Part 8 - Tradition Gets in the Way

70 5 0
                                    

 "Cassandra, sana maunawaan mo na ginawa ko lang ang dapat kong gawin bilang isang Rostiales. Nang malaman kong kilala pala ni Trinnie ang pamilya ng babaeng nagustuhan ni Rusty, nakiusap akong samahan niya ako sa naturang babae. Desperado na ang anak ko. Nakita ko kung paano nagbago ang lahat sa kanya simula nang makipagblind date. At oo. Alam kong hindi ikaw si Claudia."

Hindi nakakibo si Cass sa sinabi ni Carmen.

Teka, ano ba ang napasukan niyang ito? Matapos silang maghapunan kanina, hinila siya ng babae sa isang sulok. Kahit nagtatanong ang mga mata ng naroroon, hinayaan na lang sila kahit siya mismo ay nagtataka sa ginawa ng ginang. Hindi naman niya inaasahang magtatapat ito sa kanya.

"Nang makausap ko ang pinsan mo, hindi siya tumanggi nang alukin kong pakasalan niya si Rusty. You see, arranged marriage was a tradition of the Rostiales family. I find Claudia was quite likeable kaya hindi ako nag-atubiling sabihin ito sa pamilya at pumayag sila. Rusty was in training to manage the businesses. Hindi dahil sa anak ko siya, pero siya ang pinakaseryoso sa kanilang magpipinsan. Brennan is rebellious. Marami nang beses na naglayas at nasangkot sa kung ano-anong gulo. Ilang beses na ring pumagitna ang pamilya para masalba siya sa mga gulong kinasasangkutan. Nitong mga nakaraang araw, he looked mellow and Mama and Papa were happy, seeing that their grandson has been staying home most of the time but Rusty was different. Liban sa negosyo, naging abala siya sa mga blind dates na set up ng pamilya at doon nga niya nakilala si Claudia."

"Bakit ho siya naglayas?"

"Sad to say, nalaman niyang nag-runaway ang pinsan mo. Sa sobrang takot ko na malaman ng pamilya na tumakas si Claudia, well, kinutsaba ko si Trinnie na maghanap ng bagong bride. I thought mapapapayag ko si Rusty but I was wrong. He took it negatively and there, he's gone..."

"Pero, bakit ho ako? Marami pa ho akong pangarap sa buhay. Alam ko hong mapera kayo, pero, paano naman ho ako? Bata pa ho ako para magpakasal..."

"I was 18 when I got married."

Nakangiting sumabat si Carmen at lalong nanlumo si Cass. Akala niya makukumbinsi niya itong pakawalan na siya sa kasunduan.

"Mrs. Rostiales, iba na ho ang panahon ngayon. May karapatang na hong mamili ang bawat isa..."

"Sadly, not you Cassandra. Alam mo bang tuwang-tuwa ang tiyahin mo nang mag-offer ako ng isang milyong piso bilang dowry? She was so eager to get rid of you. Well, I haven't known you for long, pero alam kong mabait ka. You wouldn't want your aunt to end in jail, right? And you too. Pag nalaman ng buong pamilya na hindi ikaw ang pakakasalan sana ni Rusty, sa palagay mo ba makakatakas ka? No. you'll be charged with fraud and what not. Everything has been prepared and we're just waiting for the day..." Malumanay ang pagsasalita nito pero may diin na lalong bumagabag sa naguguluhang
dalaga.

"Pero---"

"Huwag kang mag-alala. Kung si Brennan ang iniisip mo, I assure you, mabait ang batang iyon ,kung di nga lang may kapilyuhan. Noong una niyang marinig na papalitan niya si Rusty, he was angry but eventually gave in nang kausapin ni Papa. And the way he looked at you earlier, I think he likes you..."

Hindi na nagawa pang magsalita ni Cass. Napabuntunghininga siya. Napakakomplikado na ng buhay niya para isipin pa ang pag-iwas sa mga maaaring gawin ni Brennan.

Mahabaging langit! Paano niya sasalagin ang mga pagsubok na dumarating sa buhay niya?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hi."

Bahagyang bumukas ang pintuan ng silid ni Cass. Dumungaw ang ulo ng nakangiting si Clementine. Ngumiti rin siya dito kahit nagtataka kung bakit bumisita ang pinsan ni Brennan.

"Halika. Pasok."

Umupo ang dalagita sa kama niya habang inililigpit niya ang dalang mga gamit.

"Ate. I'll call you Ate, okay?"

Tumango siya. Sa mga magpipinsan, si Clementine lang ang nagtangkang makipag-usap sa kanya. Ang kambal naman ay puro irap lang ang ginawa at kung makatingin, mula ulo hanggang paa.

"Pasensiyahan mo na sana sina Jenine at Juliane. Palibhasa, spoiled ang mga iyan sa pamilya ng tatay nilang mga aristokrata. Lumaki sila sa boarding school na exclusive for girls. Pampered. Umuwi lang dito dahil gusto nilang makita ang pakakasalan ni Kuya Bren. Obsessed sila kay Kuya. Palaging iniimagine na sana ang mga boyfriends nila katulad ni Kuya. Handsome, manly, on the bad boy side."

Nakikinig lang si Cass habang nagsasalita si Clementine. May pagkatabil ito. Lumiliwanag ang mga bilugang mata habang nagsasalita at lumalabas ang dimples sa magkabilang pisngi. Meron itong bilugang mukha at nakatirintas ang mahabang buhok at sa hinuha niya nasa high school pa ito.

"I'm 17 by the way, if you're wondering. 16 'yung kambal at 23 na si Kuya Bren. 22 si Kuya Rusty... Sorry pala sa nangyari. Nag-runaway si Kuya. Di naman namin alam kung bakit kasi gustong-gusto ka niya... Ang sabi ni Mama, may nakasamaan ng loob si Kuya..."

Hindi alam ni Cass kung ano ang sasabihin. Talagang paniwalang paniwala ito na siya ang 'real bride'. Siya man ay may nagawa ring mali at hindi niya maaaring sabihin dito na siya ay isa ring replacement. Sabi ni Mrs. Carmen, maaari niyang ikapahamak ang katotohanan at totoong natakot siya sa banta nito. Bata pa siya para tumanda lang sa kulungan.

"Okay lang iyon. Tanggap ko na..."

Dumikit ng upo sa kanya si Clementine at niyakap siya sa kanyang pagkabigla. "Okay lang iyon. Andito naman ako. Kami ni Kuya Bren. Hindi ka namin pababayaan. Lalo pa't si Kuya Rust ang may kasalanan. Sabi ni Mama, huwag ka raw malungkot. Kakampi mo kami..."

Bahagya siyang natawa sa ginawa ng dalagita. Kung alam lang nito ang totoo.

"Sinabi mo eh... Teka, bakit ba umiiyak ka?"

Pinahid ni Clementine ang gilid ng mga mata matapos bumitaw sa kanya. Tumawa ito.

"Sorry, nadala ako sa drama. Masyado na ba akong madaldal? Hehe... pero mag-ingat ka sa kambal. Maraming alam na kalokohan ang mga iyon... lalabas na ako. See you tomorrow..."

Nahulog sa malalim na pag-iisip si Cass nang makalabas si Clementine. Wala na talaga siyang magagawa para makaiwas sa sitwasyong kinasusuungan niya ngayon. Puwede siyang tumakas pero alam niyang wala naman siyang mapupuntahan at siguradong ipahahanap siya ng mga Rostiales at ipapakulong. Siya na naman ang sisisihin ng tiyahin sa kamalasan nila.

============================
Finally done. Enjoy reading!

Wanted: Replacement BrideWhere stories live. Discover now