wait to be with you..."

Bahagya siyang ngumiti ng alanganin. Teka, ano ba'ng pangalan ng apo nito? Sa sobrang anxiety, hindi man lang niya naitanong sa tiyahin maging ang edad nito. Ang mga katangian...

Tiningnan niya ang mga Rostiales. Sa anyo ng mga ito, sigurado siyang istrikto ang mga ito at hindi pa kailanman nagulangan ng kung sino. Bigla siyang kinabahan sa naisip.

Paano kung mahuli siyang nagsisinungaling? Na hindi naman talaga siya ang totoong nobya... Talaga bang ipapakulong ng mga Rostiales ang tiyahin? At ano ang tungkol sa kasunduang pinirmahan nito?

Muli, taimtim siyang nanalangin sa isang milagro. Sana bumalik na ang pinsan niya. Sana may mangyari na magpatigil sa itinatakdang kasalan. Sana magbago ang isipan ng mga Rostiales at huwag nang ituloy ang kasal. At kung sakaling matuklasan ng mga ito ang kasinungalingang bahagi rin siya, sana huwag silang ipakulong.

'Ate Claudia, bumalik ka na! Maawa ka!'

========================

Nakauwi na sila hatid ng Benz ng mga Rostiales. Susunduin uli siya ng parehong sasakyan kinabukasan para dalhin sa mansiyon ng pamilya. Ni hindi na nga siya naka-file ng resignation sa pinapasukang pabrika dahil naayos na daw iyon.

"Tiyang, sa huling beses, maawa ka naman sa akin. Gagawin ko ang lahat para sa iyo pero hindi ito. Hindi ko po kayang magpakasal sa taong di ko nga alam ang pangalan much more di ko pa nakikita..."

Kasalukuyang inililigpit niya ang mga gamit na dadalhin at paroo't parito naman ang tiyahin sa loob ng kanyang silid. Tumigil ito sa paglalakad at nameywang paharap sa kanya.

"Tanga! Grasya na ang lumalapit sa iyo, bakit mo tatanggihan! Pasalamatan mo pa dapat ang Ate Claudia mo at makakatikim ka ng ginhawa sa buhay."

"Pero Tiyang---"

"Ayoko nang marinig pa ang mga rason mo Cassandra. Kung nandoon ka na sa mga Rostiales kailangang ayusin mo ang sarili mo. Dapat magustuhan ka nila para makuha mo ang lahat ng gusto kong makuha mo..."

Tumahimik na lang si Cass. Ang bunganga ng tiyahin niya ay automatic, na pag nagsimula na, mahirap nang patigilin. Pamayamaya pa, tumigil na ito sa paglilitanya at lumabas ng kanyang silid matapos itong magbilin na pumunta ng grocery store at tumulong sa pagsasalansan ng mga bagong dating na paninda.

============================

Ang tindahan ng tiyahin ay nasa di kalayuan sa bahay nila. Katabi lang ito ng dry-clean shop at puwedeng lakarin. Isinilid niya sa loob ng bulsa ng suot na pantalong maong ang susi ng bahay at lumabas na ng gate. Alas-kuwatro na ng hapon pero mainit pa rin ang sikat ng araw. Binuksan niya ang dalang payong.

Malapit na sa tindahan si Cass nang may sumabay sa paglalakad niya.

"Hi, Honeybunch!"

Awtomatikong nahigpitan ng dalaga ang hawak sa dalang payong at tumingin sa nagsasalita. Nakapantalong maong ito at putting t-shirt. Ang mahabang buhok ay nakatali at wala itong suot na hoodie kaya kita ang buong mukha.

Wanted: Replacement BrideWhere stories live. Discover now