Part 9- Her First

89 7 0
                                    

Kalalabas lang ni Clementine nang may kumatok na naman. Tumigil siya sa ginagawa at tumayo, umunat muna ng katawan at tinungo ang pintuan. Bumulaga sa kanya ang nakangising mukha ni Brennan.

"How are you settling, Honeybunch? Is the room to your preference?"

Nakaismid na iginala ni Cass ang mga mata sa loob ng silid. Ngayon lang talaga niya napagtuunan ng pansin ang kaanyuan nito.

White walls, thick, dirty-white floor to ceiling curtains, king-sized bed malapit sa bintanang salamin. Malaking flat screen tv sa bandang paanan ng kama at isang antique dresser sa isang banda. Elegante at mamahaling couch, chandelier, en suite bathroom and closet.

"Iyan lang ba ang ipinunta mo dito? Okey lang. Salamat sa accommodation. So, if you'll excuse me, Isasara ko na po ang pinto at nag-aayos pa ako ng gamit ko."

Inakma niyang isara ang pinto pero humarang ang isang paa ni Brennan at isiniksik nito ang katawan sa giwang ng pintuan.

"Hep, not done yet." At tuloy-tuloy na itong pumasok at ito mismo ang sumara ng pintuan.

"Anong ginagawa mo? Lumabas ka!"

Parang walang narinig na nahiga si Brennan sa kama. Isinalikop ang mga kamay sa batok at tumingin ng nakangisi sa kanya.

"Relax, Honeybunch. Kailangang masanay ka nang magkasama tayo sa iisang silid. Remember, we're getting married soon."

Napabuntunghininga si Cass sa tinuran ng lalaki. "Hindi ko nakakalimutan. Pero puwede ba, bigyan mo naman ako ng konting privacy? Hindi pa tayo kasal kaya wala kang karapatang manghimasok sa personal matters ko."

"Slow down, sweetheart." Tumayo ito at lumapit sa kanya. Napaatras siya habang sinasalag ng mga braso ang paglapit ng katawan ng binata sa kanya. "Alam mo bang maganda ka? Di nga lang kasing ganda ng pinsan mo, pero okay na..."

Napatigil sa pag-atras si Cass nang mabangga ng likuran ang pinto. Tuluyang nakalapit si Brennan. Itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo niya habang tinititigan siya sa mga mata. Nawala ang ngiti nito sa mga labi.

"Kilala mo ang pinsan ko?"

Hindi muna sumagot ang lalaki. Bagkus pinulupot nito sa mga daliri ang mahaba niyang buhok at dinala sa mga labi.

"Sabihin na nating na-meet ko siya nang magdate sila ni Rusty."

Namilog ang mga mata ni Cass at napalunok. Ibig sabihin, alam nito ang katotohanan? Pero sabi ni Mrs. Carmen—

"Surprised? I'm wild but I'm not dumb and stupid. Ano kaya ang gagawin ni Gran kung malaman niyang you faked your identity?"

"Wala akong kasalanan. Hindi ako ang puno at dulo ng lahat." Matigas ang mga salita niya. Nakipagtitigan dito. Gusto niyang iparamdam dito na hindi siya natatakot gayong nanginginig ang mga tuhod niya sa nerbiyos.

"Really? But you consented and conspired. Unless you do as I say, makakarating ito kay Gran." pabulong na sabi nito.

Nahigit ni Cass ang hininga ng bahagyang dumaiti ang mga labi ni Brennan sa kanyang pisngi. ang banayad na paghinga nito ay tumatama sa kanyang mukha at muli siyang napatitig sa mga mata nito.

"Hindi mo ako maba-blackmail. Isipin mo rin na alam mo ang katotohanan pero hindi mo ipinaalam sa pamilya mo. Patas lang tayo."

Napaatras si Brennan nang itulak niya ito at umikot sa kabilang bahagi ng kama. Ngunit sa kanyang panlulumo, sumunod ito sa kanya at sinaklit siya sa beywang. Nanlaban siya habang sinasalag naman ng isang kamay ng natatawang binata ang mga tangka niyang pagsuntok dito.

Wanted: Replacement BrideWhere stories live. Discover now