Chapter 8: Trapped

40 2 0
                                    

(Third Person's POV)

Kaguluhan, ito  ngayon ang nangyayari sa highway. Ang mga sasakyan ay bigla-bigla na lang tumatabi na para bang may humahawi sa kanila kaya naman ang iba ay nagkakabanggaan.

Lingid sa kanilang kaalaman ay isang malaking kalesa, more like a customize carriage, binubuo ito ng purong bakal at ang mga gulong nito ay kasinglaki ng gulong ng isang bus at ang kabayo nito, well hindi naman na mamatawag itong kabayo, ang invisible na dumadaan sa lane.

** Out of the way, Bitches! Give way to the great Danger Espada! ** Sigaw ni Danger habang hinihila niya ang kalesa, in his panther-form, it's armored white and thrice the size of a normal panther. He roared, automatic namang tumatabi ang mga sasakyan sa harapan niya kahit hindi sila nakikita.

"Parang kanina lang grabe ang violent ng reaction niya ng malaman niyang siya ang maghihila." (-__-) Comment ni Jasmin habang nakatayo siya at pinapanuod ang mga nagtatakang tao na nagsilabasan sa kanilang sasakyan.

Thanks to Prince ability to cloak anything and make it invisible, walang pulis na humahabol sa kanila at hindi sila pinagkakaguluhan ng mga tao.

" Well, that's Danger for us. Pero bilib talaga ako sayo Prince, akalaing nagawa mong kalesa ang bus." Pagtingin naman ni Alma kay Prince na nakaupo lang sa second seat at nakapikit ang mga mata.

" Wag mong istorbohin, Alma. Nagko-concentrate iyan. Patay tayo pag nawala ang invisibility cloak niya." Si Visul habang tahimik na nakaupo sa tabi ni Prince.

"Lagot tayo kay Yue! Waah!" Monica whined at the back seat, " Master, calm down. You can start practicing your face of pure ignorance." her supporter said through mental link connecting to everyone near.

Napa snort naman si Hanna ng marinig yun.

" Parvati! Hindi ka nakakatulong!!" reklamo ni Monica sa kanyang supporter bago nagmukmok sa kinauupuan niya.

Magsasalita na sana si Tarras ng biglang sumigaw si Jasmin, "City Ho!!" nang makakita siya ng malalaking building ahead.

"Anong City Ho?" Nagtatakang tanong ni Alma mula sa kanyang kinauupuan.

"That is probably, 'Land Ho!', ang sinisigaw ng mga pirata pag may nakikita silang isla." Sagot naman ni Visul sa kanya.

"Ahhhh~" Chorus nilang lahat.

Natahimik silang lahat ng lumiko si Danger, they can sense something strange in the air ngunit mabilis pa rin ang pagtakbo ni Danger kaya naman hindi nila ito ganun binigyan ng pansin.

** Out of the way! Out of the way!! ** Sigaw ulit ni Danger bago tumawa maniacally.

"Danger, bagalan mo baka makabangga ka ng bata!" pagpapaalala sa kanya ni Alma ngunit hindi niya ito pinakinggan.

" Bilisan mo pa Danger! Bilis pa!" Pagencourage naman ni Jasmin na halatang nageenjoy sa bilis ng ride nila.

" Jas, don't encoura--OLD LADY! DANGER, JUMP!"

Agad din namang tumalon si Danger ng napakataas, dragging the carriage upwards, missing the old lady crossing the street by meters.

" Phew~ that was clos---KID ON THE RIGHT!!"

** Shut it! I'm in command here! **  reklamo ni Danger sa mga sigaw ni Alma, mabilis siyang nagside-step sa kaliwa para iwasan ang bata.

Enchanted ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon