Part 7 - D-Day

69 7 0
                                    

Ipinasundo siya sa guest room na kinaroroonan niya kinagabihan. Ang sabi ng kasambahay na sumundo sa kanya, nandoon na raw lahat sa hapag-kainan ang mga miyembro ng pamilya.

Bahagya siyang kinabahan. Ibig bang sabihin, makikilala na niya ngayon ang taong pakakasalan niya? Bigla siyang nakaramdam ng pag-iinit ng sikmura dulot ng nerbiyos. 'Lord ,help me!'

Nasa pinakadulo ng 2nd floor ang silid niya kaya't medyo malayo din ang nilakad nila bago sila nakababa sa groundfloor at tumapat sa isang malaking pintuan. Huminga muna siya ng malalim bago sinenyasan ang kasama na buksan na ang pinto.

Tumambad sa kanyang paningin ang maliwanag na bulwagan. Ilang naglalakihang chandeliers ang nakita niyang nakasindi at tumatanglaw sa isang malaking mesa na hugis parihaba. Sa laki at haba niyon, kailangang pa niyang sipatin ang mga nakaupo na. Bahagyang natahimik ang hapag-kainan nang mapalapit siya sa tabi ni Ana Maria. Parang nanliliit na hindi man niya magawang tingnan ang mga taong curious na nakatingin sa kanila.

"Cassandra, why don't you take a seat?"

Iminuwestra nitong maupo siya sa pangalawang upuan sa kaliwa nito. Bakante ang nasa gitna nila ng matandang babae. Tumalima siya na hindi pa rin tumitingin sa mga naroon. Lumayo na ang kasambahay na sumundo sa kanya kanina kaya parang matutunaw sa hiya na yumuko lang siya.

"Cassandra, meet my husband, Leandro," Ngumiti siya sa tinukoy na nakaupo sa dulo ng mesa. Mestisuhin din ito. Tantiya niya nasa 70s na dahil sa medyo puti na ang lahat ng buhok. Gumanti ito ng ngiti sa kanya. "Si Ricardo, ang panganay ko, si Cezar at Julius na sons-in-law ko. At kilala mo na si---"

"Sorry, I'm late."

Isang lalaki ang biglang pumasok sa bulwagan at sa anyo nito ay parang hapo sa pagtakbo. Wala sa loob na naupo ito sa tabi niya upang matigilan lamang nang mapabaling ng tingin sa kanya. Biglang namilog ang mga mata ni Cass nang makilala ang bagong dating.

"You?!"

"Ikaw?!"

Sabay pang napabigkas ang dalawa. Napatayo sa upuan si Cass upang harapin ang bagong dating na nakanganga pa rin. Nilukob ng tensiyon ang buong bulwagan. Animo naghihintay sa maaaring mangyari.

"What's the meaning of this, Gran? Who's she?"

Tumayo na rin ang ginang at lumapit sa apo. "Sino pa? Siya ang mapapangasawa mo. Relax, Brennan. I think the three of us need to talk... Follow me to the salon, you and Cassandra..." Nagmuwestra itong sumunod ang dalawa sa kanya.

Nag-aatubiling sumunod si Cass sa matanda. Alam niyang nakasunod din ang lalaki sa kanya. Ang tensiyong namuo sa katawan ay hindi niya kayang ipaliwanag. Ang lalaking pakakasalan sana ng Ate Claudia niya ay ang ingleserong stalker niya?

'Diyos na mahabagin! Totoo ba ang lahat na nangyayaring ito?'

Bahagya niyang kinurot ang braso upang mapangiwi lamang. Masakit! Ibig sabihin hindi siya namamalikmata lamang o nananaginip!

"Cassandra," pukaw ng matanda sa pag-iisip niya. Halata niya ang panginginig sa boses nito at dagli siyang nagtaka. "Hindi ko alam kung ano ang iniisip mo ngayon. Maaari mong sabihin na we tricked you..."

Nangunot ang noon ng dalaga.

"Ah.... Okay. Ganito iyon. Hep, itikom mo ang bunganga mo, Brennan. You'll have your chance to speak later. Cassandra, alam kong nagtataka ka kung bakit hindi si Rusty ang nasa harapan mo ngayon. Ang totoo niyan, nag-runaway si Rusty kaya para sa kapakanan ng pamilya, and to salvage our pride and honor, si Brennan ang pakakasalan mo..."

Napanganga si Cass. Diyata't nagrun-away din ang groom? Kaya ba okay lang na palitan ang bride? Teka, alam ba ng mga ito na hindi siya ang tunay na bride? Wala siyang kaide-ideya kung ano ang dahilan ng paglalayas ng pinsan niya at lalong wala siyang ideya sa rason ng nag runaway na groom. Nagkalintikan na. Anong gagawin niya?

