Chapter 3: Personality Clash

64 2 0
                                    

(Ellie's POV)

5 minutes. 5 damn more minutes. Takte ayoko pang pumasok! Saklap naman ng buhay oh. Pasukan na naman. Inis.

" Ellie."  Katok ni Ate Arlene sa pintuan ko, lalo kong binaon ang ulo ko sa unan. Inaantok pa ako. 

Bakit ba kasi ang aga ng pasok ko?

" Tayo ka na, Ellie. Malalate ka na." Tawag ulit ni Ate A sa akin

~Meow~

Pagngiyaw ng pusa na nakapatong sa likod ko.

" Pati ba naman ikaw, Kirara?"  Pagbalikwas ko sa aking kama at tingin ng masama sa pusa. Nagpurr lang ito sabay tingin sa may Bathroom door. Inuutusan na akong maligo. 

Talino noh. Palibhasa kasi alam niya kung gaano katamad amo niya.  Napilitan naman akong mag ayos ng sa sarili baka kalmutin niya pa ako. Masakit kaya. Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako para kumain. Sinigurado ko munang may taping ang kanan kong kamay. Wala si Papa ,may pinutahan daw kasama founder niya. May sinalihan kasi siyang Brotherhood echos. Aba ewan ko kung para saan yun. Gimik ata ng matatanda. Yung Founder na iyon ay yung tatay ni Jay. Kaya ayun. He was so full of himself.

" Anong oras ka uuwi, Ellie?" Tanong ni Manang Ising habang inililigpit yung pinagkainan ko.

" Hapon o gabi na." sagot ko na lang at takbo palabas ng bahay.

Malalate na ako. Magcocommute pa naman ako, wala kasi si papa. Dapat hinahatid niya ako eh. Mas inuna pa yung founder niya. Buti na lang medyo patok yung nasakyan kong jeep. Medyo pa lang, kahit papano intact pa rin kaluluwa ko sa akin.

Dumating ako sa Lumina Espada University on Time. Oo on Time. Well sanay naman akong late pumasok at sanay na sa akin ang mga Professor ko. 

I'm a second year student of the LEU, Business Administration. Cool ng pangalan ng school ko.

 LUMINA ESPADA. Wahahaha! Lakas ng trip ng may-ari eh.  

Kung Cool ang pangalan ang Cute naman ng Uniform, White Polo shirt with Dark Blue necktie and the logo of the school on the left chest of the polo. With a Dark Blue skirt na dapat ay hanggang tuhod kaya lang ang iba ay ginawa itong mini skirt. Ay ewan ko ba sa kanila.

'ROOM 305'

'ROOM 305'

'ROOM 305'

Parang Mantra na paulit-ulit kong binubulong habang naglalakad. Masakit man aminin pero mahina ang sense of direction ko. Nagrerely lang ako sa memory ko at pangamoy, Yup malakas ang pang amoy ko. 

Ang maganda rin sa school na ito ay hindi yung estudyante yung palipat-lipat kundi yung teacher at aalis lang kayo ng room niyo pagagamit ng LAB o GYM.

[Room 305]

Nakita ko na!! 

Ah! Agad akong napahinto sa aking nakita. What the hell?! May nakita akong Light colored hair na lalaki na pumasok sa room na iyon. 

You gotta be kidding me! 

" Ellie! Anong room mo?" Tanong ni Vanessa nang lumapit siya sa akin. Classmate ko siya dati at siya lang ang kaclose ko noon. Siya lang naman ata ang normal dun eh. Laging nakabraid yung buhok niya at may suot siyang salamin. Tingin sa kanya ng ibang tao Ay Freaky Nerd but she's normal for me. Scholar din siya ng school.

Enchanted ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon