Part 13- Almost, But...

171 9 5
                                    

Sorry for a very late update, guys!

Hoping this could compensate.
===========================

Isang private resort iyon na pag-aari ng mga Rostiales. Kompleto sa mga amenities at makabagong gamit. Malawak ang lugar kaya't ang kalahati ng lupa ay ginawang exclusive para sa pamilya at ang isang bahagi ay para sa mga turistang parang mga langgam na makikita sa dalampasigan.

Napabuntunghininga ng malalim si Cass. Nahapit sa katawan ang balabal dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Malapit na pala ang December. Isang pasko na naman ang darating pero hindi pa niya alam kung ano na naman ang mangyayari. Sa mga nakalipas na pasko na kasama niya ang tiyahin at pinsan, parang ordinaryong araw lang ang mga iyon. Ni isang t-shirt ay wala siyang natanggap o kahit pagbati man lang. Hindi naman sa nagrereklamo siya pero nahinuha niyang mas mabuti pa ang ibang tao. Nadama at nakita niya sa mga iyon ang 'spirit of christmas' 'ika nga.

Dalawang matitipunong braso ang sumalikop sa kanyang katawan. Ang kanyang dalawang kamay ay hinawakan.

Napapiksi pa si Cass at pilit kumawala pero hindi siya pinakawalan ni Brennan. Ang pisngi nitong nakadikit sa pisngi niya ay nagdulot ng init at lalong uminit ang naramdaman nang dumikit ang katawan nito sa kanyang likuran.

"You look disturbed and bothered. Sabihin mo sa akin, may problema ba?"

Nang magsalita ay tumama sa pisngi niya ang mainit na hininga nito. A shiver run down her spine.

'Mahabaging langit, bakit ba napakaapektado niya sa pagkakadikit nito? Magiging asawa niya ang lalaking ito at anumang intimacy ang mamamagitan ay natural lamang. Pero iba na ang pakiramdam niya at hindi niya ito inaasahan. Hindi niya kayang ipaliwanag ang malakas na kabog ng dibdib... Ang kiliting nararamdaman sa puso... Ang tiling gustong kumawala... Ang panghihina ng mga tuhod...

She sagged against him.

"Okey ka lang?" Humigpit ang pagkakayakap ni Brennan sa kanya at lalo siyang naitigilan nang magkasalubong ang kanilang mga mata.

May pag-aalala sa mga tingin ng lalaki. Ang pagkakunot ng noo nito ay lalong dumagdag sa kaseryusuhan ng mukha.

"Medyo nahilo lang ako pero ayos na ngayon... Puwede mo na akong bitiwan."

Dahan-dahan siyang inalalayan ni Brennan na makatayo at bumitaw ito. Nakaramdam ng kahungkagan si Cass sa paglayo ng katawan nito sa kanya.

Isang basong tubig ang inabot nito sa kanya kapagkuwan at parang uhaw na uhaw na tinungga iyon hanggang sa masaid ang laman ng baso.

"Siguradong gutom ka lang. Mahaba din ang biyahe papunta dito. Come. We need to eat at least."

Pinakaiiwasan niyang mapatingin sa dako ni Brennan kahit nang mapansin niyang inaabot ng lalaki ang kanyang kamay. Dahan-dahan iyung bumaba nang hindi niya abutin.

Nagpatiuna na itong lumabas ng silid.

Nakahinga ng maluwag si Cass.

Habang naglalakad palabas, napapaisip siya.

Ibang-iba na si Brennan. Parang dalawang tao ito. Iba ang naka-encounter niya noon sa jeepney at iba ang taong kasama niya ngayon. Napaka-caring nito. Ang mga naiisip niyang mga negatibong bagay tungkol dito ay hindi niya minsan mang naexperience sa panahong magkasama sila.

Nakita niya si Brennan sa di-kalayuan. Nakaupo ito sa loob ng restaurant at nang makita siya ay kumaway. Ngumiti. Parang masayang-masaya.

"Ang tagal mo naman... Anong gusto mong kainin?" sabi nito paglapit niya. Nakatingin ito sa menu ng restaurant habang may waiter na naghihintay ng order nila sa tabi nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wanted: Replacement BrideWhere stories live. Discover now