Litong napatingin siya sa pintuan. Nakatayo doon si Carmen at sumesenyas na tumahimik lang siya.

"Cassandra, please, sabihin mong hindi ka magba-back out. Pumirma ng kasunduan ang tiyahin mo. Alam niyang iba ang pakakasalan mo. Binigyan siya ng isang milyong piso para sa dowry."

Parang malalaglag ang panga ni Cass nang marinig ang sinabi ng matanda.

Isang milyong piso?!

Para lang sa dowry, isang milyong piso?! At hindi sinabi ng tiyahin sa kanya?!

Biglang umakyat ang dugo sa ulo ng dalaga at nanginginig ang mga kamay na naikuyom iyon. 'Tyang Mary! Pinagkakitaan mo pa ako?!'

Hindi niya napansin ang paglapit ni Ana Maria at ang paghawak nito sa mga nakakuyom niyang kamay. "Calm down, Cassandra. Mapag-uusapan ito..."

"Gran, why don't we talk about this? Just me and my future wife? Anyway, kami namang dalawa ang involve dito..."

Tiningnan ng may pagdududa ng matanda ang apo bago itinaas ang mga kamay as a sign of surrender.

"Siguraduhin mong maayos ang pag-uusap ni'yo Brennan. May marinig lang akong kaunting reklamo mula kay Cassandra, parurusahan kita."

Natawa si Brennan sa pagbabanta ng abuela. "Dont worry, Gran. If there's someone who's bound to be violent, hindi ako iyon." Tiningnan nito ng makahulugan si Cass.

Naiwan silang dalawa. Magkaharap sa pagkakaupo sa opposite leather chairs. Si Brennan, nakatingin nang nakangisi kay Cass. Si Cass, matalim ang mga tinging ipinupukol sa lalaki.

"So, shall we start?"

Alam kong hindi mo ako gusto at vice-versa. Bakit hindi mo kausapin ang pamilya mo at sabihing hindi mo ako puwedeng pakasalan?" Diniinan ng dalaga ang bawat salita. Kailangang maging matapang siya sa pagharap sa taong kinatatakutan. Baka ito pa ang maging paraan para ayawan siya nito.

"Wala naman akong sinabi na ayaw kitang pakasalan. Nabugla lang ako at ikaw pala ang gusto ng pinsan ko. You were my dear cousin's pick."

Ang ngiting kumawala sa mga labi nito ay laong dumagdag sa confusion na nadarama ng dalaga.

"Pero hindi ibig sabihin noon, kailangan nating magpakasal-"

"Uh-oh. Wrong .My family's reputation's hinges on this. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung ipacancel namin ang kasal dahil nag -runaway ang groom? At least kahit papaano, kung pakakasalan kita, everything's fixed."

"Ayaw kong magpakasal sa iyo! Sasabihin ko sa pamilya mo na nagtangka kang magholdap." May diin iyon at nangingitngit na tumayo si Cass.

"Aha, you can't do that. Nakalimutan mo na bang pumirma ng kasunduan ang tiyahin mo plus the one million? Nakakasiguro ka bang kaya pang ibalik ng tiyahin mo iyon? For all we know, ubos na iyon ngayon..."

Natilihan si Cass. Sa ugali ng tiyahin niya, siguradong wala na nga ang pera. Naisabunot niya ang mga kamay sa buhok at nanlulumong napayuko sabay upo.

"See? Naisip mo rin ano?"

Parang maiiiyak na tiningnan niya ang lalaki. Desperado na talaga siyang gawin ang lahat huwag lang matuloy ang kasal.

"Please. Hindi pa ako handang magpakasal. Kausapin mo naman ang pamilya mo. At saka... hindi naman natin gusto ang isa't isa. "

"No."

"Please..."

"I don't want to. Besides, i want to try this kind of life. Marrying someone chosen by my family seems challenging. Why not try it for a change?"

Hindi makapaniwalang natingnan na lang ni Cass ang lalaki.

Tumayo ito at tumabi ng upo sa kanya. Sinapo ng dalawang kamay ang kanyang mukha at ngumiti. "I'll make sure that you'll enjoy this kind of life, Honeybunch."

Sa kanyang pagkabigla, kinintalan siya nito ng isang halik sa noo at tumayo ito, bahagyang pinagpag ang suot na polo at inabot ang kamay niya.

"Let's eat our dinner. Siguradong naiinip na ang lahat sa paghihintay."

========================================================There. Done finally! Hope this compensated for the late update.

Thanks for the read! Feel free to vote/or comment...😉😉😉

Wanted: Replacement BrideWhere stories live. Discover now